MARIING NAKAKUYOM ang mga kamao ni Inconnu habang nakatanaw sa gusali ng ospital kung saan naka-confine pa rin si Sierra. Balita niya ay malapit na itong lumabas. Iyon nga lang, dadaan pa ito sa theraphy dahil sa damage na natamo ng mga tuhod nito at kanang kamay. Nalaman niya ang aksidente ng maipalabas iyon sa TV. Biglang-bigla siya at labis na nagalala dito. Dahil doon ay agad nilang pinuntahan ito ni Nadia sa Manila. Hinanap nila ito dahil hindi nagbigay ng personal na impormasyon ang ospital na pinanggalingan nito sa Cebu. Dahil doon ay hindi naging madali na hanapin si Sierra. Nagtanong-tanong pa sila ni Nadia hanggang sa tuluyan itong natunton. Aaminin ni Inconnu, hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Sierra ng makita ang kalagayan nito. Hindi nito alam kung gaano kasakit par

