Hindi ko akalain na may asawa na pala si Clayton. Humingi ito ng sorry sa akin. Naintindihan ko naman ito at sinabihan ko rin ito na suyuin ang kan'yang asawa. Nagpaalam na rin ako na aalis na ako papuntang US. Hoping someday magkita pa kami. Masaya ako para sa kan'ya. Panay ang tingin ko sa bintana at inaabangan ang pagdating ni Kier. Tamad akong bumalik sa kama at humiga. Lagi na lang ako inaantok at minsan may gusto akong kainin pero hindi ko maintindihan kung ano. Naalala ko ang chicken 69 ni Ate Jelai. Natatakam tuloy ako. Ang sarap kasi ng chicken. Napabangon ako nang may sasakyan na dumating. Tumakbo akong lumabas sa aking silid. "Hey." nakangiting bungad agad sa akin ni Kier. Patakbong lumapit ako at niyakap ito. Inaamoy-amoy ko pa ang kan'yang leeg. Mahina naman itong napat

