CHAPTER FOUR

1132 Words
|CHAPTER FOUR| UNANG araw nang pagiging sekretarya ko sa bagong C.E.O na si Sir Alexander Griffin. Ito din ang araw na isi-celebrate nila ang welcome party ni Sir Alexander. Halos ang lahat ay busy sa pagpe-prepare. Kinuha na namin ang pagkakataon na ito habang hindi pa dumarating si Sir. Ang sabi kasi ay mamaya pa. Siguro mga 12 PM na. Tumutulong din naman ako sa mga pagdi-design nila. Sinasabayan sa kanilang mga gusto. Alas 10 nang umaga ay natapos na din. Handa na ang lahat pati ang mga pagkain na pinag-ambagan pa namin. Hindi naman kasi ganu'n ka-bongga ang pa-welcome party, pero sapat na para maramdaman ni Sir Alexander ang mainit namin na pagtanggap sa kaniya. Ilang oras pa ang hinintay namin ay inanunsyo na nga na dumating na sila sir. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator at pinakita doon si sir Alexander at ang kaniyang ama ay sumigaw na ang lahat. "Welcome Sir Alexander!!" sabay-sabay nalang sigaw. Ako naman ay tahimik lang habang sinusuri siya. Talagang napakagwapo nito habang suot-suot ang isang suit. Napaka matured niya tuloy tignan. Nagsigawan ang lahat. Si sir Alexander naman ay tipid ang ngiti. 'Di ba siya marunong ngumiti ng totoo? Napakalayo niya kay Sir Alejandro. Palangiti si sir at hindi masungit. Pero siya halos palaging masungit. Hindi man lang marunong ngumiti ng hindi peke. Nakatitig lang ako sa kaniya nang maramdaman kong may tumabi saakin sa gilid. "Maddison!" Napalingon ako kay Zed nang tawagin niya ang pangalan ko. Humarap ako at ngumiti sa kaniya. "Hindi ka pa ba kakakain? Ang sarap nung mga pagkain do'n oh!" Aniya. Umiling ako. "Mamaya na siguro ako kakain doon. Madami pa kasi sila eh." Rason ko. Kumunot naman ang noo niya. "Baka magutom ka pa n'yan eh. Gusto mo ako nalang kumuha nang pagkain mo?" Tanong niya. Tumawa ako at umiling. "Huwag na. Okay lang, mamaya nalang ako pupunta doon." Turan ko. Pilyo naman itong ngumisi. "Aysuss! Ayaw pa. Ako nalang kukuha ng pagkain mo. Dapat masanay ka na kasi kapag naging tayo, palagi ko 'tong gagawin sayo." Pilyo nitong sambit kaya hinampas ko siya sa braso. "Sira ka talaga!" Sambit ko at nagtawanan kaming dalawa. Habang natatawa ako ay 'di ko sinasadyang mapalingon sa kinaroroonan ni Sir Alexander. Nakatitig ito saakin at blangko ang emosyon sa mukha. Napawi ang ngisi ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Bumaling ulit ako kay Zed. "Tara na nga lang! Nagugutom na ako." Turan ko at hinila na siya patungo doon sa malaking 'mesa na may mga pagkain. ---------------------------- MAKALIPAS ang isang linggo ay maaamin kong malaki talaga ang pagkaiba ni sir Alejandro sa anak nitong napakaubod ng sama ng ugali. Sa isang linggo ko pa lang na pagiging sekretarya niya ay nararanasan ko na ang pagsusungit nito saakin at paghihirap. Halos araw-araw ay andaming mga papeles na nakapatong sa lamesa ko. Pati na din ang pag a-arrange no'n ay halos walang katapusan. Sa isang linggo din na 'yon ay nakita ko ang pagiging playboy nito. Sa isang linggo ba naman na pagiging C.E.O niya ay may tatlong iba't-ibang babae na ang nadala na niya sa kaniyang opisina. Ang suot nang mga babaeng 'yon ay parang isang bayarang babae. Kita na halos kaluluwa. At expected na nga na may ginagawa silang milagro doon sa loob. Lumalabas ba naman ng opisina ang mga babaeng 'yon na napakagulo ng buhok at ang suot. Noong nakaraan lang ay nagpa check-up ako at nakumpirmang buntis nga ako. Binigyan ako ng mga vitamins ng Doctor at pinaalahanan sa mga bawal at dapat kong gawin. Sa isang linggo din na 'yon ay ramdam ko din ang pagbubuntis ko. Pa'no ba naman. Palagi akong inaantok at tamad. Palagi din akong naghahanap ng mga kakaibang mga pagkain. At ang malala pa. Palagi kong hinahanap ang mukha ni Zed. Parang siya yata ang pinaglilihian ko. Habang ang aking kaibigan naman na si Denisse ay dinadalaw ako sa bahay at kinakamusta. Ang aking dalawang kaibigan din naman ay dinadalaw ako pero wala pa din talaga silang ideya na buntis ako. Bahala na. Sasabihin ko din naman sa kanila eh. Hindi pa lang talaga sa ngayon. Dumating ang tanghalian at dumiretso ako sa canteen ng kompanyang 'to. Hilig ko naman noon na magbaon pero no'ng nagbuntis ako ay mas nahiligan ko sa canteen namin kumain. Bet yata ni baby 'yong mga pagkain doon. Napangiti naman ako at hinagod ang aking tiyan. "I love you baby." Bulong ko at tuluyan nang pumili ng mga kakainin. Habang pumipili ako ay napansin ko ang pagngisi saakin ng tindera. "Bakit po ate?" Maang kong tanong. Mas ngumisi ito. "Hija, napapansin ko kasing palagi ka na dito kumakain. Atsaka andami pa nang pinipili mo. Napapansin ko din na tumataba ka. Buntis ka ba?" Tanong nito saakin dahilan para mapaawang ang labi ko. "Ah! Huwag mo nalang intindihin 'yon hija. Oh etoh na ang mga pinili mong pagkain." Turan nito at inaabot saakin ang tray na may nakalagay na mga pagkain. Tahimik ko nalang itong inabot at nagtungo na sa isang bakanteng lamesa. Habang magana akong kumakain ay biglang lumitaw sa harap ko si Zed. Biglang nagliwanag ang mukha ko at napangisi. "Zed!!" Sambit ko at inaabot kaagad ang pisngi niya pagkatapos ay pinisil ito. Halatang nanggigigil. "A-aray naman Madisson. Alam ko naman na ang gwapo at cute ko. Hindi mo naman kailangan ipamukha pa lalo saakin sa pamamagitan ng panggigigil mo sa pisngi ko." Mahangin nitong sabi kaya napatawa ako. "Ang cuteeee mo Zed!" Muli kong sambit at pinanggigilan ulit ang pisngi nito. At nang magsawa ay bumalik ulit ako sa paglamon. "Grabe! Hindi mo man lang ako inaya sa pagkain." Sambit ng kaharap ko. "Atsaka Maddison. Naninibago na ako sayo ah. Hindi ka naman malakas kumain dati. Hindi ka din naman ganito kakulit dati. Napakaseryoso mo kaya noon." Turan nito dahilan para matigilan ako. Napatawa ako ng mahina at nag-alinlangan sa sasabihin. "A-ah... nagugutom kasi ako. H-hindi kasi ako kumain ng agahan kanina. Atsaka, h-hindi naman siguro masama kung maging makulit ako sayo 'diba? Sayo lang naman eh." Pagsisinungaling ko habang nauutal sa pagsambit at pekeng napatawa. Tumayo ako at tinignan siya. "P-pupunta lang muna ako sa banyo. Babalik din ako." Pagpapaalam ko sa kaniya. Hindi ko kasi kaya pang sabihin sa kaniya. Ewan ko ba. Feeling ko kasi kapag sinasabi ko sa lahat na buntis ako ay madi- disappoint silang lahat. Kialala kasi nila ako bilang isang disente at responsableng babae. Kapag nalaman nilang buntis ako at.... walang ama ang batang dinadala ko. Talagang madi- dissapoint ko silang lahat. Lalo na sa kaalaman nila na wala naman akong naging nobyo simula nang magtrabaho ako dito. Napabuntong-hininga nalang ako at nagtungo sa banyo. ___________________ Follow me on w*****d: @Miss_Lashie Don't forget to vote! comment! And share this story to your friends. Add me on f*******: : @Lashie WP
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD