Third person pov Nang malapit ng matapos ang surgery, sabi ng nurse na naubosan na sila ng A- type na dugo. Napamura naman si Sanjela dahil kung kailan patapos na ang surgery tsaka pa nagkaproblema sa supply ng dugo. “Alam ko emergency ang surgery na isinasagawa natin ngayon. Di ba tomorrow morning naka- schedule na ang surgery ng pasyente na ito? So di ba dapat nakahanda na ang type A- na dugo para isalin sa kanya since A- ang type dugo niya. Paano nangyari na dalawang bag lang ng A- na dugo ang hinanda ninyo? Magbibiro lang din naman kayo sa ganitong pagkakataon pa talaga. Hindi naman siguro tayo naglolokohan dito, di ba po,”inis na saad ni Sanjela. Hindi na nakaimik ang nurse na in-charge sa paghanda ng mga dugo. “I am type A- pwedi akong maging donor. Wala naman akong sakit so rest

