CHAPTER TWO

1169 Words
|CHAPTER TWO| KINAKABAHAN ako habang nasa loob ng C.R. Nang mapagtanto kong lumalala ang mga nangyayari saakin ay napagdisisyonan kong bumili ng pregnancy test. Pagkatapos kong sundin ang mga proseso na nakasulat sa likod ay naghintay na nga ako sa resulta. Nanginginig ako habang hinahawakan ang bagay na 'yon. Ilang minuto ang lumipas ay biglang may lumitaw na dalawang guhit sa bagay na hawak-hawak ko ngayon. Nanginig ako ng sobra at may tumulong mga luha sa mga mata ko. Napatakip ako sa aking mukha at umiyak nang umiyak. Okay lang sana kung nakilala ko man lang ang lalake ngunit, hindi. Hindi ko alam ang ama ng batang dinadala ko ngayon. Ang tingin ko tuloy sa sarili ko ay isang disgrasyada. Isang pabayang babae na pagkatapos magsaya sa gabing 'yon ay magsisisi din naman. Nangangatog ang aking tuhod na tumayo. Lumabas ako ng banyo at doon umupo sa aking kama. Paano na 'to ngayon? ___________________ "Ano?!" Napapikit ako sa biglaang pagsigaw ni Dennise saakin. Sinabi ko kasi ang tungkol sa batang dinadala ko ngayon. Nasa bahay niya ako. Kahit ang dalawa ko pang mga kaibigan ay 'di ko pa sinasabihan. "Anong gagawin mo ngayong buntis ka?!" Mahina pero madiin niyang tanong. Yumuko nalang ako. "Wala na akong magagawa, Dennise. Bubuhayin ko ang batang 'to kahit wala siyang ama. Kaya ko naman." Mahina kong sambit. Ang medyo galit niyang mukha kanina ay napalitan ng awa. "I'm sorry Maddy. Kung sana 'di nalang tayo pumunta sa bar na 'yon ay 'di sana mangyayari 'to." Ngumiti nalang ako. "Okay lang. Siguro ganito talaga ang kapalaran ko. Tatanggapin ko nalang kahit... walang ama ang anak ko." Ngumiti nalang din siya. "It's okay Maddy. I'm here for you. We're here for you. " Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Kinabukasan ay pumasok ulit ko sa aking trabaho. Laking ginhawa ko na din na natapos ko na 'yong mga pipirmihan ni Mr. Griffin kaya wala na akong gaanong gagawin ngayon. Nang sumapit ang hapon ay wala na akong ginagawa kasi natapos ko na din 'yong iba kanina. Nakaupo lang ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Maddison!" Napalingon ako sa tumawag non at napangiti nang mapagtantong si Zed 'yon. Ang close ko dito sa trabaho. Gwapo si Zed. Malambing ta's habulin din ng mga babae. Sa katunayan ay karamihan sa mga babae dito ay galit saakin kasi nga malapit ako kay Zed. "Hello Zed!" Bati ko sa kaniya nang makarating ito sa harap ko habang may dalang isang maliit na box. "I'm sorry Maddison kung wala ako noong birthday mo. May importante kasi akong pinuntahan." Iniabot nito saakin ang box na dala niya. "That's my gift for you. I hope you'll like it." Nakangiti nitong sambit. Napakunot naman ang noo ko. "Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya. "Buksan mo para malaman mo." Kagaya ng sinabi niya ay binuksan ko nga ito at ganun nalang ang panlalaki ng mga ko sa nakita. Isa 'yong kwintas. Base sa disenyo ay halatang napakamahal non. "Ang mahal nito Zed!" 'di makapaniwalang sambit ko sa kaniya. Tumawa lang ito at kinuha saakin ang kwintas pagkatapos ay pinatalikod ako. Maya't maya lang ay naramdaman ko nalang na isinusuot na nito ang kwintas sa leeg ko. Pagkatapos niyang maisuot saakin ay humarap ako sa kaniya. "Ang ganda mo talaga Maddison." Sambit nito kaya pinamulahan ako ng pisngi. "Binobola mo na naman ako eh! Baka mamaya n'yan ay mas lalong magalit saakin ang mga nagkaka-crush sa 'yong mga babae dito kapag nalaman nilang binigyan mo ako nito." Ani ko. "I swear Maddison. Ang ganda mo talaga. Bagay nga tayong dalawa eh!" Natatawa nitong ani kaya hinampas ko siya. "Atsaka hayaan mo na 'yon sila. Birthday gift ko naman sayo 'yan eh." Sambit niya. Ngumuso nalang ako sa sinabi niyang 'yon. "Ang cute mo kapag nakanguso ka!" Natatawa niya uling usal at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Ang gago halatang nanggigigil sa pisngi ko. Ang sakiy tuloy. "Zed naman! Pisngi ko pa talaga?!" Sigaw ko sa kaniya. Humalakhak lang ito nang humalakhak. Nahahawa tuloy ako sa tawa nito kaya napatawa nalang din ako. Para kasi siyang timang habang tumatawa tapos ang kamay nasa tiyan niya. Tawa lang kami nang tawa nang hanggang sa biglang may tumikhim sa harap namin. Napahinto kami ni Zed at nabaling sa tumikhim. Ang ngiti ko naman ay napawi nang makita ang pamilyar na asul na mga matang 'yon. Napakagwapo nito. Ang tangos ng ilong nito. Napakalas ng tindig. "Are you the secretary of my dad?" Tanong nito sa malamig na boses. Ang mukha ay parang naiirita. "A-ah y-yes." nauutal kong sagot sa kaniya. "Where's my dad?" Tanong nito kaya nagulat ako. Ngayon ko lang kasi nakita ang lalakeng anak ni sir. Sabi kasi nila ay dalawa ang anak ni Sir Alejandro. Lalake at babae. Kasabay nang pagkagulat ko ay ang pagbukas naman ng pinto ng opisina ni Sir Alejandro at ang paglakad nito patungon saamin . "Oh! Son, you're here." Sambit ni Sir Alejandro. "Hello po Sir." Bati ni Zed kay sir na ikinatango lang nito. "Ah! Son. This is my secretary, Miss Maddison Kate Hernandez. And Miss Hernandez, this is my son." Pagpapakilala ni sir sa akin at sa anak nito. Hindi man lang ito ngumiti saakin at nanatili ang medyo may pagkairita nitong emosyon at ang malamig nitong tingin. "Let's go to your office dad." Aniya at nauna nang maglakad papasok. "I'm sorry sa inasal ng anak ko. I'm also going to my office now. Miss Hernandez, please bring us a juice. Thank you." Ani ni sir na ikinatango lang. Naglakad na din si sir patungo sa opisina nito. Binalingan ko naman si Zed. "Sige na. Bumalik ka na doon sa table mo. Kukuha lang ako ng juice." Sambit ko at nauna na din na maglakad. Nang makakuha na ako ng juice ay lumapit ako sa pinto ng opisina ni sir at kumatok. Tapos ay binuksan ko ito at pumasok. Nadatnan ko pa silang nag-uusap ngunit napatigil lang sila nang pumasok ako. Napatingin ako kay Alexander na ngayo'y nakatitig saakin... nakatitig sa kwintas ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya. Nagpunta ako sa mesa at nailapag na ang isang baso. "Eto na po ang juice. " ani ko. Ngunit nakatitig pa din ang lalake saakin kay mas lalo akong hindi naging komportable kaya medyo may natapon na juice mula sa baso. "Tsk. Careless. " Rinig kong bulong ng lalake. "S-sorry po.." hingi ko ng paumanhin at kumuha ng pampunas at pinunasan ang konting natapon na juice. Yumuko ako. "Sorry po. Lalabas na po ako." Huli kong sambit at lumabas na nga ng opisinang 'yon. Napakalakas naman ng kabog ng dibdib ko. Siguro ay sa kaba yata na naramdaman ko kanina. Naalala ko naman 'yong binulong niya kanina. "Gwapo sana kaso masungit lang." bulong ko at bumalik na sa aking mesa. __________________ Add me on f*******:: @Lashie WP Please let me know that you're my reader po para ma accept ko po kayo. Thank you! Vote! Comment! And share this story to your friends
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD