Justine pov
Naka-confined si Reese sa Della Torres Medical Hospital dahil nagka-injured ito sa braso ng mabagsakan ng bato bago ko pa nahila paitaas. Sa awa ng diyos sabay ko silang apat na nahila. Kaya lang sa kasamaang palad si Reese ang minalas dahil nabagsakan pa ng bato. Ang ibang mga scientist o volcanic expert ay kumakapit nalang sa mga maliliit na puno. Ang iba ay nakadapa nalang at ipinagsa-diyos ang kanilang buhay. Dahil once na pumutok ang bulkan tiyak na hindi sila makakaligtas.
“How's Reese? Is she's okay?”si Queen.
Dahil nagkatipon-tipon pala silang lahat sa EPI sabay na silang lumuwas para bisitahin si Reese. Wala na akong contact sa kanila kaya hindi na nila alam ang update sa buhay ko. Wala akong ganang sumagot dahil buong gabi akong walang tulog. Hangga't hindi pa bumalik ang malay tao ni Reese hindi ako mapapakali. Umaga na pero tulog parin siya, nakaupo lang ako sa tabi niya. Ang mga kasamahan niya medyo okay naman kaya lang mga may trauma pa.
Kahapon ng masiguro kong ligtas na ang apat. Ibinaba ko muna sila bago ko binalikan ang iba pang mga panauhin ng bulkang Mayon.
Nang mailigtas ko na sila, paglapag ko agad na binuhat ni doctor Mauricio Aurelio si Reese para ialay sa chopper. Kaya nagulat ako kung ano ang nangyari kay Reese. Tsaka lang sinabi ng Espanyol na doctor na injured pala ang braso ni Reese. Kaya agad kung pinalipad ang helicopter papuntang Della Torres Medical Hospital. Ang mga doctor siguro ang nagbalita sa kanila kaya nalaman nila kaagad. Ginamot na rin nila ang aking mga galos sa kamay at braso. Naka-bandage na rin ang mga ito nang napakarami. Hindi ko alam kung nakailang beses akong nadapa mula sa mabilis kong pagtakbo pagtakbo pababa.
“Okay na ba siya?”si Lessery.
Mukha ba siyang okay? Mula kagabi hindi pa nga nagising oh.
“Ang maldito mo sumagot, anong pinagmamayabang mo Araneta?”si Clea.
Hindi na ako umimik pa dahil wala akong ganang makipag-usap o makipagbangayan sa kanila.
Lumabas muna ako dahil nakaka- suffocate na sa loob ng VIP room ni Reese. Tinawag ako ni pareng Froilan pero hindi ko na siya nilingon pa.
Sa labas ng hospital na ako humithit ng sigarilyo para mabawasan ang stress sa aking utak. Sabi ng doctor okay naman si Reese, napagod lang siguro ito kaya mahimbing ang pagkatulog. Sana sa kanyang pagkagising maalala na niya ako. Sana bumalik na ang kanyang ala-ala para maayos na namin ang lahat.
“Galit ka ba sa amin pre? Bakit deactivated na ang number mo? Akala namin nagtampo ka lang, akala namin humupa na ang galit mo after mong makausap si pareng zhykher.”si Ryan.
Congratulations sa wedding ninyo ni Bhella. Ipapadala ko nalang sa account mo ang aking regalo.
“Hindi naman kailangan ang regalo pre, ang gusto ko lang naman ay magsama-sama tayo sa bawat special na okasyon. But it's okay naintindihan naman kita dahil alam ko naman na matagal mo na siyang hinahanap.”saad ni Ryan.
Matagal ko nang hinahanap pero tikom ang bibig ng mga taong nagtago sa kanya. Paano ko ba pagkakatiwalaan ang aking mga kaibigan? Kung sana hindi ko kayang ipaglaban si Reese sa pamilya ko pwedi silang makulam at pwedi nilang itago.
“So hindi ka nagdududa na kasabwat ako?”tanong ni Ryan.
“Si Reese pinsan ni Zhyk, at asawa niya si Lessery. Limang taon na si Reese sa Canada, kaya ibig sabihin hindi na siya umuwi ng Singapore. Pamilya ni Queen, Clea at Gracey ay Sa Canada nakatira. Si Sanjela pinsan ni queen at Si governor Galanza asawa ni Sanjela. Alam nilang lahat pre, at ako lang ang pinapaikot sa laro nila. Ako ang tanga na walang malay na pinagtatawanan na pala nila.
Oo ako ang hangal, sinubukan kong pasanin ang aking sarili sa aking sariling mga balikat!
Oo ako ang pulubi, na nanghihingi ng information sa aking sariling pintuan. Ipinaubaya ko sa kamay ng mga agent ang lahat para makakuha ng mga information sa whereabout ni Reese.
At hindi kailanman lumingon sa likod para manghinayang sa mga gastusin sa imbestigasyon. Five long years pre, na umakto silang masaya at may pakialam sa akin. Tapos malalaman ko lang na lahat pala sila ay may alam at sila pa ang nagtago nito.
Masakit sa dibdib pre na mga kaibigan ko mismo ang pasimuno ng lahat. Sana sinabi nalang nila sa akin na hindi nila ako gusto para kay Reese. Sana sinabi nalang nila na ayaw na nila akong maging kaibigan. Sana sinabi nyo nalang na ayaw nyo na ako na maging kasama sa grupo. Mga magulang ko traydor pati din pala kayo traydor din.
“Uy g*go wala akong kinalaman dyan,”si Froilan na nakalapit na rin pala.
“Jerk ang dami mong mga galos. Ano ba kasi ang nangyari kahapon sa Albay?”dagdag pa ni Froilan.
“Tumawag si Lucy malakas pala ang lindol kahapon sa Albay. Akala nga daw nila puputok ulit ang Mayon Volcano.”si Yette.
“Galit ba ang enhenyero de minero?”si Afzal.
“Nireregla lang yan kaya nagtatantrum,”si Gian.
“Dapat bilhan natin ng dismenorhea medicine,”si Jeremy.
“Huwag nyo nang galitin dahil baka mas lalong mag-alburoto pa yan,”si Axel.
“Matampuhin ka pala Araneta? Paano mo nagawang hindi magparamdam ng ilang linggo sa amin? Akala ko the coolest man in cave ka,”sabi ni Zhykher at tinapik ang aking balikat.
Bigla uminit ang aking ulo kaya nasuntok ko kaagad siya. Hindi niya inaasahan ang aking pag-atake kaya humandusay sa sahig.
Agad naman umawat ang lahat at pinaglayo kami.
“F*ck, damn you jerk! Anong problema mo? Kasalanan ko ba kung hindi mo kaagad nakita si Reese? Son of a b*tch bigla kang mananakit na walang sapat na dahilan. Para kang acclang nagtatantrum, baliw,”mura ni Zhykher.
“Anong kagulohan ang nangyayari dito? Pinagtitinginan na kayo oh, tiyak mamaya viral na kayo.”si queen.
“Ang g*gong yan ang tanungin mo queen. Wala na sa wisyo yan eh kung kani-kanino nalang nambibintang. Put*ngena sinira mo pa ang nguso kong hayop ka.”panay kuda parin ni Zhykher.
“Tumigil kana, nakailang mura kana babe. Ang baho na ng bibig mo, di kana makakahalik sa akin,"si Lessery.
“Magpahinga ka muna dahil sabi ng doctor marami ka ring sugat na natamo. Gusto nilang i-admit ka para makapagpahinga pero hindi ka daw pumayag.”si queen.
May mas masakit pa ba sa katutuhanan na pinagkaisahan ninyo ako?
Hinila ko ang aking kamay na hawak ni Afzal at Froilan. Naglakad ako papalayo sa kanila. Nang makalabas na ako sa hospital agad akong pumara ng taxi para pumunta sa aking Resto Bar. Ang sakit ng aking ulo dahil sa samo't saring problema na aking dinadala.
Habang nasa taxi tsaka ko lang naalala na hindi pala naka-activate ang aking simcard at si mama Dinah tiyak na sobra nang nag-alala sa akin.
Kaya pagdating ko sa Resto Bar agad kong tinawagan si mama.
“Diyos ko kang bata ka ilang araw na akong hindi nakakain ng maayos dahil sa pag-aalala sayo. Saan ka ba nagsusuot at hindi mo man lang nagawang kamustahin ako. Anak naman alam mo naman na hindi ako mapapanatag kapag hindi kita nakakausap buong araw.”umiiyak na saad ni mama.
Si mama talaga oh iyakin masyado. Gusto mo ma uwi ako dyan ngayon din para hindi kana nangungulila. Anong gusto mong ipasalubong ko sayo? Sabihin mo na ma at nang mabili ko kaagad.
“Hindi ko kailangan ng pasalubong Justine basta umuwi ka lang dito sa bahay,"Si mama.
Okay ma, I will be there in few hours. Bumili ako ng limang karton ng pizza. Fried chicken at bucket of chicken nuggets. Sinamahan ko na rin ng 3.8 liters na ice cream with different flavours. Gamit ang aking chopper lumipad ako pauwing Tuguegarao City. I miss the beauty of my Dream escape Majestic Resort. May bago na akong simcard kaya Ito muna ang gagamitin ko. Ibibigay ko kay mama Dina ang number para matawagan na niya ako.
Excited na rin ako na makita ang poultry farm ni papa Marjon. Balita ko last time malaki daw ito at ang ilalim ay isang malaking fishpond. Iba din ang field ni papa sa kanyang mga panabong. Hindi siya nagsusugal pero nagbe-breed siya ng mga matatapang na panabong. Baka pweding maging sabongiro na rin ako.
oooOooo
Mama I miss you mano po.
Papa Marjon mano po! Kumusta po kayo dito?
“Diyos ko anak napaano iyang kamay at braso mo? Sinasabi ko na nga ba eh na may masamang nangyayari sayo. Alam ng puso ko na mapapahamak ka kaya hindi ako makatulog. Sinong may kagagawan niyan? Sinaktan kana naman ba ng magaling mong walang kwentang ama? Hayop talaga ang taong yon, may anting-anting yata ni satanas kaya ayaw mamatay.”nag-aalalang saad ni mama Dina.
“Okay lang ako anak, iyang mama mo panay pasok sa prayer room para magdasal na maging ligtas ka dahil hindi kana daw niya makontak. Pagkatapos nating mananghalian may ipapakita akong mga bago kong breeding na panabong anak.”si papa Mar.
Sige pa gusto kong makita ang mga bago mong alaga. Marami bang bumibili pa?
“Maganda kasi ang quality ng mga breeding ko kaya maraming customer na bumibili. Matatapang ang mga manok dahil sapat ang ehersisyo ng mga ito.”saad ni papa.
“Hindi mo ba nakikita ang situation ni Justine huh at niyaya mo pa talaga na tingnan ang mga alaga mo.”kontra ni mama.
“Hahaha para sa mga apo ko yan Dina. Gusto ko kapag dumating na ang mga apo natin matutuwa sila kapag bumisita dito. May mga kabayo sa quadra, mga kalabaw, baka at lambing sa paligid.”pang-iinis pa ni papa.
“Ewan ko sayo Marjon, basta Justine anak pagkatapos nating kumain magpahinga ka muna hah!”saad ni mama Dina.
Ang ganda nilang pagmasdan habang nagbabangayan. Thank you Lord for having them in my life....