CHAPTER THREE

1097 Words
|CHAPTER THREE| SUMAPIT ang gabi at uwian na nga. 7:30 palang ay uuwi na ako. Wala na kasi akong gagawin pa kaya wala nang dahilan para mag over time ako. Si Zed naman ay nag text saakin na mauuna na daw siya kasi kukunin pa niya 'yong pamangkin niya sa school. Kaninang 4:30 pa yata 'yong umalis. Maaga sila kung umuuwi kesa saakin kasi nga secretary ako. Nang bumukas ang elevator ay pumasok na ako doon. Ngunit akmang magsasara na ang elevator ay ang pagpasok din ng anak ni Sir. Si Alexander. Napatingin ako sa kaniya ngunit agad din nagbawi nang mapatingin din ito saakin. Pati ang bango nito ay napakapamilyar saakin. Nang tuluyan na ngang magsara ang elevator ay nakaramdam na naman ako ng pagka-ilang sa presensya niya. Walang nagsalita saaming dalawa hanggang sa tumunog ang elevator. Pahiwatig na nasa ground floor na kami. At dahil anak nga siya ng boss ko ay yumuko ako dito. "Una na po ako." Ani ko at umalis na doon. Dali-dali ang paglalakad ko. Pero nasa Manila nga tayo. Napakatraffic sa oras na 'to. Halos puno ang lahat nang masasakyan lalo na ang taxi. May iba namang taxi na nakaparada lang pero ayaw yata bumyahe dahil ayaw maipit sa traffic. Napabuntong hininga ako. "Talagang matagal pa ako nito makakasakay." Bulong ko sa sarili. Ilang minuto pa akong nakatayo doon nang biglang may itim na kotseng pumarada sa harapan ko. Napasigaw pa ako sa gulat. Aalis na sana ako sa harap nang sasakyan na 'yon ng bumukas ang bintana nito. Doon ko nakita na naman ang anak ng boss ko. "Hop in." Malakas pero malamig ang boses nitong ani. Nakurap-kurap ako at napatigil. "Tatayo ka nalang ba diyan? It's already 8 in the evening. Kanina ka pa nakatayo diyan, 'di ka naman nakakasakay." Malamig parin nitong ani. Napaatras ako. "A-ah h-hindi na po. Okay l-lang ako. Sanay naman ako." Nauutal kong sambit. Nararamdaman ko na din ulit kasi ang pagiging 'di komportable sa kaniya. Naiilang ako. Parang may nagsasabi sa kaloob-looban ko na lumayo ako sa kaniya. Pero meron din namang nagsasabi na 'sige, lapitan mo siya.' Narinig ko ang pagmura nito sa sinabi ko. "Pumasok ka na nga lang at ihahatid na kita sa tinitirhan mo." Sa pagkakataong ito ay medyo galit na ang boses niya kaya wala na din akong choice kundi ang sumakay nalang. Ang sungit talaga. Nang makasakay ako sa kotse niya ay nandun na naman 'yong pamilyar na bango. Wala uling nagsalita saaming dalawa. Napakatahimik ng paligid. Inabala ko nalang ang sarili kong tignan ang mga nagtataasang mga building na nadadaanan namin. Pati na din ang mga kabahayan. Ilang sandali lang ay biglang itong nagsalita. "Where do you live?" Tanong nito saakin. Tumikhim naman ako dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Sinabi ko sa kaniya ang address ko, tapos ay muli na namang namutawi ang katahimikan saakin. Nang makarating na kami sa tinitirhan ko ay bumaba kaagad ako. Ganun din naman siya. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Madami pa kasing tao ang nasa labas sa mga ganitong oras. Hindi naman kasi ako nakatira sa isang village. Buti na nga lang at nakapagpatayo ako ng bahay na sakto lang saakin. "Dito ka nakatira? Are you safe here? Andaming mga tambay dito." Napabaling ako sa kaniya matapos niyang magtanong. Tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Okay naman ako dito. Nasanay na ako." Hindi siya nagsalita at muling sinuri ang paligid. "Nasaan ang bahay mo? Ihahatid na kita doon." Aniya na agad kong kinailing. "Huwag na. Okay na nga lang ako. Sanay na ako sa mga tao dito. Safe ako." Madalian kong sambit ngunit inignora niya lang ako at hinila. "Lead the way." Maikili at malamig na boses niyang ani. Wala na lang akong nagawa at naglakad nalang din patungo sa bahay ko. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay bumaling ako sa kaniya. "Thank you Sir sa paghatid ." Pasasalamat ko. Tumango lang siya. "Aalis na ako." Aniya at naglakad na nga pabalik doon sa kotse niya. Ako naman ay nakatanaw lang sa kaniyang naglalakad. Napahawak ako sa aking dibdib na ang anlakas ng t***k non. Parang pati ang tiyan ko ay sumasabay sa t***k ng dibdib ko. Parang ansaya ng baby na nasa tiyan ko. Kanina pa nga lang kami nagkakilala pero ganito agad ang nangyari. __________________ ALAS syete pa lang kinabukasan ay nasa trabaho na ako. Kanina lang din ay biglang nag text saakin si Mr. Griffin na may biglaang announcement siyang sasabihin mamaya at pinapatawag niya ang lahat ng empleyado ng kompanya. Ang ginawa ko naman ay in-announce ko 'yon sa lahat. Halos lahat ay nagtataka sa biglaang announcement ni Sir. Pati din naman ako. Nang dumating na si sir.... kasama ang anak nito. Si Alexander. Naka- settled na ang lahat ng mga empleyado. Ako ay nasa gilid lang na nakatanaw sa mag-ama. "Good morning everyone." Paunang bati ni Sir. "Ang reason kung bakit ko kaayo pinatawag lahat." Bumaling ito kay sir Alexander. Pati na din ang mga kababaihan. Parang nakuha ni Alexander ang atensyon nila. Pa'no ba naman. Napakagwapo nito at napakamaskulado. "The man beside me is my son, Alexander Griffin. And I'm glad to announce to you that he will be the new C.E.O of this company. I hope that you will respect him katulad nang pagrerespeto niyo saakin." Maligayang sambit ni Sir. Nagpalakpakan ang lahat. Gulat man ay napalakpak na din ako. Paano kung.... ibahin ni Sir Alexander ang secretary niya? Paano kung alisin niya ako bilang sekretarya? Ibinigay ni Sir ang microphone sa anak nito. Tumikhim si Sir Alexander kaya halos mapatili ang mga kababaihan. "Good morning. I'm also glad that I will be the new C.E.O. I promised to do my best for the success of this company. Just like what my dad said. I hope you'll treat me the way you treat him. And... be also aware na may magbabago sa rules. Don't worry because walang matatanggal. Kayo padin ang magiging mga empleyado ng kompanyang 'to. Thank you." Sambit nito at ibinigay ulit ang microphone sa kaniyang ama. Sa huli ay nagpasalamat si Sir Alejandro sa mga dumalo sa meeting. Nagpapasalamat din siya sa mainit na pagtanggap namin sa magiging bagong C.E.O. Ako naman ay gulat na gulat. Hindi nga kami matatanggal. Ngunit ako naman ay magiging sekretarya ng lalakeng kinaiilangan ko. Sa lalakeng di ako komportable sa presensya niya. Sa lalakeng nagiging dahilan ng panginginig ko... at sa pagtibok ng mabilis ng puso ko. __________________ Add me on f*******:. @Lashie WP Follow me on w*****d! Vote! Comment! And share this story to your friends!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD