Chapter 11

1749 Words

KIER POV "Boss Kier, iwan ko muna dito ang biik ko. Bukas ng hapon ko kukunin. Pupunta kasi kami sa kapatid ko sa kabilang bayan." "It's okay, Mang Tonyo. Ako na bahala. Iwanan niyo na lang ng pagkain." "Sige, Boss. May feeds akong dala." Kinuha ko naman ang feeds na dala-dala ni Mang Tonyo. Pagka-alis ni Mang Tonyo, itinali ko muna ang biik. Though, medyo malaki na ito. "Wow! Mag-alaga tayo ng baboy!" tuwang-tuwa saad ni Sheena na kakalabas lang sa banyo. Bagong ligo ito. "Inihabilin lang yan sa akin, huwag mo pakialaman!" inis na saad ko sa kan'ya. Kanina, ang mga tanim na palay basta lang niya ginamas. Umirap naman ito sa akin. Inayos pa niya ang kan'yang eye glasses at dumukwang ito sa baboy. "Ay, girl siya. Ang cute naman niya. Paliguan natin siya Kier." nakangiting saad niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD