chapter 27 the bite

1829 Words
Reese pov Sino ka? Hoy bakit mo ni-lock ang pinto. Deputa di pa ako magaling para patulan ka sa karate. Huwag kang magkamaling lumapit hayop ka mahaba ang kuko ko pwedi na kitang patayin sa kalmot. Isa! Stay there, hayop ang tigas ng ulo mo may dala ka pang sako yawa ka. Kung hindi lang masakit ang braso ko baka ikaw ang isako ko. Dalawa! Ano ba sisigaw na talaga ako impakto ka malayo pa undas eh nagmumulto ka. Ano yan advance Halloween dahil may business trip ka sa undas. G*go tatlo! Help, help somebody hel---hmmm. Tinakpan niya ang bibig ko para hindi makasigaw. Pumwesto siya sa side na safe ang nasaktan kong braso. Inamoy niya ang aking leeg, damn this pervert wala akong ligo amoy bulkan kaya ako. Gusto ko siyang itulak kaso nakayapos siya ng sobrang higpit. Lintik na hayop to, kaninong anak kaya 'to na ipinaglihi sa sawa kung makapulupot ay talagang mahigpit. Bitiwan mo akong manyak ka, hayop ka sinamantala mo ang kahinaan ko. Kinagat ko ang kanyang daliri para maalis sa bibig ko. Ang g*go hindi bumitaw kaya mas hinigpitan ko ang kagat. “Go on lakasan mo pa para mabawasan ang sakit na dinadala mo ngayon.”napahinto ako. A familiar voice na bumulong sa tainga ko. Sino pa ba eh di ang bangag na si Araneta. Agad ko siyang siniko kaya nabitiwan niya ang bibig ko at napaigik pa. “Ang lakas mo naman mahal ko.”sabi niya. Depunggal kang hayop ka bakit may paganyan na costume ka pang nalalaman. Dinaig mo pa ang magnanakaw, bwesit ka kabang-kaba na ako sayong demonyo ka. Tinanggal niya ang hoodie at mask. Pati black jacket na suot niya hinubad niya. Naka-plain white t-shirt lang siya na suot. Bakit may bandage ang mga braso niya. Na curious ako kung ano ang nangyari sa kanya. Na paano yang mga braso mo? Di ko na natiis kaya tinanong ko na. “Some bruises, and scratches noong isang araw. Kumusta kana? Kumain ka na ba? Heto may dala akong pagkain, niluto pa ito ni mama Dina para sayo.”sabi niya na ikinataka ko. Umuwi na ba siya sa mansion nila? Malalaman na naman ba ng ama niya na narito ako sa Pilipinas? “Confused? Si mama Medina Penida, I used to call her mama Dina. Siya ang yaya ko since birth at mas nirerespito ko siya kaysa mommy ko na walang pakialam sa akin. I will explain to you later kumain ka muna. At gusto ka daw makausap ni mama Dina ko. Gusto mo pang mag-cr muna?”tanong niya. Actually naiihi na talaga ako, hinihintay ko lang ang nurse na bumalik para tulongan ako. “C'mon tutulongan na kita sweetheart.”sabi ni Justine. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Shuta mapapahamak pa yata ako sa tukmol na ito. Kaya ko na hindi ko na kailangan ang tulong mo. Nakahospital gown naman ako kaya walang problema. “Reese hindi ito oras para magmatigas ka. Wala kanang dapat ikahiya sa akin dahil nakita ko na ang kabuuan mo.”sabi pa niya na ikinangiwi ko. “Knock, knock...”binuksan niya kaagad ang pinto. “Good evening sir, Ako po ang nurse na naatasan ni Doctora Aragon para bantayan si doctora Mojor. Sorry ma'am na late ako, hinanda ko pa kasi ang pagkain mo po.”sabi ng nurse. “It's okay nurse Tecson, pasyesya na sa abala. Ako na ang bahala sa asawa ko and here take it para sa pag-abala namin sayo.”sabi ni Justine at may inabot na pera. “Hala sir mapapalitan po ako ni Doctora Aragon bawal po yan. Hindi ko pa nagawa ang trabaho ko inabutan nyo kaagad akong 1k.”nag-aalalang saad ng nurse. “Consider your assignment is done, umuwi kana sa inyo at magpahinga. Sweetheart ayaw niyang tanggapin oh, you decide kong ano ang ipaparusa natin sa kanya.”nakangiting sabi ni Justine. Bwesit ang dami ninyong grrrrr, naiihi na ako. Tanggapin mo na po yan, be safe sa pag-uwi mo huh gabing-gabi pa naman. “Okay lang po doc, may accommodation po kaming mga nurse sa kabilang building po. Sige po salamat dito kahit nakakahiya po. Pagaling po kayo kaagad doctora.”sabi niya at umalis. Bumaba na kaagad ako para pumunta sa washroom. Please huwag mo na akong akayin dahil kaya ko na ang sarili ko. “Please huwag kang makulit, at ako namang bahala sayo,”sagot naman niya. Sasakit ang ulo ko sa gagong ito, mahirap makipagbangayan sa taong tae ang laman ng ulo. Kaya hinayaan ko na siya para wala nang gulo. Dyan ka lang huwag kang pumasok. “Ano ba naman yan sweetheart paano mo huhubarin at isusuot ang panty mo?”tanong niya. Okay pa ang isa kong kamay Araneta kaya huwag mo akong lusotan ng dahilan. Lumayas ka ngayon din, di kita kailangan para pagsilbihan ako. Bakit mo ba kasi pinaalis yung nurse ko. Pumasok na ako sa loob at isinara ang pinto. Nakaka-stress ang taong to, humarap ako sa may lababo po para maghilamos. Sino kaya ang naglagay ng face wash dito ang social naman. Lumapit na naman ang tukmol at inayos ang buhok ko. Hinawakan niya ito habang naghihilamos ako. Nang matapos akong maghilamos siya na ang nagpunas ng aking mukha. Then, inakay papunta sa aking hospital bed. Binuksan na niya ang dala niyang pagkain na niluto pa daw ng mama Dina niya. It's tinolang manok na may papaya, sayote at petchay. May ginataang monggo with malunggay. Wow ang healthy naman ng pagkain na pinadala niya. Ang dami naman niyan kaya ko ba yang ubusin? Kumuha si Justine ng plato at nilagyan ito ng pagkain. Anong klaseng manok kaya yan ang laki naman ng pagkahiwa. May tumawag sa cellphone niya at napapa oppsss reaction pa siya. Pero agad namang sinagot ang tawag. “Hello may ligtas po akong nakarating sa hospital. Actually sa Della Torres Medical Hospital ko mismo pinalapag ang aking chopper.”sabi niya. “Nakarating kana pala bakit hindi ka kaagad tumawag? Ikaw na lalaki ka talaga, palagi mo akong pinapakaba. Kumusta ang girlfriend mo? Gising na ba siya?”tanong ng ginang. Napangiwi naman ako sa binanggit nito. “Kaya nga po nakalimutan ko na tawagan ka dahil busy ako sa pag-aasikaso sa asawa ko. Salamat sa diyos nang dumating ako nakita ko po na gising na ang asawa ko.”sabi ng walanghiya. Hindi ko talaga napigilan ang aking kamay at nakurot siya. “Ibigay mo nga sa kanya ang cellphone para makilala ko iyang ipinagyayabang mong asawa.”sabi ng ginang at inabot naman kaagad ni Justine sa akin ang cellphone. Nahihiya pa akong tanggapin kaso pinaharap na niya sa akin ang video call. “H-hello po m-magandang gabi po t-tita. Kumusta po kayo?”nabulol pa ako. “Magandang gabi naman sayo hija. Okay naman kami, ikaw kumusta kana? Kumain ka na ba? Nagustuhan mo ba ang lasa ng niluto ko?”tanong ng ginang. “Ma, kasasandok ko palang ng pagkain niya timing naman na tumawag ka.”singit ni Justine. “Ay ganun ba? Sorry naman, nag-alala lang ang mama sayo. Ako nga pala ang mama ni Justine sa puso, si mama Medina nya. Kasundo ko yan dahil palagi ko yang kakampi. Kaming dalawa ang magkasama palagi simula ng isinilang siya ng mommy niya. Bumisita ka dito anak, saka natin pagkwentohan ang tungkol kay Justine. Teka bumalik na ba ang ala-ala mo"tanong ng ginang. “Mama invite you para may kamaretesan, kulang pa siguro ang mga kasama niya sa bahay niya.”sumingit na naman si Justine. “Tse, salbaje ka talaga, umayos ka dyan. Hija bumalik na ba ang ala-ala mo? Kilala mo na ba ang anak ko?”tanong ng mama ni Justine. “Ma, kakain muna si Reese ng dinner niya mamaya mo na maretesin.”reklamo ni Justine. Sinubuan niya kaagad ako kaya hindi na ako kaya umiling ako. Kaya ko na, ako na kakain mag-isa. “Say ahhh huwag kang mag-inarte sa harapan ng mama ko nakakahiya.”nakangiting saad ng impakto. Kaya napabuka nalang ako ng aking bibig. “Sige anak kumain ka muna, we will talk later. Magpagaling ka kaagad para makabisita kana dito sa bahay.”sabi ng mama ni Justine. Sige po Tita good night po. At Salamat po sa masarap na pagkain. “Walang anuman, kapag bumisita ka dito marami tayong sariwang pagkain na nagluluto. Justine anak huwag kang pasaway, huwag mong i-stress ang nobya mo dahil kailangan pa niyang magpahinga. Good night sa inyong dalawa.”sabi ng ginang. “Okay ma goodnight sa inyo ni papa Marjon, love you ma,”malambing na sabi ni Justine. A good son naman pala ang impakto. Grabeh ang sarap talaga ng nilagang manok. Siguro dahil native chicken at fresh vegetables ang sangkap. Kumain ka na rin po dahil parang hindi ka pa naman naghapunan. “Can we share? Promise wala akong virus at rabbies,”seryoso niyang sabi. Ikaw ang bahala basta ako may rabbies ako at may virus. “I don't care Reese, kahit ano pa man ang meron ka handa akong magpahawa sayo,”baliw nga siya. Kaya hindi na ako umimik at kumain nalang ng tahimik. Maraming message sina Afsheen at ang iba pa. Nalaman na siguro nila na nagising na ako. Sana huwag tumawag dahil malalaman nila na kasama ko si Justine. “Do you like avocado right? May avocado at mangga na pinadala din si mama dyan. Sabi ko kasi isako para pag-uwi ko maisako na rin kita.”nakangiti niyang sabi. Ikaw ang humila sa amin mula sa loob ng Mayon Volcano right? How did you know that the earthquake strike? “Maybe because of the greatest love between you and me. Kinakabahan kasi ako ng husto ng mga oras na yon. Naramdaman ko na may masamang mangyayari kaya sa pagmamadali kong mapuntahan ang helicopter ito ang inabot ko. Luckily naisalba ko kayo kaso napuruhan ka naman.”sabi niya. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Paano nalang kaya kung wala ang isang Araneta. Makakaligtas pa kaya kami sa sakuna na yon? Actually tapos na ang research namin nakuhanan ko na ng samples at video ang kailaliman ng bulkang Mayon. Ngunit para kaming na hypnotize sa mga magagandang tanawin. Hindi ko pa alam kung nakuhanan ba yon ng mga videos. Parang mga diamante na sobrang kumikinang, no not parang it's really a diamonds. Wait, isa sa mga kasamahan kaya namin ang kumuha ng diamonds kaya nagalit ang bantay ng bulkang Mayon? “Hey why you cry? Okay na ang lahat ang importante nakaligtas kayo I mean tayo sa kapahamakan. Can I ask you something Reese?”hingi niya ng permiso. Tumango ako bilang sagot, ano kaya ang itatanong niya sa akin? “Bumalik na ba ang ala-ala mo? Naalala mo na ba ako?”he asked. Tiningnan ko lang siya, ano ba ang isasagot ko sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD