"Sigurado ba'ng gusto ninyo ako'ng kasama?" ani Nadia. Sa pandinig ni Sierra ay parang nahihiya ito. Nakangiting tumango naman si Sierra dito at hinawakan ang kamay ni Inconnu na nakahawak sa balikat niya. Napagusapan nilang isasama ito sa Baguio. Ayaw na ni Sierra na mayroong pang tao na madamay pa ng dahil sa kanila kaya nagsuhestyon siyang isama ito. Pumayag naman si Inconnu kaya kinausap nila agad ito. Noong una ay ayaw nito dahil baka daw maka-istorbo sa kanila ni Inconnu. Katakot-takot na pilitan at kulitan pa ang nangyari bago nila ito napapayag. Hindi niya ito masisisi dahil nahihiya ito sa kanya. Inamin ni Inconnu sa kanya kung ano ang pinagdaanan ng dalawa noong demon pa ito. Honestly, hindi na ikinagalit at ipinagselos iyon ni Sierra dahil una, nangyari iyon noong hindi niya pa

