"Magbihis ka ng jogging pants, pupunta tayo sa pinyahan," Aniya sa akin ni Kier. "Okay." nakangiting saad ko rito. Kakatapos lang namin kumain. Excited na rin ako gumala sa pinyahan. After ko nagbihis umalis na kami. Habang naglalakad kami panay ang pitas ko na mga wild Flowers sa daan. Nagagandahan lang ako sa kulay ng mga bulaklak. "Matinik ka. Makahiya iyan," saad niya na pinigilan ang kamay ko. Umupo ako at tiningnan kung may tinik nga ito. Maliliit ang mga tinik, pero sobrang ganda ng bulaklak. "Bukas na tayo makakarating nito! Panay ang tigil mo!" Inis na saad ni Kier sa akin. "Kumuha ka ng isang bulaklak niyan." Utos ko rito. Agad naman niya ako kinuha ng isang bulaklak ng makahiya. Ang cute ng bulaklak. "Let's go." Kumapit naman ako sa braso ni Kiel habang naglalakad. M

