Third person pov
Hindi inaasahan ni Grey na may mga nakasunod pang ibang back-up ang dalawang nakamotor na mga armado. Nang nakipagpalitan na siya ng putok sa apat na katao. Dumating naman ang dalawang SUV na may sakay na mga armadong kalalakihan. Hindi pa dumating ang back-up na nerequest niya. He have to fight them at any cost. Kailangan na niyang gamitin ang kanyang military skills. He is not a Singaporean sniffer for nothing. Don't let the vision be shot through with holes, but be damn sure some of your best and brightest are shooting at it -- with bazookas as well as sniper's rifles. The sniper's mindset and experiences, with common themes including the precision and finality of their role ("One shot, one kill"), the burden of the lives taken . It's not the people you saved that you remember. It's the ones you couldn't save, and a deep commitment to protecting their country over personal choice. You've lived the literal meaning of the ‘land of the free’ and ‘home of the brave.’ It’s sounds corny. When you feel it in your heart. You will feel it in your chest.
Si Reese naman ay sobrang nag-alala at nataranta sa posibling mangyayari sa kanyang nag-iisang kapatid na lalaki. Para siyang tinamaan ng mahika na biglang nawala ang lagnat. Dahil sa kanyang pagpa-panic si Justine ay hindi na halos makakapagfocus sa pagmamaneho ng kanyang sasakyan.
“Eloira Terrence Reese Agapay Mojor can you please calm down. Here's a 45 caliber take it with you and shoot who ever you want.”napataas boses na saad ni Justine.
“What? Are you crazy? Paano ko paputokin yan? Bakit may ganyan ka dito sa sasakyan mo? Are you a cop?”sunod-sunod na tanong ni Reese.
“Nope! I'm a criminal or shall we say I'm your abductor. Humanap lang ako ng tyempo para kidnapin ka. At sa araw na ito nakatadhana ang aking pagkidnap sayo.”saad ni Justine.
“Baliw ka! Samo't saring kaba na nga ang narararamdaman ko para sa kapatid ko tapos kung anu-ano pa ang mga sinasabi mo dyan. Demoñetong baril yan baka makalabit ko pa dyan sa ulo mo,”sabi ni Reese sabay hagis ng baril ni Justine sa back seat ng sasakyan. Si Justine naman ay malakas na napahalakhak sa ginawa ni Reese.
“Tumigil ka sa paghalakhak mo baka maaksidente pa tayo. Para kang tanga dyan, nasa gitna na nga tayo ng problema nakuha mo parin na humalakhak. Seryoso na nga ang takot ko nakuha mo parin na magbiro.”maktol na saad ni Reese.
“Biglang nawala ang lagnat mo mahal. Hindi maso-solusyonan ang problema kahit magwala ka pa o magpapanic. Trust Galanza's team dahil naroon na sila ngayon sa location.”pagpapakalma ni Justine kay Reese.
Hindi nalang kumibo pa si Reese sa halip ay taimtim napang na nagdadasal para sa kaligtasan ng kanyang kapatid.
Pagdating nila sa location nagkumpolan na ang mga tao. Agad na bumaba si Reese ng sasakyan at agad na sumuot sa kumpolan ng mga tao. Nakahilera ang limang bangkay at ang iba pang mga armado ay kinaladkad ng mga autoridad. Hinanap niya ang kanyang kapatid dahil hindi niya ito nakitang lumabas.
“Nasaan si Grey? Nasaan ang kapatid ko? Grey, grey where are you? Demoñetong labubu hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sayo. Eyyy hayop ka sinong nag-utos sa inyo na patayin ang kapatid ko huh?”sigaw ni Reese sabay sipa sa mukha ng isang armado.
“Ikaw bakit hindi ka pa natudas yawa ka.”galit na sabi ni Reese at sinabinutan ang isa pang armado. Hinila siya ni Justine pero hindi niya ito maawat. Naisip ni Justine na lumalabas pala ang katapangan nito kapag pamilya na ang sangkot.
“Reese enough! Huminahon ka, baka nasa loob pa si Grey. Guys nakita nyo na ba si Attorney Lorenzo Grey?”tanong ni Justine sa mga tauhan ni Axel.
“I'm here bayaw!”sigaw ni Grey.
Si Reese naman ay parang paslit na agad niyang tinakbo ang pagitan nila ni Grey. Niyakap niya ito ng mahigpit at umiyak.
“Nawala yata bigla ang lagnat mo ate Eloira Terrence Reese Agapay Mojor.”pang-aasar ni Grey sa kanyang ate. Kapag nagbardagulan sila binibigkas ni Grey ang kasing haba ng train na pangalan ng kanyang ate. Hindi umimik si Reese at patuloy lang na umiiyak habang nakasubsob sa dibdib ng kanyang kapatid.
“I'm fine ate walang masamang nangyari sa the one in only brother mo. Bayaw thank you sa back up na ipinadala mo. Tuloy ang laban, mas lalo lang nila tayong binigyan ng dahilan para tumibay ang ating ebidensya. Salamat sa kabobohan ng ex mo dahil siya na ang gumawa ng paraan para mabubulok siya sa kulongan”saad ni Grey.
“What do you mean?”reese asked.
“Ako na ang bahala sa lahat ate, umuwi na kayo sa bahay at magpahinga ka nalang muna. Deritso na ako sa supreme court para sa kaso ni papa and the additional case para sa demonyo mong ex. Sisiguraduhin ko na mabubulok sa kulongan ang hayop na doctor na yon.”galit na sabi ni Grey.
“Abo ano ba? Linawin mo kasi ang lahat para maintindihan ko. Si Denver ba ang nag-utos sa mga iyan para patayin ka? Mga tauhan ba niya ang mga demonyong yan?”taong ni Reese.
Tumango naman si Grey bilang sagot. Nanggigil naman si Reese sa kanyang nalaman.
“Ipakulong mo ang hinayupak na yon Grey. Huwag mong bigyan ng chance para makapag-pyansa. Hayop sila mga walanghiya, mga kriminal na mag-ama.”si Reese.
Nang makitang mailing short lang pala ang suot ni Reese. Agad na pinasakay ni Justine sa kanyang sasakyan ang na high-blood na nobya. Litaw na litaw ang kaputian nito na parang bang diwata. Agad niyang pinasibad ang sasakyan at binaybay ang daan patungo sa bahay nila ni Reese.
“Okay ka na mahal?”tanong ni Justine.
“Paano ba ako magiging okay kung ang kapatid ko ay nanganganib pala ang buhay. Alam mo ba yung pakiramdam na halos mahimatay ka na rin sa kaba. He is our everything, he is the one who give us strength.”naiyak na saad ni Reese.
“God is great mahal at hindi niya pinabayaan ang kapatid mo.”pang-aalo ni Justine sa kanyang nobya.
Nang makatulog si Reese, umidlip na rin si Justine sa may coach sa sala ng bahay nila ni Reese. Ayaw niyang iwanan itong mag-isa dahil baka ito na naman ang pupunteryahin ng mga armado. Justine imagine the story between Reese family and their enemies. He murmured “Makapangyarihan pala ang mga kinalaban ng mga ito. Sobrang sakit naman isipin na kaibigan pa talaga ng kanilang ama ang kumitil sa buhay nito. At naging boyfriend pa ni Reese noon ang anak ng kriminal. What a f*ck.”
Si Grey naman ay agad na naghain ng warrant of arrest laban sa anak ni Deoscoro Mercado.
Nang dahil sa pera iilang buhay ang nasawi sa sagupaan kanina. Wala nang choice ang ibang sugatan na kriminal kundi ang aminin kung sino ang mastermind. May mga taong kumakapit nalang sa patalim para makaahon sa kahirapan. Gumagawa ng masama para may maipakain sa pamilya. Maging buhay man ang kapalit ay hindi na inalintana.
Nang dahil sa nangyari kinansila ng korte ang final hearing para sa kaso ng ama nila ni Reese. Grey re- schedule the hearing and he requested na sabay na ihaharap ang mag-amang kriminal. Ang mga gumagawa ng krimen ay dapat na harapin ang kabayaran ng kanilang kasamaan.
Pagkagising ni Reese ay gabi na at hindi pa dumating si Grey. Kaya dali-dali niyang tinawagan ang kanyang kapatid. Nang sabihin nitong nasa bahay sila nang mga Mercado para arestohin ang ex boyfriend ni Reese. Agad namang nag-alburuto at kumukulo ang dugo ni Reese.
Naligo si Reese para gumaan ang kanyang pakiramdam. Agad na nagbihis ng damit at lumabas ng silid. Ang akala niya ay umuwi na ang kanyang nobyo. Nakita niya itong nasa kusina at busy sa pagluluto. She's amazed nang makita si Justine sa ganung position. Walang suot na t-shirt at naka-apron lang. Pokengena naka boxer short lang din si Hercules. Ang umbok ng puwet daig pa ang mga nagpa-wetpu surgery.
“Matutunaw na ako niyan Mahal, titig mo nakakalusaw tseee manyak.”seryosong saad ni Justine.
Laglag panga naman ang naging reaction ni Reese. Ang g*go tinawag siyang manyak.
“Natulo na laway mo Mahal, ganyan na ba talaga ako ka yummy sa paningin mo? Ice cream yummy, ice cream good,”sayaw pa ni Justine.
“Baliw!”sabi ni Reese at umupo na sa lamisa. Ngunit sa kaloob-looban niya kinilig siyang masyado. Gusto niyang tumili, maglupasay sa kilig. Lalo na kapag naalala niya ang kanilang pagnanaig noong isang araw.
“I love you doc!”bulong ni Justine.
“Ay kant*t!”gulat na reaction ni Reese.
“Sabi ko na nga ba eh minamanyak mo na ako dyan sa utak mo mahal ko. Nakailang rounds ng kan2t na kaya tayo Mahal? Di ba ako napagod ng husto? Haiissttt sakit ng balakang ko sa push and pull mission natin mahal.”nagdadramang saad ni Justine.
“Siraulo ka uy, bantot yong sinabi ko,”depensa ni Reese.
“Hahahaha malinaw na malinaw sa pandinig ko Mahal. Super loud and clear na Kan2t ang sinabi mo. Okay lang yan Mahal, after ng dinner natin tutuhanin natin ang nasa imahinasyon mo.”pang-aasar pa ni Justine.
“Baliw ka na, tumigil ka dyan uy,”namumula ang mukha ni Reese.
Napahalakhak lalo ng malakas si Justine....