"Dad?" Dumating na sila Daddy at Mommy. Ilang buwan nasa ibang bansa sila. Si Kuya Jaime, halos hindi na umuuwi sa bahay. "Pinapayagan ka na namin mag-aral sa US." nakangiting saad ni Daddy. Lumapit naman si Mommy at niyapos ako. "May tiwala kami sa 'yo, Princess. Ang mga kabataan kasi ngayon, maaga nabubuntis. Natutuwa kami na napakabait mo at nag-aaral ka talaga ng mabuti." Kinagat ko naman ang aking pang-ibabang labi. Pilit naman akong ngumiti kay Mommy. "S-salamat, Mommy." "Pupunta muna kami sa Davao. Tatagpuin lang namin ang Business partner ni Mommy sa Restaurant," aniya ni Daddy sa akin. "Si Mr. Harrison pa rin ang private bodyguard mo." Napabuntong hininga naman ako. Ilang araw na hindi kami nagkikita ni Kier. I know, busy siya kay Xia. "Sige po. Ingat po kayo." mahina

