"Ma'am, nasa kotse na ho ang lahat ng gamit ninyo." untag ni Jejomar. Napaigtad si Sierra dahil hindi niya ito napansing dumating. Lutang na lutang pa rin siya. Kahit tatlong araw na ang nakakalipas, parang hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Sierra. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang dibdib niya sa mga nangyari. Napabuntong hininga si Sierra at napakurapkurap para pigilan ang sariling maluha. Maisip pa lang niya si Inconnu, naiiyak na siya sa sobrang sama ng loob hanggang sa pagagalitan niya ang sarili sa huli. Inayawan na siya ni Inconnu. Iba ang babaeng mahal nito at nakadagdag sa pait na isa pang prostitute ang ginusto kaysa sa kanya. Hindi naman sa minamaliit niya ang babae pero kumpara naman sa kanya ay malayo naman si Nadia. Pero sa kabilang banda, hindi iyon nakita ni Inc

