Justine pov
Napabalikwas ako ng bangon, napamura pa ako dahil nakatulog pala ako. Nang tingnan ko ang oras 7:45 am na. Agad kong hinila ang upuan bahala na ang mga maglilinis kung paano nila ibalik sa dati ang aking mga kalat. Naghilamos at nagmumog lang ako dahil wala naman akong dalang sipilyo. Putang*nang buhay, hindi ako nagising sa alarm clock na sini-set ko.
Okay na siguro itong hitsura ko mukha nga lang adik dahil namumula pa ang mga mata ko. Arrrgggghhhhh obob ka talaga Araneta, malamang sa malamang nakaalis na sila patungong Albay. Kung sakaling nakaalis na sila susunod nalang ako.
Bumaba ako ng hotel at ng madaanan ko ang isang crew tinanong ko ito kung nakaalis na ba mga doctor na bisita.
Nabuhayan ako ng loob nang malaman na nasa canteen daw ang lahat at nag-almusal pa. Ibig sabihin hindi pa nakaalis sina Reese. Pumunta na rin ako sa canteen para makita si Reese. Nakita ko na masaya itong nakikipagkulitan sa kanyang mga kasamahan. Ang kanyang mga halakhak na sobra kong na miss. Ang kanyang mga matatamis na ngiti na nagpapasaya sa aking puso.
Nang tingnan ko ang aking cellphone nakita kong tumawag pala si mama Dina. Magagalit na naman ito dahil hindi ko nasagot ang kanyang tawag.
Tinawagan ko muna si mama bago ako tuloyan na pumasok sa canteen.
Good morning mama, kumusta po?
“Good morning din Nak, kagabi pa ako tawag ng tawag sayo bakit hindi ka sumagot? Nagpakalasing kana naman ba Justine Araneta?”bungad ni mama.
Ma, I'm sorry po! May sinusundan po ako ma. Nakita ko na siya ma, narito na ulit siya sa Pilipinas. Nang sinundo ko sina Lolo at Lola kahapon sa Airport nakita ko rin siya ma.
“Sino? Si Reese?”si mama.
Yes ma, kaya huwag po kayong mag-alala sa akin kung hindi ko kayo maa-update masyado. Focus muna ako kay Reese dahil baka nakawala na naman. Ibababa ko na ang tawag ma, ingat ka po palagi dyan. Ikamusta mo nalang ako kay papa. Wait ma padalhan kita ng picture ni Reese.
“Sige nak mag-iingat ka rin palagi dyan. Huwag mong takotin nak, huwag mong idaan sa santong paspasan.”si mama.
Natawa nalang ako sa kanyang mga sinabi. Kahit anong mangyari mamahalin at aalagaan ko ang inang ito sa kanyang pagtanda.
Nang maibaba ko na ang tawag, pasimple kong kinuhanan si Reese ng larawan. Agad ko itong ipinadala sa messenger ni mama Dina. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng canteen. Umorder ako ng kape, a black coffee para magising ang inaantok kong diwa. Kailangan ko rin na maging matapang para harapin si Reese.
Sinadya kong maupo paharap sa kanya para makita niya kaagad ako. Hindi man lang niya ako tiningnan o kahit sulyap man lang wala. Mas focus pa siya sa lalaking kausap niya. Siguro kasamahan din niya ito sa trabaho. Naiinis ako ng makita ang eksina.
May dumating na lalaki ayt ininform ang lahat na kanselado ang kanilang byahe dahil masama ang pakiramdam ng kanilang piloto. Nakita kong dismayado ang mukha ni Reese sa hindi pagkatuloy ng byahe.
Pagkatapos nang sabihin ng lalaki ang balita umalis na kaagad ito, kaya dali-dali kung sinundan.
Sir excuse me, hi good morning.
“Oh Engineer Justine Araneta you're here. Good morning, kumusta? Akala ko sa billboard ng Engineers Global Builders lang kita nakikita. Pleasure to meet you here engineer Araneta. By the way I am philvocs agency director Alexander Manalo.”sabi ng lalaki.
Pleasure to meet you too sir. Hmm narinig ko ang sinabi mo kanina sa inyong mga bisita. Can I volunteer myself para ihatid sila sa Albay?
“Oh alam mong sa Albay ang byahe ng mga scientist na galing Canada?”nakangiti niyang sabi.
Yes sir, because I'm chasing one of their doctor. Doctor Eloira Terrence Reese Mojor is my long lost sweetheart.
“Really?”
Yes sir! Hmm I can use my own helicopter to take them to Albay.
“No, no, it's okay engineer Araneta no problem about the helicopter. Since you can drive it, you can use our companies helicopter. Nakakatuwa pa nga dahil nag-volunteer ka. Kailangan rin talaga nilang makarating sa paanan ng Mayon Volcano para sa research na gagawin nila. Hindi pweding patagalin dahil aktibo ang bulkang mayon.”he explained.
Okay, kung gayun aalis na tayo ASAP. Paki-inform nalang sa kanila na pwedi na tayong umalis. Ibinigay sa akin ang susi ng helicopter ng piloto ng philvocs. Kaya nauna na akong umakyat sa rooftop para doon sila hintayin. Sa wakas makakasama ko na si Reese, wala nang atrasan ito Justine.
Habang naghihintay sa kanila naisipan ko munang mag-live para makita ng mga ogag.
Gian: Uy nasa helicopter kana moron, mauuna ka pa yata papuntang Davao.
Froilan: ang animal selfish na, sabi ko sabay na kami para makatipid sa gasolina.
Axel: Dapat walang absent ha, may multa kapag hindi nakadalo sa kasal ni Oppa.
Zhykher: How much? Pangkape lang pwedi na ba? I want to change my mind not to attend his wedding. Sayang ang milyones kung mabawasan.
Jeremy: Subokan mo Cruz, sakto na yata ang lahi mo pwedi kanang ipaligpit.
Afzal: Hahaha good job bayaw, kung gustong lumiban sa Ayuda. Mas maganda kung iliban ang lahi.
Jonin: Sinong ipapaligpit ninyo? 1 billion contract I'm available.
Me: Putang-na mo Ashi basta p*****n ang usapan susulpot at susulpot ka talaga.
Gian: Matapang lang yan kapag tayo ang kasama pero kapag si doctor Adette ang kaharap tiklop yan.
Ashi: voice message send
Yeah, it's crazy, I'm a (killer)
Made all this money from doin' this
D.A. got that dope
Now count it, five, ten, yeah, fifteen, twenty
Twenty-five, thirty, yeah, get the money
Throw it in the furnace, yeah, this s**t be funny
Earn it just to burn it, swag drippin' from me
That's what I do with money, got money up the ass
Call it toilet paper, yeah, flushed with cash
Girl, nice butt, is it up for grabs?
Just wanna touch your ass, is that too much to ask? Yeah.
Afzal: F*ck your Ass! Kailan ka naging singer dumbass?
Unison: laugh emojis
Froilan: Are you really going to Mindanao Araneta?
Me: I'm going to Eliasson Marcos place.
Unison: What???
Froilan: What will you do there?
Me: Just stay in the line moron, jerk, dumbass, ass*le.
May itatanan akong babae dahil sawa na ako sa pagiging single. Alam kong nagtaka sila sa aking sinabi. Nakita kong umakyat na ang mga doctor kasama si Reese. Inikot ko ang camera kung saan naglalakad ang mga bisita ng philvocs. Ngayon ko malalaman kung may kinalaman ba ang mga hayop kong kaibigan.
Malinaw ang kuha ng video at tumyempo na walang takip ang mukha ni Reese. Sige pa lapit pa boss, konti nalang magkaalaman na.
Afzal: What a---
Zhykher: Leron Leron sinta, buko na ang tropa. Babaeng dala-dala'y buslo, sisidlan ng aparatus. Pagdating sa Pilipinas nabali ang pangako. Kapos kapalaran, siya parin ang nahanap.
Gumising ka Justine, tayo'y manampalok. Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog. Pagdating sa dulo'y, lalamba-lambayog.
Kumapit ka Justine, baka ka mahulog. Ika'y di kana nya iibigin, dahil ika'y lalaking baog.
Ang baril niya'y pito, ang sundang niya'y siyam. Ang lalakarin niya'y parte ng bulkan. Isang pinggang pansit ang iyong kalaban. Mga katanungan ay kay hirap sagutan. Lalo na ngayon na ika'y kinalimutan.
Jeremy: Kailan ka naging composer pre?
Gracey m: Anong ganap ninyo dito? Sarap ng buhay kapag walang anak na inaasikaso no, pa-chat-chat lang. Daig nyo pa ang mga maretes.
Gian: That's an advantage kapag professor ng britanya ang asawa.
Pssstttt darling, magmasid ka lang dyan.
“Doctor Eloira you go up first,"sigaw ng lalaking doctor.
“Yawa ka doctor Caleb, naging jowa mo lang ang best friend ko gusto mo na akong ibalibag kung saan-saan. Kapag ako nagka-lovelife who knows kayo sa akin,”sagot ni Reese.
“Oh c'mon doctor Eloira Terrence english please,”singit ng isa pang doctor na babae.
Bumaba ako para tulongan ang isang doctor na maraming dalang gamit. Parang sasalang sa gyera ang mga ito.
Hello sir how are you?
“O-owhh hmm I'm fine, h-how about you?”mangha niyang sabi na akala mo'y kilala niya ako.
I am Engineer Justine Araneta sir your volunteer pilot captain for today.
Pleasure to meet you Mr. Araneta. I am doctor Mauricio Aurelio, from Spain. Nakaakyat na ang lahat sa loob ng helicopter. Labin-lima sila na lulusob sa gyera, I mean labin-limang katao na makikipag-digmaan sa Mayon Volcano.
Umupo sa unahan, katabi ko ang director ng Philvocs agency. Kaya umakyat na rin ako para paandarin ang helicopter.
Is everything okay, sir? Can we leave now?
“Yes, Engineer Araneta we can proceed now,”sagot ni Mr. Alexander Manalo.
Ladies and gentlemen, I am your volunteer pilot Engineer Justine Araneta who will take you to Albay.
Our helicopter flight from Manila to Albay would take approximately 1 hour and 30 minutes. We have good weather today, by God's grace we can arrive safely at our destination.
Nagwala na ang aking mga kaibigan kaya ini-off ko ang aking live video. Si Reese naman ay nakita kong natulala.
Surprise baby?????