|CHAPTER TEN| "GOOD MORNING SIR!" Rinig kong bati ng mga empleyado sa kadarating lang na si Alexander. Hindi man lang niya binati pabalik ang mga bumati sa kaniya at nilagpasan lang ang mga ito. Napairap nalang ako sa kawalan at tumayo para bumati din sa kaniya. "Good morning sir." Kaswal kong bati sa kaniya. Hindi na katulad noong masigla ang boses ko kapag binabati siya araw-araw. Naaalala ko pa kasi 'yong sinabi niya saakin kahapon. Ang sakit kaya no'n. Tumingin lang ito saakin at nilagpasan din ako. "Gwapo mo sana, napakasungit lang." Bulong ko. "What did you say?" Natataranta akong napabaling ulit sa kaniya. Narinig niya yata 'yong bulong ko. "A-ahh wala po sir." Agaran kong sagot sa kaniya. Tumitig pa ito ng ilang minuto saakin. "I'll talk to you later in my

