Third person pov
Naging maayos naman ang dinner date nina Reese at Justine marami silang pinag-uusapan. Naikwento ni Reese na may naging first boyfriend siya when she was in college. Ngunit hindi maganda ang naging kwento sa likod nito.
Flashback....
Nasa university kami parehong nag-aaral noon, crush na crush ko siya that time. Siya si Denver Mercado, gwapo at matalino habang ako babae na malnourished. Kapag hinihipan ng hanging habagat tiyak sabay na lilipad. Nahahalata nilang may gusto ako doon sa prinsepe ng classroom namin dahil sa panay ang pag-iwas ko sa kanya. Doon na rin nagsisimula ang pambu-bully sa akin ng ibang kababaihan na nagkakagusto rin sa kanya. Kesyo ang taas daw ng pangarap ko, kesyo nanaginip daw ako ng gising. Kesyo ambisyosa daw ako masyado na to the point para ako ang beast at si Denver Mercado ang beauty.
Palagi nila akong sinasaktan, pinagkaisahan at pinapahiya. Hanggang sa umabot na hindi ko na kinaya at gusto ko ng mag-drop out sa unibersidad na yon. Kinausap ako ng papa ko na huwag huminto kasi graduating na nga daw ako. Pinanghahawakan ko ang hiling ng aking ama bago siya maaksidente. Ewan ko ba kung aksidente o sinadya siyang patayin ng araw na iyon. Wala kaming kalaban-laban kaya nahinto ang investigation at binasura ng korte ang kanyang kaso.
Ayon nanatili ako sa university na yon at hindi ko inaasahan na isang araw ipagtanggol ako ng aking crush. Naging close kami, sinasama niya ako kapag nagmemeryenda sa canteen. Sabay kaming nag-aaral at gumagawa ng mga projects. Saka ko lang nalaman na sundalo din pala ang ama niya at magkaibigan ang papa niya at papa ko. Wala nang nananakit pa sa akin at ang mga kaklase kong gusto siya ay hindi na rin nakapalag pa. Lahat ng projects niya ako ang gumagawa. Ang mga assignments niya ako rin ang gumawa. Ang mga gamit niya ako ang nagkanda ugaga na bitbitin.
Kapag kami lang ang magkasama palagi niya akong pinupuri. Maganda daw ako, matalino, mabait, madiskarte sa buhay. At maswerti daw siya kapag naging girlfriend niya ako. At ako namang si bal!w ang malànd! tuwang-tuwa sa mga papuri niya. Bago mag valentines day naging kami. Binigyan niya ako ng mga bulaklak at gold bracelet.
Ngunit kinabahan ako ng husto nang makita ko ang bracelet na ibinigay niya sa akin. Pamilyar kasi sa akin ang bracelet na iyon. Alam kong nawala iyon dahil hindi na namin yon nakita sa kamay ni Papa. May number na nakalagay sa ilalim nito at ang number na yon ay ang aking kapanganakan bilang panganay nilang anak.
I was puzzled that time kung bakit nasa kanya ang bracelet na iyon. Dahil nga sa tanga ako at nabulag sa pesting pag-ibig. Binaliwala ko nalang ang mga agam-agam na naglalaro sa aking utak. Sabi ko nga maaaring nagkakataon lang ang lahat. Pero mas naisip ko na baka sinadya niyang bilhan ako ng bracelet at pina- engraved pa talaga ang pangalan ko. Mula sa pagdududa napalitan na kakiligan ang aking nadarama. I'm so happy at naka-move on ako kaagad sa sakit ng pagkamatay ng aking ama. I thank God because he send me an angel para pawiin ang aking lungkot. Everything was fine at nagawa ko ng maayos ang mga projects at thesis namin for final. Masaya kaming magkasama at sinusundo niya ako mula sa bahay namin. Pauwi din ay hinahatid pa niya ako, madalas sabay kaming nagmemeryenda sa hapon bago siya umuwi sa bahay nila. Naipakilala ko na siya sa aking mga kapatid at Ina bilang kasintahan. Kaya tuwing hapon nakasanayan na ni mama na magluto ng mga kakainin at iba pa para sa aming meryenda. Nababaitan si mama sa kanya dahil magaling siyang magbiro, I mean nakuha niya ang loob ni mama. Pati ang aking mga kapatid masayang nakikipag biruan sa kanya.
Before our final exam kinausap niya ako nang masinsinan. Sinabi niya na makikipaghiwalay na siya sa akin. Inamin niya na hindi siya seryoso dahil mas mahal niya si Amber Guanzon kaysa sa akin. Crush na crush niya ang campus university queen namin. May boyfriend na ito kaya ako ang naisipan niyang maging panakip butas. Nang malaman niyang hiwalay na ito sa boyfriend gusto niya akong hiwalayan para ligawan si Amber. Isang balita na nagpaguho sa aking masayang mundo. Isang kwento na gusto na niyang wakasan dahil hindi naman ako ang tunay niyang minahal.
Nakakapanlumo, nawawalang ako ng lakas hindi nakaimik dahil sa labis na pagkabigla. Mga katanungan na nag-uunahan sa loob ng aking utak para malaman ang kasagutan.
Bakit ako?
Bakit kailangan na ako ang gamitin?
Bakit ako pa ang sinasaktan at pinagkaisahan ng tadhana?
Anong kamalian ang nagawa ko sa aking buhay para maranasan ang lahat ng mga pasakit?
Ang taong naging gamot sa puso kong sugatan noon ay siya namang dobleng nagbibigay sakit at humiwa ng pinong-pino sa puso ko ngayon. Nag-uunahan sa pag-agos ang aking mga luha at hindi na ako nakakibo pa. Nauna siyang umalis habang ako ay nakatingin lang sa kanyang unti-unting paglayo. Hindi lumingon at patuloy na naglalakad hanggang sa tuloyan ng lumisan ang kanyang pigura.
Saka ko na pinakawalan ang aking hagulhol.
Nang mahimasmasan ay tumayo na ako at naglalakad patungo sa sakayan ng tricycle. Wala sa wisyo at hindi pinapakinggan ang mga sinabi ng driver. Sinigawan na niya ako para itanong kung saan ako bababa saka ko pa lang napagtanto na malapit na pala ako sa bahay namin. Bumaba ako sa tricycle at nagbayad. Dumeritso na ako sa aking silid at nagkulong. Ikinulong ko ang aking sarili at doon ko na mas lalong pinakawalan ang aking mga luha. Gusto kong anurin ang lahat ng mga pasakit na bumara sa aking puso. I'm totally broked that time to the point na gusto ko nang mamatay.
Hatinggabi kinatok ako ni mama ko nag-aalala siya dahil hindi pa daw ako nahhapunan. Nakikita niya na mugto ang aking mga mata. She asked me kung ano ang nangyayari sa akin. Wala akong ibang choice kundi ang sabihin sa kanya ang katutuhanan. Kasabay ng pag-agos ng aking luha sa bawat kataga na aking binigkas. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni mama. Alam kong masakit din sa isang ina kapag nakikita na nasasaktan ang kanyang anak. Hindi ako sinasukoan ni mama, buong gabi niyang pinaintindi sa akin na huwag sumuko sa huling laban. Matagal ko nang pinangalagaan ang aking position bilang dean lister. Baka daw taktika lang ito ng kabilang panig para agawin ang aking position. Tinuruan niya ako kung paano lumaban kahit masakit at mabigat sa aking kalooban ang mga nangyari. She said, “You lost your father already, don't let anyone to check mate your position as a queen of this battle. Ikaw na ngayon ang ama ng tahanan kapalit ng yumaon mong ama. Kailangan kita Reese bilang katuwang ko sa buhay. Kailangan ka ng dalawa mong kapatid para maging kanilang ama. Tandaan mo na para sa akin kayo ay sapat na. Hindi ko na kailangan ng bagong lalaki para itaguyod kayo. Graduating kana Reese, konti nalang doctor kana kaya huwag kang sumuko. Hindi mo deserved na masaktan. Isaisip mo nalang din na si Denver ay hindi niya deserve na magkaroon ng mabait na babae sa buhay niya. Ang diyos na ang gumawa ng paraan para paghiwalayin kayo.”
Natauhan ako sa sinabi ni mama, I realized that everything was in purpose. Kinabukasan hindi ako nakapasok dahil pangit ang aking hitsura. Para kasi akong kinagat ng bubuyog. Bigla akong naging Chinese citizen kinaumagahan. Syempre iniisip nila na labis akong nasaktan pero totoo naman talaga.
Sa susunod na araw na ako nakapasok at sa araw na ng exam pa. Walang imik at hindi tumingin sa paligid dahil nandidiri ako na makita si Denver Mercado. Yung ibang mga kaklase ko kinakausap nila ako at tinatanong pero wala silang nakukuhang sagot. Bago magsimula ang exam may sulat na inabot sa akin ang kaibigan kong si Xyrel. Nakasaad sa sulat na plano pala ni Amber at Denver ang lahat dahil gusto nila akong mawalan ng focus sa exam. They attacked me emotionally, ibig sabihin sinadya akong saktan ni Denver para mawalan ng focus sa examination na gagawin. Aksidenteng narinig ni Xyrel ang pag-uusap nila dahil sa hindi ko pagpasok. Nangako pala si Amber na sasagotin niya si Denver kapag napabagsak ako ng lalaki.
Nang mabasa ko ang sulat nag-init ang aking buong sistema. Gusto kong lumunok ng buhay na tao. Nag-uumapaw ang galit na aking nadarama dahil sa aking natuklasan. Dumating ang professor para sa aming exam I asked him na sa harapan ako uupo. Nagtaka man ay pumayag na rin, gusto kung makita nilang dalawa na hindi sila nagtagumpay sa kanilang layunin na ako'y sirain. Nais kong makita nila na ang aking position ay mananatiling akin hanggang sa huli. Lalabas ako ng University na ako ang mangunguna. Silang dalawa ang tanggalan ko ng focus sa examination. Mabilis akong nakasagot dahil sa galit ko lahat ng aking inaral ay nagsipasukan sa loob ng aking utak.
Pagkatàpos kong masagutan ang lahat nakaupo parin ako sa harapan at tinitingnan sila. Nakikita kong hindi mapakali sina Amber at ang ex kong si Denver na walang bayag. Lumabas yata sa loob ng ulo nila ang kanilang mga inaral. Kinuha ng aming professor ang aking papel. Tiningnan niya ang aking mga kasagutan. Ngumiti at inilagay niya ito sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Patuloy kong ginawa iyon hanggang sa matapos ang examination namin. Lintik ang walang ganti Denver Mercado. Maganda ang kinahihinatnan ng hindi ko pagpasok kahapon. Pinahugasan ng diyos ang aking utak sa pamamagitan ni mama. Buong araw kasi akong kinausap ni mama at pinaintindi sa akin ang mga nangyayari at ang maaari pang mangyari sa future. Nakakatulong din ang pagtawag ni tita Malou sa akin. Isang magandang balita ang kanyang hatid na nagpapabigay sa akin ng excitement. Pagkatàpos ng aking exam kailangan ko nang ayusin kaagad ang aking pasaporte para mag-join sa hospital ng asawa ni tita Malou. Napaka dakila ng diyos dahil hindi niya ako hinayaan na tumigil nalang kung saan ako natumba dahil sa biglaang paghampas ng malaking unos sa aking buhay. He give me a reason to continue kahit mahirap.
End of flashback.....
Pagkatàpos na magkwento ni Reese napatango naman si Justine.
“Congration Reese dahil naging matapang ka at nalampasan mo ang pagsubok na yon. After that break- up nagkaroon ka ba ng ibang boyfriend?” Justine asked her.
“Nope! Na trauma na ako at naka focus na rin kasi ako kina mama at sa mga kapatid ko. Hinihintay ko nalang na gumalaw ang tadhana at gumalaw ang crush ko.”natatawang saad ni Reese.
“May crush ka? Sino?”napataas ang boses ni Justine.
“Secret! We're not close to let you know. Tara na uwi na tayo baka isipin na nilang lahat na nagtanan na tayo.”natatawang sabi ni Reese.
Si Justine naman ay malungkot ang hitsura na tumayo at sumunod kay Reese.