"Nanay!" Mahina naman akong napatawa sa sigaw ni Kai. "Yes, baby?" "I missed you, Nanay." Malungkot naman ako nakatingin sa screen ng aking laptop. Nasa US ako ngayon, two months na ako rito. Si Mommy ang nag-aalaga kay Kai habang nasa trabaho naman si Kier. "Malapit na uuwi si Nanay. Behave ka kay Lola." malambing na saad ko. Tumayo ito at tumakbo palabasa. Napailing na lang ako sa sobrang likot ni Kaiser. "Sige na, sundan ko muna sa labas, baka makabasag na naman ng gamit iyon sa sala." Natatawang saad ni Mommy. "Sige po, Mommy. Uuwi po ba ngayon si Kier?" "Oo daw. Mamaya kukunin niya si Kaiser." Nagpaalam na si Mommy kaya pinatay ko na ang vedio call. Sobrang busy ko na this year. Halos hindi na ako makatawag sa mag-ama ko. Konting tiis na lang, makakasama ko na din sila.

