"Kuya Jaime?" Ngumiti lang ito sa akin. Lumapit ako rito at niyakap ito ng mahigpit. "Kuya? Kamusta na si Zen?" tanong ko rito. Sa sobrang busy ko kay Kier, hindi na ako nakadalaw kay Zen. Bukas balak ko itong puntahan sa bahay nila at kamustahin ulit. "She's okay. Nagpapagaling na." mahinang saad ni Kuya. Matagal ko ng alam na may relasyon sila. Mas gusto ko pa si Zen kaysa kay Elaine. Si Elaine sana ang pakakasalan ni Kuya Jaime. Pero hindi na ito matutuloy. Naging girlfriend din ito dati ni Kuya. Nang ikakasal na sila, umalis si Elaine. Iniwan niya si Kuya Jaime. Bumalik ulit ito at kinausap ni Don Sancho si Daddy na i-fix marriage sila Kuya. "Hindi pa nakauwi sila Daddy?" tanong ni Kuya. "Nasa Davao sila. Aalis ka ulit?" "Yes. May meeting pa ako," aniya na hinalikan ako sa n

