|CHAPTER NINE|
HUMINTO ang sasakyan ni sir sa isang mamahaling restaurant dahilan para mapakunot ang noo ko.
"We'll eat breakfast first." Nasagot ang tanong ko sa sinabi niya.
Tumango nalang ako. Nauna itong lumabas.
Ni-hindi man lang ako pinagbuksan.
Napaka ungentle man talaga.
"Hurry up." Usal nito at nauna ulit na naglakad papasok sa restaurant na 'yon.
Umupo kami sa isang bakanteng upoan at agad din naman kaming inasikaso at hiningi ang aming order.
"Here's your order! Enjoy po!" Masayang sambit ng babae at inilapag na ang mga pagkain namin.
Nagsimula naman na kaming kumain ni sir.
Tahimik lang akong kumakain nang magsalita siya.
"Pagkatapos nito, pupunta tayo sa prisinto." aniya kaya muli akong nagtaka.
"Pinahuli ko ang mga gagong nagtangka sayo." Napabuntong-hininga ito.
"Next time. Huwag ka ng lumabas ng bahay mo kapag gabi na. Baka mangyari ulit sayo 'yong kagabi." Sambit niya kaya napangiti ako.
Concern ba ito saakin?
"I'm only doing this because you're my secretary. Isa kang mahusay na sekretarya at pinagkakatiwalaan ka ni Dad ng lubusan. Isang malaking kawalan kung mawala ka." Sabi niya kaya napawi ang ngiti ko.
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya.
Concern lang pala siya saakin kasi secretary niya ako.
Okay na sana eh....
"Continue eating." aniya at nagsimula na rin ulit itong kumain.
___________________
NARATING namin ang prisinto kung saan nakakulong ang tatlong lalakeng nagtangka saakin kagabi.
Ewan ko pero si sir Alexander yata ang gumawa ng paraan para mahuli ang tatlong 'yon.
Hindi kami nagtagal doon. Ayaw kong humarap sa tatlong na 'yon dahil baka masipa ko lang sila. Kahit na buntis ako, kaya ko 'yon.
"Hindi ka po ba papasok ngayon sir?" Tanong ko sa kaniya habang palabas ng prisinto.
Umiling lang ito at patuloy lang paglalakad patungo sa sasakyan niya.
Habang ako ay napatigil sa paglalakad nang makakita ako ng nagtitinda ng mangga.
Bigla tuloy akong natakam.
Kagabi kasi 'yong mga binili ko natapon sa kakatakbo ko.
Napagpasyahan kong bumili nalang muna ng mangga.
"Hello po manang! Pabili naman po ako ng mangga... " Wika ko kay manang na nagtitinda.
"Ang ganda mo naman hija. Teka.... kumakain ka ng mangga na ganito? Buntis ka ba hija?" Tanong nito saakin kaya ngumiti lang ako at tumango.
"Maddison!" Napabaling ako sa tumawag saakin.
Si sir Alexander.
Magkasalubong ang kilay nito habang papunta saakin.
"What are you doing?" Tanong nito at bumaling sa mga mangga.
"Heto ba ang asawa mo hija? Ang gwapo atsaka ang ganda mo. Bagay kayo. Paniguradong gwapo o maganda ang magiging anak ninyong dalawa." Sambit ni manang kaya napatanga ako.
Ang daldal naman ni manang.
Baka malaman pa ni sir na buntis ako.
Peke akong tumawa. "A-ahh hindi ko po siya a-asawa manang." Tanging sambit ko nalang at binayaran ang biniling mangga at inaya na si sir na umalis.
"Bakit ba gusto mong kumain ng mangga? Kagabi pa 'yan ah!" Tanong nito nang makapasok kami sa kotse niya.
Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. "A-ahh gusto ko lang po kasing kumain. Matagal-tagal na rin no'ng huli kong kain ng ganitong ." Pagsisinungaling ko.
Hindi na ito umimik at nagsimula nalang sa pagmamaneho.
Habang bumabyahe kami ay biglang tumunog ang cellphone ko.
May nag text.
Si Zed.
"Bakit hindi ka pumasok ngayon?"
'yon ang tanong nito.
Nag-type naman ako kaagad ng maisasagot.
"May emergency lang. Papasok naman ako bukas."
Sagot ko sa mensahe niya.
Ilang segundo lang ay nagreply ito.
"Pati si sir Alexander ay absent rin."
Reply niya kaya bigla akong kinabahan.
Anong sasabihin ko?
Sasabihin ko bang kasama ko ngayon si sir?
Baka magtaka lang 'yon kung ba't kami magkasama.
"Baka may emergency din."
Sagot ko nalang.
No choice nalang talaga ako kundi ang magsinungaling.
Muli na namang tumunog ako cellphone ko. Tanda na may reply ulit si Zed.
Akmang babasahin ko na ang mensaheng 'yon nang biglang huminto ang sasakyan ni sir dahilan para mapasigaw ako sa gulat.
"Sir! Papatayin niyo po ba ako?" Sigaw ko dahil sa kaba.
Buti nalang at naka seatbelt ako kundi naumpog na talaga ang ulo ko.
Nagmura lang ito ng mahina at bumaling nalang sa harap kung saan traffic.
Napaismid ako.
Kung traffic ede sana nagdahan-dahan lang siya.
Paano kung may mabangga siya?
Laking problema non.
Habang ipit kami sa traffic ay tumunong ulit ang cellphone ko.
Si Zed pa rin 'yon.
"Baka nga... Sige, mag-ingat ka ha?"
'Yon ang message nito kanina.
"Sige na Maddison. Bukas nalang ulit. Babalik na ako sa trabaho."
'Yon naman ang bagong text nito.
Handa na sana akong mag-type ng iri-reply sa kaniya nang biglang hinablot ng kasama ko ang cellphone.
"Sir! Ibalik niyo po saakin 'yong cellphone ko..." Angil ko.
"The message tone of your cellphone irritates me." Masungit nitong wika at nag-abala ulit sa pagmamaneho.
"Isa-silent mode ko nalang po para hindi na kayo mairita. Akin na po 'yong cellphone ko..." Sambit ko ngunit hindi lang ako nito pinansin.
Ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay ko.
"Mauna ka nang bumaba." Sambit nito pero tinitigan ko lang siya.
"Yong cellphone ko..." Usal ko sa kaniya.
"I'll give it back to you later. Bumaba ka na muna." Naiiritang sambit nito kaya lumabas na lang ako.
Isang minuto lang yata akong naghintay sa labas at bumaba na rin siya.
"Here's your phone." aniya.
"Next time. Stop texting that guy if you're with me. Understood?" Sambit niya at inabot na saakin ang cellphone ko.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman po?" Tanong ko kaya bumakas ang pagkairita sa mukha nito.
"Just do it. Huwag ka ng magtanong." Iritable nitong sagot sa tanong ko.
Ngumuso naman ako sa kaniya. "Bakit ba ang sungit-sungit mo sir? Wala naman akong masamang ginagawa ah?" Tanong ko.
Tumitig lang ito saakin at marahas na napahinga. "Because you're so careless! Nakakairita din ang pagiging mabait mo sa lahat ng tao! Lalo na sa mga lalake. Kaya ano ang napala mo? Sa pagiging careless mo, muntik ka nang magahasa kagabi!" Prangka nitong sagot saakin.
Napayuko ako.
Parang tinusok ng madaming karayom ang puso ko sa sinabi niya.
Gano'n ba talaga ang tingin niya saakin?
Bakit?
Bawal ba ang maging mabait sa mga tao?
Napabuntong-hininga ito.
"Just.... just get inside your house." Sambit nito at naglakad na patungo sa kaniyang kotse.
________________
A/N: Nagsisimula pa lang po si Sir Alexander.
Halatang nagseselos eh. Sene ell!
Follow me on w*****d:
@Miss_Lashie
DON'T FORGET TO
VOTE!
COMMENT!
AND SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS!
Add me on f*******::
@Lashie WP
Xièxie!