|CHAPTER TWENTY NINE| MADAMING boses ang naririnig ko nang magkaroon ulit ako ng malay. Hindi ko pa iminulat ang aking mga mata at nakiramdam muna sa paligid. Masakit ang ulo at katawan ko. Doon ko na napagpasyahan na imulat ang aking mga mata ng dahan-dahan. Nang tuluyan nang nakamulat ang aking mga mata ay puting kisame ang bumungad saakin. Bigla akong nagtaka dahil hindi naman ito ang kwarto ko. Lumingon ako sa aking gilid at nakita ko ang isang doktor at mga nurse. At ang sa tabi ng mga ito na nakaupo at nakayuko ay si Alexander. Nang masilayan ko siya ay bigla kong naalala ang mga nangyari. Nabangga ako ng isang kotse. At ngayon. Nasa isang ospital ako. Nanumbalik ang sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling 'yon. ''You're awake.'' Boses 'yon ng doktor nang makita yata ako

