|CHAPTER THIRTY| Warning: SPG. Read at your own risk! MAAGA akong naghanda ng almusal para kay Alexander. Gusto kong ayusin ang mga nangyari saaming dalawa. Gusto kong maging maayos na kami. Kahit masakit man gawin ang pagtanggap nalang na wala na ang anak namin. Pipilitin kong gawin 'yon. Dahil kung palagi lang kaming hindi magpapansinan. Hindi uusad ang relasyon namin. Ayokong mauwi nalang sa wala ang meron kami. Kung ako ang lalaban at magpapakatatag saaming dalawa, okay lang. Lahat gagawin ko, maging maayos lang ang lahat. Pagkatapos kong mailapag lahat ng inihanda ko ay sakto naman ang pagbaba ni Alexander mula sa kwarto. Sapo-sapo pa nito ang ulo. Halatang may hang-over dahil naglasing na naman siya kagabi at matagal nakauwi. Huminga muna ako ng malalim at ngumiti. "Good m

