BOOK 2 OF 2

1555 Words

"Nany!" Pagkababa ko pa lang ng sasakyan agad sumalubong si Kai sa akin. Ang driver ni Daddy ang sumundo sa akin. Si Kier kasi nasa ibang bansa daw ito. "Hey, baby!" agad ko naman niyakap ng mahigpit ang anak ko. "I missed you." panay ang halik ko sa kan'yang mukha at leeg. Panay naman ang hagikhik ni Kai. "Dito ba kayo matutulog?" tanong ni Mommy. "Hindi na po. Sa bahay na." Kumain muna kami ni Kai bago umuwi sa bahay namin. Agad na ako dumiretso sa kuwarto namin ni Kier, samantala si Kai naman kasama ang kan'yang Yaya sa silid niya. Malungkot akong nakatingin sa litrato na nakasabit sa dingding. Masaya ang mga mukha namin ni Kier. Napabuga ako ng hangin. Kinuha ko ang aking laptop at sinubukang tawagan ito. Nakailang ring bago ito sinagot. "Hi, Tatay. Nandito na ako sa Pilip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD