|CHAPTER THIRTY ONE| MAAGA akong nagising kinaumagahan. Nang balingan ko ang katabi ko ay mahimbing parin itong natutulog. Isa-isa kong dinampot ang aking mga damit na pinaghubaran kagabi 'saka lumabas sa kwartong 'yon at nagtungo sa kabilang kwarto para makapagligo. Nang matapos sa pagligo ay kaagad akong bumaba para makapagluto. Nang buksan ko ang ref ay iilang stocks nalang ang nandoon. Napabuntong hininga nalang ako. Bibili nalang siguro ako mamaya ng groceries. Kinuha ko ang mga natitirang lutuin doon atsaka niluto. Mabilis akong natapos at inihanda na ang mga pagkain sa lamesa. Hindi pa naman bumababa si Alexander kaya magdidilig nalang siguro muna ako ng mga halaman sa likod. Agad akong nagtungo doon at kinuha ang hose atsaka nagsimulang diligan ang mga halaman. Mahina

