chapter 9 bardagulan at pikonan

1742 Words
Reese pov After a long process at ang paglipad-lipad ko mula Pilipinas patungong Singapore and vice versa dahil sa aking trabaho. Magumpay naming nakuha ang hustisya para kay papa. To celebrate our victory umuwi sina mama at Jade dito sa Pilipinas. Kakauwi lang nila mama at Jade noong isang araw galing Singapore. Grabeh ang iyak ni mama nang i-anunsyo ng judge na makukulong ng habangbuhay ang ama ni Denver at si Denver naman ay makukulong ng 30 years dahil sa pagiging mastermind o pag-utos na kitilin ang buhay ng aking kapatid na si Grey. Dahil kompleto ang mga ebidensya na nailatag ni Grey. Judge of Supreme Court ng kampo crame na mismo ang nagbigay ng mabigat na hatol sa mag-ama. Humingi pa sa amin ng kapatawaran ang mataas na opisyal ng camp crame dahil sa pagbasura ng kaso ni papa noon. Bukod sa mag-ama naipakulong din ni Grey ang tatlo pang kasabwat sa krimen. Nangyari na ang mga pangyayari, iilang taon na ang lumipas na nawalan na kami ng ama. Wala ng silbi kong patuloy kaming magtatanim ng galit sa mga opisyal na hindi nag-imbestiga ng maayos sa kaso ni papa. At least ngayon nakuha na namin ang hustisya na deserve na makamit ni papa. Pagkatapos ng hearing umuwi kami kaagad dito sa Zambales para dalawin si papa. Dito na rin namin napagplanuhan na magbigay ng konting salu-salo sa mga kamag-anak at mga dati naming kapitbahay noon. Sakto din ang pag-uwi nila ni mama dahil ikakasal ulit sina Zhykher at Lessery. Magaling na si Tito Mhiel at nakapagpatawaran na ang dalawang kampo kaya maayos na ang lahat. “Ate ang bagal mo naman, sementeryo ang pupuntahan natin hindi miss universe pageant.”sigaw ni Rexine Jade. Pokengena mo Rexine tumatae pa ako eh ang ingay mo umuurong tuloy pabalik sa loob ng bituka ko ang pokengenang tae. “Bunganga mo ate Reese naririnig ka ni kuya Justine yuckkk,”ngiwi ni Jade. Kasalanan mo dahil ang ingay mo kaya. Nawala na hindi na madala sa pag-eri ang hinayupak na tae. Paano kapag inabutan ako ng pagtatae sa sementeryo. Do you want me to poop aside like a dog? “Diyos ko naman Eloira mahiya ka naman anak. Naririnig ng boyfriend mo ang kabalahuraan ng bibig mo. Pagpasyensyahan mo na ang bunganga ng panganay ko hijo. Ganyan lang talaga yan kapag naiinis o nagagalit.”narinig kong saad ni mama. Pahgkalabas ko ng washroom ang gaga kong kapatid ay tawa ng tawa. Huwag kang lumapit sa akin Jade dahil sisiguraduhin ko na pati tinggil mo mabubunot ko. “Eloira Terrence Reese Agapay Mojor!”sigaw ni mama. “Umandar na ba ang train ma? Arat na baka ma late na tayo. Baka magtampo na si Papa dahil hindi kaagad tayo nakarating sa puntof niya.”si Grey. Sa inis ko kinuha mo na ang aking sling bag at lumabas ng aking silid. Butas na pantalon ang aking suot at naka-white t-shirt. Kinuha ko ang aking white Adidas para isuot. Nakatingin lang silang lahat sa akin at pinapanuod ang aking galaw. What? Tara na alis na tayo, late na tayo di ba?. “Hindi ka magsusuklay?”tanong ni mama. Hindi na po maganda ang bagong style na ganito. Mas lalo kong ginulo ang aking buhok. “Malas mo bayaw minsan ka nga lang nagka-girlfriend sa may sayad pa hahaha,”natatawang saad ni Grey. Lumabas na ako ng bahay dahil naiinis na ako lalo sa mga pang-aasar nila. “Rexine pakidala nalang ng suklay, Sa sementeryo nalang natin sulayan ang ate mo. Baka may regla kaya mainit masyado ang ulo.”si Justine. “Napurnada ang paglabas ng ulo ng kanyang tae kuya kaya mainit ang ulo ni ate.”si Jade. Pinagtatawanan na naman nila ako, they are teasing me. Hindi na ako umimik pa para tumigil na sila. Kalaunan ay kumalma na rin ang pang-aasar nila hanggang sa makarating kami sa flower shop. Bumili si Justine at Grey ng bulaklak at kandila para ialay sa puntod ni papa. “Ate balita ko sobrang yaman ng boyfriend mo. Hindi ka ba natatakot na baka matapobre ang mga magulang niyan. We had brain but we don't have wealth.”si Rexine. Kung ayaw ng mga magulang niya sa akin hindi ko naman siguro kailangan na ipagsiksikan ang aking sarili na tanggapin nila. “Paano kapag mahuhulog na ng husto ang loob mo kay kuya Justine ate?. Paano kapag iniwan ka nalang sa eri. Ate ayaw lang namin na maulit ang ginawa ni Denver sayo. Mabuti nalang noon at nariyan si mama nakinig ka sa payo niya kaya naka- move on ka,”saad pa ni Jade. Eh di makikinig ulit ako kay mama kapag maulit uli ang nangyari noon. Nariyan naman palagi si mama best advicer natin, di ba ma? “Oo naman nandito lang ako pero sana naman huwag nang maulit ang nangyari noon anak.”si mama. “Ate huwag mong isuko ang bataan para kapag hindi kayo ang itinadhana buo ka parin,”si Jade. Pokengena naisuko ko na ang Zambales. Kung alam nyo lang na makakain na ako ng hilaw na saging kamumuhian nyo kaya ako? Kalaunan dumating na ang dalawa na may mga bitbit na bulaklak at kandila. Binabaybay na namin ang daan patungong sementeryo. Matagal na rin pala akong hindi nakadalaw sa puntod ni papa kahit nasa Zambales. Marami ng mga pagbabago pero nanatili parin ang pagiging sariwa ng paligid. A greenery surroundings, a wide rice fields at ang mga pananim na nasa gilid ng daan. “Gusto ko talaga dito sa probinsya kaysa crowded na syudad. Dito walang libo-libong sasakyan na nag-iingay. Payapa kang makakapag-isip kapag stress ka sa buhay. Totally a province is healing place, a peaceful place to relax,"si Justine. “Pero palagi ka naman sa Manila dahil sa negosyo mo, di ba?”tanong ni Grey. “Oo pero hindi ako nagtatagal, pagkatapos ng aking mga transaction o ma-check ang aking negosyo lumalayas kaagad ako. Kung saan ang site ng minahan most of the time doon Ako tumatambay. And you know when I saw poor people in the mountain na nahihirapan sa pamumuhay nila isinama ko sila sa mga mabibiyayaan ng aking mga proyekto. Most of them walang supply ng tubig. Ang layo ng pinagkukuhanan nila ng tubig. Gumagamit pa sila ng kabayo o kalabaw na may cart para makapag-igib ng tubig. My project aside of libreng pabahay. Sa bundok mismo may malaking submersible pump ako na pinagawa para maging supply ng tubig pababa ka buong nayon.”kwento ni Justine. “Di ba kailangan ng kuryente yon para i- operate?”tanong pa ni Grey. May linya ng kuryente syempre at pwedi nilang gamitan ng generator gamit ang diesel. At dahil hi-tech na tayo available na ang solar panel na ginagamit kapag summer season.”saad pa ni Justine. “Wow ang galing mo talaga kuya, sana all. Ano ate impress kana sa performance ni kuya Justine?”jafe asked. Bakit sinisingit moko sa usapan ninyo? Nanahimik ako uy kaya huwag kang ano dyan. “Uy nanahimik daw pero panay ang silip kay kuya Justine na nagmamaneho ng sasakyan. Opppssss huwag kang denial the dahil may live video akong ebidensya. Grabeh ang daming naka-like at comment oh.”sabi pa ni Jade. Ako raw? Agad kong inilabas ang aking cellphone para tingnan ang sinabi ni gagi. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. “Rexine Jade Agapay Mojor bwesit ka, anong pinaggagawa mo?”sigaw ko. Halika ka dito at ng masabunutan na kitang nauyong ka. Apay a nag-live-ka?(bakit ka nag-live?) Maagka, sika a maag a kabsat.(bwesit ka, siraulong kapatid). Silang lahat ay humahalakhak pa na mas lalo kong ikinainis. “Legit na galit na si ate Reese. Once na naging Ilocana na ang salita niyan ibig sabihin umakyat na dugo niya sa bunbonan.”si Grey. Nang makarating kami sa sementeryo agad na akong bumaba ng sasakyan at nagmamadaling naglakad patungo sa puntod ni papa. “Uy ate, tumulong ka naman. Pambihira naman oh bakit naging pikonin kana ngayon.”si Grey. Bahala na kayong magbuhat, ginalit ninyo ako kaya magdusa kayo. Hi papa good day po, kumusta kana po? Nagtatampo ka po ba dahil matagal akong hindi nakadalaw sayo? Sorry na po papa, and you know naman siguro kung ano ang inaasikaso namin ni Grey. Magaling na lawyer ang junior mo papa. Masaya ka na po di ba dahil nakamit mo na ang iyong hustisya. I'm sorry papa kung natagalan man ang pagbukas ng iyong kaso. Siguro sadyang itinadhana ng diyos na anak mo mismo ang mag-uungkat ng mga itinatago nilang baho. Hawak ko na pala noon ang ebidensya pa kaso nabulag ako. After a long years of resting or living a single life may boyfriend na ako. Kaso bilyonaryo pala masyado pa baka hindi ako magustuhan ng parents niya. Mabait naman siya at kaibigan siya ni Zhykher. Siguro naman po ay hindi ako pababayaan ng pinsan ko. Gwapo siya di ba pa? Pero don't make tampo mas higit na gwapo ka po papa ko. Kami ang patunay na gwapito ka po dahil maganda ako at gwapo si Grey di ba pa? “At ako??? Bakit kayo lang ni kuya Grey ang gwapo at maganda. How about me? Mukha ba akong palakang bukid? You're so mean ate huh nakakasakit ka ng damdamin. Pa look at your eldest daughter oh, palagi niya akong binu-bully. Maganda naman si Mama at kamukha ako ni mama. I'm not belong as maganda group po ba? I know pa she is making gante kasi she's so inis with me dahil nag-live ako na sumisilip-silip siya sa boyfie niya. Nga pala pa mamamanhikan na daw si kuya Justine kaya he is with us para magpakilala sayo. Look at him pa he is a perfect example of TWH.”sabi ni Jade. “Anong TWH Rexine? Tuesday, Wednesday at Huebes?”si Grey. Ako na seryoso napatawa na rin sa kalokohan nila. “Tall, White and Handsome ang ibig sabihin nun kuya.”sagot ni Rexine. “Hay naku ang dami ninyong mga alam na kalokohan. Puro bardagulan tapos minsan nagkakapikonan.”si mama. Inilatag na niya ang dala naming mat. Tsaka naman nila inilapag ang mga dalang pagkain. Mabuti nalang at dito sa puntod ni papa may malaking puno sa gilid na nagsisilbing takip sa araw. Though open place naman ito at malayang humahampas ang preskong hangin kaya hindi mainit. We love you papa so much....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD