Reese pov
Demoñetong tetoy yon winasak ang kepyas ko. Ansakit po mahabaging marya, bakit di mo ako ininform na ganito pala kasakit ang magpatusok ng malaking karayom. Kung sa bagay hindi ka naman po natusok no'ng nabuntis ka kay Jesus dahil God plan and God's will yon. In short you're pregnant by miracle mama Mary.
“Ate humupa na ba lagnat mo? Tumawag boyfriend mo tinatanong kung okay ka na ba ngayon. Need mo ba daw ng gamot kasi papunta na siya dito. Te, may boyfriend kana ignore mo na ako huh,”pang-aasar pa ng aking kapatid.
Tumigil ka Grey, nagawa mo pang mang-asar may sakit na nga yong tao. Paano ko ba sabihin sa kanya na laceration ang sanhi ng lagnat ko. How about the hearing yesterday Grey? Hindi man lang kita natanong kagabi tungkol sa hearing.
“Kasi mataas ang lagnat mo kaya hinayaan na lang din kita na magpahinga. Maayos naman ang naging hearing kahapon. Matibay ang ebidensya na nailatag ko. Galit na galit ang anak ni Mercado I mean galit ang ex mo. Pinagbantaan niya ako kaya nag-file na rin ako ng death treat case para sa kanya. Hindi naman yata siya na inform na may hidden camera akong suot.”natatawang saad ni Grey.
Grey if you don't mind pwedi ko bang malaman kung ano ang hidden profession mo. Base sa mga kinikilos mo para kasing may kakaiba eh. Secret agent ka ba o something?
“Alam mo naman di ba kung saan ako nag-aaral ng law. Saan ba malapit ang Singapore University? Malapit ito sa military school at martial arts school. Pinili kong mag-stay sa dorm para hindi ninyo malaman ang parusang natatanggap ko sa bawat training. Nang mapagtagumpayan ko na ang aking pangarap unti-unti nang nawawala ang mga bakas ng bawat training. Ayokong nasasaktan kayo kapag nakitang halos hindi na ako makatayo makalakad. Pinaghandaan ko na ang lahat ate para muling buksan ang kaso ni papa at makuha ang hustisya na deserve niya. Kailangan ko rin na maging malakas para protektahan kayo. Sabi ko nga sa sarili ko I'm lucky enough to have a sister like you. Kahit wala na si papa nariyan ka para tumayong padre de pamilya. This time ako naman ate, ako na ang padre de pamilya ng pamilya natin. Kaya ko na, kaya ko nang protektahan kayo sa bawat unos na darating.”matapang na saad ni Grey.
Nakakainis ka Grey, depunggal ka talaga. Hindi ka namin kinukurot ni mama o pinadapuan ng lamok tapos sinasaktan ka nila. Paano mo nakaya ang bawat training at pagpapahirap nila sayo? Bwesit ka isusumbong kita kay mama.
“Huwag ka ngang umiyak dyan, parating na ang boyfriend mo baka magtaka yon kung bakit ka umiyak. Ang pangit mo na te, ngayon ko lang napansin ang pangit mo pala kapag umiyak.”pambubuska pa ni Grey sa akin.
Ding, dong! Ding, dong....
“Sinasabi ko na nga ba eh parating na irog mo. Bahala ka dyan, ang pangit mo.”sabi pa niya at tumayo na para buksan ang pinto.
“Oh bayaw magandang hapon, kumusta? Mabuti naman at dumating ka na, kanina pa nag-iiyak ang syota mo na miss ka yata masyado.”narinig kong saad ni Grey. Bwesit talaga itong kapatid ko, gumagawa pa ng kwento eh Hindi naman writer.
“Talaga? Baka mataas masyado ang lagnat. Dalhin na kaya natin sa hospital Grey to make sure na magiging okay ang kalagayan niya. Heto may dala akong meryenda para sa inyo.”saad ni Justine.
“Wow from your “Justine Resto Bar” maraming salamat.”si Grey.
“Hi baby! Padoctor na tayo. Ang dami kung SMS hindi mo man lang tiningnan. Galit ka ba sa akin?”sabi ni Justine.
Inirapan ko lang siya dahil sobrang nainis ako. Umupo siya sa aking tabi at hinalikan ang aking labi.
“I love you!”he said.
It's laceration kaya nilagnat ako dahil sa kagagawan mo. Paano ko explain sa kapatid ko na nagbembangan tayo kahapon. Walanghiya kang minero ka anlaki ng barina mo at sinagad mo sa kweba ko.
“I'm sorry mahal ko, nasabik lang talaga ako sayo. Sabi ko naman sayo na mamarkahan kita, a-k-i-n ka lang. Bumangon ka muna at kainin mo ang dala kong mainit na sopas I cooked it for you.”sabi pa niya.
Talaga? Marunong kang magluto?
“Oo marunong na marunong po aside of being engineer at minero as they said. May vocational certificate na rin ako bilang chef.
Time pass ko ang Resto Bar kapag may libre akong oras. When you are feeling well isasama kita doon para makilala ng aking mga staff,”sabi niya.
Bakit sa Resto Bar ka nagpapalipas ng oras? Hindi ba kayo nagba-bonding ng mga magulang mo? Biglang nag-iba ang kanyang face expression na parang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.
“They are always busy looking for their business Reese. Top priority nila ang kanilang negosyo at nakalimutan na nila na may anak sila. Actually, sa mga kaibigan ko at sa mga parents nila ko lang naranasan ang pagmamahal. They all have a genuine heart lalo na ang mga magulang ni pareng Afzal. Say ahhhh kumain ka muna huwag na nating pag-usapan ang walang kwentang kwento tungkol sa aking buhay.”saad ni Justine. Nakikita ko ang lungkot ng kanyang mga mata.
Hindi parin pala masaya kahit mayaman kana. Kahit nakukuha mo na ang lahat ng luho mo O gusto mo. May kulang parin pala kahit tinatamasa na niya ang karangyaan sa buhay. Paano kaya kapag nalaman nila na ordinaryong tao lang ang karelasyon ng kanilang anak. Wala naman akong negosyo o kayaman na maipagmalaki sa kanila. Mukhang gyera yata itong kakaharapin ko.
“Hey bakit ka natulala dyan? Ano ba ang iniisip mo? Iniisip mo ba ang sinabi ko? Hayaan mo na yon at huwag mo nang isipin. I'm stable Reese at kayang-kaya kitang buhayin at kahit pa sampung dosena ang magiging anak natin.”nakangiti na sabi ni Justine.
Literal na nanlaki naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Ang g*go humahalakhak pa nang malakas.
“Huwag kang matakot mahal, I will always prioritize your health. Kung Ilan ang gusto mong magiging anak natin ikaw ang masusunod. Basta ako taga punla lang ng, pwedi bang paisa ulit?”bulong ni Justine.
Pumasok tuloy ang soup sa aking ilong.
“Dahan-dahan naman, dahan-dahanin rin naman natin ang ating gagawing future. We will built our future smoothly and furnish.”dagdag pa niya.
Tumahimik ka nga para kang ewan dyan eh. Di pa nga ako nakaka-recover paisa na naman. Aba'y namimihasa kana masyado Mr.
“Knock, knock! Ate pwedi ba akong pumasok?”saad ng kapatid ko.
Come in Grey.
“Ate alis na ako tumawag ang judge at may kikitain rin akong client. Bayaw ikaw muna ang bahala sa ate ko. Kung kailangan na dalhin sa hospital pakidala nalang. Kahit doctor yan hindi niya parin Alam doktorin ang kanyang sarili”paalam ni Grey.
Pasaway ka talaga at ako na naman ang nakikita mo. Okay mag-iingat ka palagi huh, di natin alam ang strategy move ng ating kalaban.
“Noted po! I love you te.”sabi ni Grey sabay halik sa noo ko.
“Huwag kang magpapaloko dyan dahil hindi pa buo ang aking tiwala. Bilyonaryo yan kaya tiyak na maraming pinapaiyak na mga babae.”bulong ni Grey.
Na guilty tuloy ako sa sinabi ni Grey. Nahuli ng dating ang babala mo Grey sa tainga ko.
“Bakit kailangan mo pang ibulong?”angal ni Justine.
“Bakit hindi? Alangan naman na ipaparinig ko sayo na “Ate mag-iingat ka dyan sa boyfriend mo at huwag kang magpapaloko dahil mukhang f*ckboy yan,”pang-aasar na saad ni Grey.
“Damn it moron!”napamura si Justine.
“Ate oh nagmumura pa talaga sa harapan mo. Paano nalang kung sa ibang lugar o kaming dalawa lang ang nag-uusap. Malamang higit pa sa mura ang gagawin niya sa akin. Konti pa lang yong sinabi ko pero kung maka-react naku po I won't tell nalang.”patuloy na pang-aasar ni Grey. Kumindat pa sa akin ang aking kapatid. Si Justine ay hindi na umimik pero ang tainga ay sobrang namumula na.
Oh siya ingat ka, tigilan mo na pang-aasar mo.
“Bye lovers, bayaw pagkaalis ko umalis kana rin para makapagpahinga na ang ate ko.”sigaw pa ni Grey sabay alis.
“Asa ka pa, itatanan ko na ang ate mo. Pag-uwi mo di mo na kami madadatnan pa,”sigaw rin ni Justice.
“Subokan mo bayaw, magiging papaitan ka later,”sigaw ni Grey sa labas. Sumakit bigla ang ulo ko sa dalawang unggoy. Grabeh ang kulit nila, mga professional na biglang naging isip bata.
“May makulit side pala ang kapatid mo Reese. Akala ko super strict siya kasi first impression ko sa kanya ay sobrang maldito. Sabi ko pa sa sarili ko na kailangan ko pa yatang suyuin ng bongga si grey.”si Justine.
Ngayon ko nga lang din nakita ang kakulitan side niya eh na malala pala. Nagkukulitan naman kami kasama si mama. Pero slight lang ang mga banat niya. Kasi after niyang magpatawa ng konti seryoso mood ulit siya.
“Nabalitaan mo ba ang tungkol sa totoong ama ng pinsan mo?”he asked.
Oo nakita daw ni Lessery at may kidney failure na pala ito. Si Zhykher na ang bahala sa kanya. Kidney doctor si Zhyk and he knows what is the best solution for it. Ang problema nga lang kung kayanin ba niyang gamotin. Regarding sa past family issue nila mahirap din yon. Tumango naman si Justine sa aking sinabi.
“Masakit ba masyado Mahal? Sabi nila when we make it second time hindi na masakit.”nakangiti niyang saad.
Huwag kang magpapaniwala sa sinasabi nila. Ako ang nakakaalam sa katawan ko kaya dapat sa akin ka maniwala.
“Relax mahal beke nemen mekeleset leng,”nag-iinarte niyang sabi.
Grey calling.....
Hello Grey---
“A-ate may dalawang riders na sumunod sa akin I need back up. Naka-on ang GPS ko, please tract my location.”saad ng kapatid ko.
Diyos ko po mag-iingat ka, wait tatawag ako ng back up. Mahal nasa panganib si Grey ngayon may nakasunod sa kanyang mga armado.----No response...
Hoy ano ba tutulongan mo ba ako o hindi?
“A-e s-sorry na istranded ako sa Mahal mo eh. Okay give me your phone tatawagan ko ang agency ni Galanza. I will send them the location to para masundan kaagad si Grey.”sabi ni Justine.
Agad naman niyang kinontak ang mga tauhan ni Axel. Kumilos naman kaagad ang mga ito gamit ang chopper.
“Bakit pumasok si Grey sa abandonadong factory sa Marikina?”tanong ni Justine.
Kaya agad kong hinablot ang aking cellphone mula sa kamay ni Justine. Tinawagan ko kaagad si Grey.
“Ate don't worry kaya ko na sila, it's a game plan para mahuli ko ang mastermind. I just need a back-up para hindi ako madiin masyado kapag magkapatayan at magkasampahan ng kaso. Trust me ate, relax ka lang dyan at huwag mong ipaalam sa boyfriend mo ang gagawin ko. Bang,bang,bang----
Grey!!!!! Sigaw ko nang marinig ang sunod-sunod na putokan. Dear God iligtas mo sa kapahamakan ang kapatid ko.....