chapter 26 the ninja

1874 Words
Third person pov Nag-alala na silang lahat dahil gumagabi na hindi parin bumalik si Justine sa hospital. Ayon sa kwento ng mga researchers malaki pala ang naitulong ni Justine sa kanila. Isinalaysay ng mga ito ang buong pangyayari at ang pagkaroon nito ng mga sugat. Nakonsyensya silang lahat dahil hindi nila inintindi si Justine. Naisip nila na malamang masama din ang pakiramdam nito. Pinuntahan ng mga kalalakihan si Justine sa Resto Bar nito para humingi ng paumanhin. Ngunit nang puntahan nila wala na ito sa Resto niya. Ayon sa kinakapatid ni Justine na si Javier Pineda umalis daw ang kuya niya sakay sa chopper. Hindi nila matukoy kung saan pumunta ang kaibigan dahil wala naman silang number nito. Napansin ni Froilan na may tinawagan si Javier. Nagduda si Froilan na may alam ang binata sa number na ginagamit ni Justine. Nilapitan ito ni Froilan para tanungin. “Alam mo ang kinaroroonan ni Justine di ba? Give us his new number para matawagan namin siya. Nagtatampo yon sa amin Kaya kailangan naming suyuin.”si Froilan. “T-tinawagan ko lang si mama para tanungin kung pumunta ba si kuya Justine doon sa bahay.”sagot ni Javier. “Then?”si Froilan. “Naroon daw po kaso hindi ko daw pweding ipaalam sa inyo. Si kuya Justine mismo ang nagsabi na huwag kong sabihin sa inyo ang kinaroroonan niya.”saad ni Javier. “F*ck that bast*rd kung magdrama daig pa ang artista. Ibigay mo sa amin ang address ng kinaroroonan niya para mapuntahan at magulpi namin.”seryosong sabi ni Froilan. Kinabahan naman si Javier sa sinabi ni Froilan. He thinks multiple times kung ibibigay ba niya o hindi. “Kuya ako nalang po ang bugbogin ninyo huwag lang si kuya Justine. Please po huwag ninyo siyang saktan, mahal po namin yon.”pagmamakaawa ni Javier. Napabilib naman si Froilan sa binata, natuwa siya dahil sa kanila ng lahat nakahanap pala si Justine ng tunay na pamilya. Hindi man ito nakaramdam ng init ng pagmamahal mula sa sariling magulang. Binigyan naman ito ni Lord ng pamilyang may tunay na pagmamalasakit at pagmamahal. “Ibigay mo na ang numero niya boy, huwag kang mag-alala hindi namin sasaktan ang kuya Justine mo. Gusto lang namin siya na makausap ng masinsinan.”sabi ni Froilan. “Sorry kuya Froilan confidential po talaga ang lugar kung saan siya naroon ngayon. Hindi ko po pweding ipaalam sa inyo. Uuwi naman po siya dito bukas, kaya dito nyo nalang siya kakausapin.”si Javier. Napaisip si Froilan kung saang lugar ang lungga ni Araneta. Bakit hindi niya ito ipinaalam sa kanilang lahat? Ano nga ba ang sabi ni Javier? Confidential?"he thought. “It's you to know and it's me to find out Araneta,”nakangiting saad ni Froilan. “Hoy g*go sino ba ang sumapi sayo? Bakit nakangiti kang mag-isa dyan?”si Ryan. “Naku wala pre, natawa lang ako dahil hindi na tayo pinagkatiwalaan ni Araneta. Tara let's uwi na tayo, bukas pa siya babalik dito sa manila.”saad ni Froilan. “Enlighten me jerk! Mahina ang utak ko sa half sentence,”si Ryan. “Kaya mo yan Oppa dahil half ka rin katulad ko,"sigaw ni Froilan. “Let's drink Smith, total nandito lang din naman tayo. Busy ang Amazona's Sa kaibigan nila kaya it's time for us to enjoy the night,”si Jeremy. “Really Abogago Aragon?”sigaw ni Afsheen sa b****a ng pinto. “Paktay na huli kaagad ng Reyna,"si Axel. “Nasaan na si pareng Justine? Hindi pa ba humupa ang tampo niya? Nasa office ba niya ngayon si Araneta? Pwedi ko bang puntahan? I want to confess everything para maliwanagan na siya. He is a real hero yesterday, kung wala siya tiyak makakaayat na si ate Reese sa langit. Buti nalang naroon si Araneta kaya may pag-asa na aakyat sila ni ate Reese sa langit ng sabay,”pilyang saad ni Afsheen. “Ipagpabukas mo na love dahil bukas pa babalik si Justine dito sa manila.”si Jeremy. “Siya pala ay naglalayas, hindi na yata niya titikman ang hiyas. Akala ko simpleng pagtatampo lang ang kanyang naramdaman. Umabot na pala sa kailaliman. Mahirap talaga mapikon ang mga mayayaman. May pang famas drama pang malalaman. Sana nandito siya para maaya ninyo sa inuman. Para matanggal tampururot niya kapag ang tunay na dahilan kanyang malaman."si Queen. “Hindi pa ba nagising si Reese?"Si Zhykher. “Mahimbing ang tulog kaya hindi pa nagising. Nasobrahan yata sa Anesthesiang nakakalasing. Tawagan ninyo si Araneta na umuwi na bago si ate Reese gumising. Bilisan nya kamo at para masoutan na ng sing-sing.”si queen. “Umandar na naman yang pagiging tula queen mo love, eh ikaw naman ang pakana kung bakit masama ang loob ni pareng Justine. Hindi kana naawa doon sa tao aráw-araw walang sigla. Kapag nakikita niyang masaya ang lahat siya ay nakatulala.”pangungunsyensya ni Jeremy sa kanyang asawa. So ako na ngayon ang sinisisi mo? Ako na ngayon ang mali, samantalang sa umpisa pa lamang magkasabwat na tayo. Palagi mo akong pinaalalahanan kapag ito di okay, iyan di pwedi, baka ganito nalang gawin natin, baka Ito mas maganda para sa kanila. Di ba ikaw taga remind ko minsan? Uy hello love bakit all this passing years ang tahimik mo at upinaubaya mo sa akin ang lahat. Ngayon tinitira mo na ako patalikod. Okay lang sana patalikod sa kama sabay spank matutuwa pa ako. Pero ang patalikod na nasasagi ang ego ko, aba magkasakitan na tayo. Pumili ka lang ng lalaruin natin, boxing ba, Taekwondo, Muay Thai o karate.”seryosong saad ni Afsheen. “Love naman ang bibig mo nakakahiya sa tropa,”reklamo ni Jeremy. “Sino ba ang nag-umpisa Abogago? Anong ikinahiya mo sa kanila? Baka nga mas magaling pa ang mga yan kaysa sa atin eh. Baka buong kabahayan binubulabog nila sa ingay. Basic lang naman tayo love, pero ang mga iyan mga pro na yan. Mga promax, pro-manyak sa Xporn hahaha.”humahalakhak na saad ni Afsheen. Nagsitawanan nalang ang lahat sa kakulitan ng Reyna. Kapag umandar kasi ang pagiging aning-aning nito tiklop na kaagad ang kaibigan nilang lawyer. Dahil bukas pa nila makakausap si Justine. Kaya nagsi-uwian na silang lahat sa kanilang mga tahanan. Si Reese naman ay nagising na at narararamdaman na niya ang kirot ng kanyang braso. Nagpapasalamat sa diyos dahil nakaligtas siya o sila sa malaking kapahamakan. Ayon sa mitolohiya o kwento ng mga matatandang ninuno ng mga bicolanos. Lumaki umano ang bulkan mula sa libingan ng magkasintahang Magayon at Panganoron. Kaya, pinangalanan ito ng mga sinaunang Bicolano sa maalamat na prinsesa-bayaning si Daragang Magayon. Ayon naman sa aking pag-google ang kwento ng Bulkang Mayon ay isang malagim na alamat tungkol sa magandang dalaga na si Daragang Magayon, na nahuli sa pagitan ng dalawang manliligaw: Panganoron at Pagtuga. Si Pagtuga ay isang seloso na pinuno. Heto ang buod ng aking pagre-research. “Noong unang panahon sa isang lugar na tinatawag na Ibalon, may nakatirang isang magandang dalaga. Ang kanyang pangalan ay Daragang Magayon(the beautiful one). Siya ay anak ni Makusog (ang malakas), na pinuno ng kanilang tribo. Isang araw namasyal si Daragang Magayon malapit sa ilog. Habang tumatawid sa ilog, natisod siya sa isang bato at mabilis na nahulog sa tubig. Siya ay mabilis na tinangay ng agos sa batis. Sa kasamaang palad si Daragang Magayon ay hindi marunong lumangoy. "Tulungan mo ako!, Tulungan mo ako!" sigaw niya. Mabuti na lang at narinig ni Panganoron (ang matikas) at ng body guard niyang si Amihan (ang malamig makitungo) ang kanyang pag-iyak. Tumalon si Pangaronon sa ilog at nailigtas si Daragang Magayon. "Salamat sa pagtataya mo ng buhay para iligtas ako", umiiyak na sabi niya. "Paano kita masusuklian? Ang tatay ko ang pinuno ng ating tribo. Tiyak, gagantimpalaan niya ang iyong kabayanihan kahit anong mangyari." Ang kanyang kagandahan ay agad na bumihag kay Panganoron. Napagtanto niya na sa wakas ay nakilala na niya ang perpektong babae para sa kanya. Kasabay nito, naakit sa kanya si Daragang Magayon. Humingi ng pahintulot si Panganoron kay Makusog na pakasalan si Daragang Magayon. Ngunit hindi sila pinayagan ni makusog na magpakasal. Ipinagbabawal ng batas ng tribo ang pag-aasawa sa labas ng angkan. Bilang pinuno ng tribo kailangan niyang ipatupad ang batas. Gayunpaman, bilang isang ama, gusto niyang mapasaya ang kanyang anak na babae. Samantala, nalaman ni Patuga (ang pumuputok ng balita) ang intensyon ni Panganoron kay Daragang Magayon. Si Patuga ang pinaka-masigasig na manliligaw ni Daragang Magayon. Sa loob ng maraming taon ay kinukumbinsi niya itong pakasalan siya, ngunit walang resulta. Isang gabi, kinidnap ni Patuga at ng kanyang mga kasamahan si Makusog. Pagkatapos, ipinaalam niya kay Daragang Magayon na mamamatay ang kanyang ama kapag hindi niya ito pinakasalan. Nang walang pagpipilian, pumayag siya. Si Makusog lang ang pinakawalan ni Patuga. Hindi nagtagal ay ikinasal na sina Patuga at Daragang Magayon. Ngunit sa gitna ng pagsasaya, sumiklab ang pandemonium nang dumating si Panganoron at ang kanyang tribo. Naganap ang labanan sa pagitan ng dalawang tribo. Sa ilang minuto, sinaktan ni Panganoron si Patuga. Gayunpaman, sa sagupaan na iyon ay may isang lason na putok ng palaso ang tumama sa dibdib ni Daragang Magayon. Sinugod siya ni Panganoron habang nakaluhod siya sa naghihingalong Daragang Magayon, tinaga ng kaaway ang ulo niya. Pagkatapos ng labanan, inilibing si Daragang Magayon at ipinagluksa sa buong lupain ang kanyang kamatayan. Kung saan siya inilagay, isang bundok ang misteryosong lumitaw. Ang bundok na ito ay kilala ngayon bilang Mayon. Kahit kamatayan daw at sa ibang anyo ay pinagmumultuhan pa rin siya ng mga lalaking nagmamahal sa kanya. Kapag sumabog daw ang Mayon, ito si Patuga na humahamon kay Panganoron. Pero kapag napatahimik na ang mayon, niyayakap siya ni Panganoron. Ang mga luha ni Panganoron ay pumapatak bilang ulan sa oras ng kanyang kalungkutan. Hanggang ngayon, marami pa rin ang natutuwa sa love story sa likod ng alamat ng Bulkang Mayon. Pati ako ay kinikilig nang mabasa ko ang alamag ng Mayon Volcano. Pero teka lang, kung ayon sa kwento hanggang ngayon minumulto parin si Magayon ng kanyang mga manliligaw. Ibig sabihin nagalit si Pagtuga sa aming pagsaliksik sa loob ng emperyo ni Daragang Magayon? Oh my goddess! Possible kaya na hindi nito nagustuhan ang aming ginawa. Kung si Pagtuga ay selosong multo, na-misinterpret kaya niya ang mga kasamahan kong volcanic expert at scientist. Tapos ako lang angag-isang babae na kasama nila. Kaya ba ako nagka-injured dahil imbis na ang mga kasamahan ko ang target. Accidentally sa akin tumama ang batong ibinato ni Pagtuga sa kanila.”reese murmured. Baliw na Pagtuga yon ah kamuntik pa akong naging kwento sa ginawa niya. Hindi ba niya naisip na kapag namatay ako sa araw na yon mapapalitan ko ang kwento ni Daragang Magayon. Hindi man lang siya kinabahan na maaaring magbago ang kasaysayan at ang caption is like this; “Tatlong lalaki at isang babae na scientist o mga ekspyerto sa mananaliksik tungkol sa bulkan ay namatay sa loob ng bulkang Mayon. Si doctor/scientist Eloira Terrence Reese Mojor at ang tatlong mga kasamahan nito ay namatay. Baga ang tatlong hari at isang prinsesa. Sa generation Z naulit ang kwento nina Daragang Magayon, Panganoron at Pagtuga, Charrrr hahahaha.” nakangiting saad ni Reese. May pumasok na armado.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD