CHAPTER FIVE

754 Words
|CHAPTER FIVE| NANG TULUYAN akong makapasok sa C.R ng mga babae at habang umiihi ay bigla akong nakarinig ng mga yapak. Para itong nagmamadali. Halatang hindi isang tao 'yon. Nanatili akong tahimik at pinakikinggan ang nangyayari sa labas. "Ohh! Ah!" Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng ungol ng isang babae. Umayos kaagad ako at tumayo. Hindi gumagawa ng ingay. "Oh d*mn it!" Sunod ko naman narinig ang ungol ng isang lalake. Sa paraan ng pagmura nito ay matutukoy kong si Sir Alexander 'yon. Sa halos araw-araw ba naman itong mainit ang ulo at nagmumura. Talagang nakabisado ko na. "Ohh!" Muli nitong pag-ungol. Napatakip ako sa aking bibig. Aware naman akong may ginagawang milagro ang lalakeng 'to kasama ang iba't-ibang babae ngunit hindi ko naaatim na harap-harapan kong naririnig ang mga ungol nila. Dahan-dahan kong binuksan ang pintoan ngunit sa kasamaang palad ay tumutunong pala ito kapag binubuksan kaya napatigil silang dalawa at napatingin sa gawi ko. Ako nama'y dagling pumwesto sa gilid habang kinakabahan. "May tao po yata." Rinig kong sambit ng babae. Pamilyar ang boses nito. Parang narinig ko na ang boses na 'yon noon. "Lumabas ka muna." Dinig ko namang sambit ni Sir Alexander sa babae. "H-huh?" Tanong ng babae kay sir. "I said get out. I'll handle this." May pinalidad sa boses ni sir. Hanggang sa narinig ko nalang ang yapak ng babae papalabas. Nanatili naman akong nasa gilid lang. Hindi umiimik. "Lumabas ka diyan." Malamig ang boses nitong utos. Hindi parin ako gumalaw. "Ang sabi ko lumabas ka diyan." Ang boses na nito ay nagpapahiwatig na nang pagbabala. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan na lumabas. Nakayuko ako habang naglalakad papalabas. Nang tumingin at humarap ako sa kaniya ay namutawi ang pagkagulat sa mukha nito. "P-pasensya na po..." Yumuko ako ulit at humingi ng paumanhin. Ilang minuto siyang walang imik at patuloy pa din naman ako sa pagyuko. Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita siya. "G-Get out." Turan nito kaya napaawang ang labi ko. Sa ilang minuto niyang pananahimik 'yon lang ang sasabihin niya? Hindi nalang ako nagsalita pa at naglakad nalang paalis ng C.R na 'yon. ___________________ KINABUKASAN ay ilang na ilang ako kay sir Alexander. Kapag inuutusan ako nito at pinapapapunta sa kaniyang opisina ay nakayuko lang ako at tipid kung magsalita. Kagaya nalang ngayon. Inutusan ako nitong dalhin ang mga arranged papers na pina-arrange niya saakin noong isang araw. Habang naglalakad ako papasok ay nakayuko pa din ako. Nang mailapag ko na ang mga papeles ay bigla itong nagsalita. "Miss Hernandez." Tawag nito saakin. Napatingin ako sa kaniya. "Po?" Tanong ko. "Tungkol sa nakita mo kahapon." Panimula niyang sambit. Hindi ko na siya hinayaan pang dugtungan ang sasabihin at inunahan na siya. "O-okay lang po sir. H-hindi ko po 'yon sasabihin sa iba." Sinsero kong sambit. Napatango siya ng mahina. "A-aalis na po ako sir." ani ko at akmang maglalakad na papalabas ng tawagin niya ulit ang apilyido ko. "B-bakit po sir?" Tanong ko. "Ah... Nothing. You can go now." Nagtataka man ay lumabas nalang din ako sa opisinang 'yon. Nagsimula ulit ako sa pagta-trabaho. Habang abala ako sa computer ko ay biglang may lumapit saaking babae. Napakaganda nito at napakaputi. Para siyang isang model. Ang ngiti nito ay talagang madadala ka. "Hi! Where's your boss?" Tanong niya habang nakangiti. Kumurap muna ako at nginitian din ito ng tipid. "Do you have an appointment to Mr. Griffin, Ma'am?" Magalang kong tanong dito. Bigla itong ngumiti ng alinlangan. "Uhmm.. wala. But if you'll tell him that Natalie Garcia is here. I'm sure that he will let me in to his office." Bumalik ulit ang malapad nitong ngiti. Tumango-tango nalang ako at bumaling sa intercom. "Sir. May babae pong nagngangalan na Natalie Garcia ang nandito. Papapasukin ko po ba sa opisina niyo?" Tanong ko doon. "Yes." 'yon lang ang sagot nito kaya napaismid ako. Bumaling ulit ako sa babae. "Okay na po. Pumasok na po kayo." Turan ko sa kaniya. Mas lumapad naman ang ngiti nito. "Thanks." Aniya at pumasok na nga doon sa opisina ni Sir. Sinundan ko ito ng tingin. Parang nakaramdam ako ng inggit sa babaeng 'yon. Napakaganda kasi nito na kahit walang make up ay lumalabas pa din ang kagandahan niya. Atsaka..... kapag lumabas din kaya siya mamaya ay magulo din ang buhok nito kagaya no'ng mga babaeng nakapasok na doon, ilang araw na ang lumipas? Para namang may pumiga sa puso ko sa kaisipan na 'yon. Ewan ko ba. Sa babae ko lang na 'yon naramdaman ang ganitong pakiramdam. _____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD