"Come with me!" galit na saad niya na hinila ako palabas. "S-saan tayo pupunta?" "Sa probinsya," aniya na ikinalaglag naman ng aking panga. "B-bakit? Kakauwi ko lang, babalik ulit tayo sa probinsya!" agad ko naman hinila ang kamay ko na hawak-hawak niya. "Sasama ka ng maayos o bubuhatin pa kita," aniya na nakataas ang isang kilay. "Kainis ka talaga! Sino ka para utusan ako? Remember, sinasahuran ka ng Daddy ko!" galit-galitan na saad ko rito. Jusmi! Hindi talaga ako marunong magalit. Konting tampo lang talaga ako. Mabait kasi si Mommy kaya namana ko ang ugali ni Mommy na masayahin. "Wala akong pakialam sa pera ng Daddy mo. Mayaman ako," aniya na hinila ulit ako. "Kier nga! Marami na akong absent!" inis na saad ko. Paano ako makakatapos at maka graduate kung lagi lumiliban sa klase

