chapter 3 Justine's stalker

1862 Words
Reese pov Actually ang kaharap ko mismo ang super crush ko. Simula nang makita ko ang mga larawan nila ng aking pinsan na si Zhykher nakuha niya ang aking attention. Sa totoo lang sa personal diary ko may mga larawan niya doon. Lahat ng mga post ng pinsan ko sa social media na kasama siya pinapa-print ko ang mga larawan niya. Stalker niya ako sa i********: niya at nakasubaynay sa bawat post niya. Top fan ako ng page niya at top subscriber din ako sa you tube channel niya. Okay fine call me obsessed, pero anong magagawa ko kung siya ang napili ng mga mata ko na maging crush. Palihim akong kinikilig nang makita ko siya. No'ng napagkamalan ako ni Lessery na babae ni Zhyzhy at sinugod nila akong lahat. Naaksidente si Zhykher nun at ako pa talaga ang pinagbintangan nilang magkaibigan. Imbis na magalit nangingibabaw pa ang kilig ko. Yung tipong parang wifi ang tinggil ko kumikipot-kipot dahil malapit lang ang connection adopter. Call me crazy pero ganun talaga ang nararamdaman ko mama marya. “Earth on ate Reese dear God! Hoy ate Reese kanina pa kami tawag ng tawag sayo bakit ba parang lutang ka. Grabeh waring nagayuma ka ni pareng Justine at ganyan na kalala ang iyong pagkatulala.”si Clea. “Nag-chuchu na po ba kayo ate Reese? Di naman siguro kayo nag-check in doon para mag-ana-ana kayo di ba?”si Afsheen. Mga gagi talaga itong mga babaeng ito ang kukulit pala nila sa personal. Preno nyo mga bunganga nyo ang bastos eh. “Ramdam namin ang kilig mo ate Reese lalo na ang ebidensya ng pamumula ng iyong malarosas na pisngi,”si Gracey. “Kumusta ang date ninyong dalawa ni Araneta ate Reese? Pasok ba sa panlasa mo ang pagiging badass minero ni pareng Justine.”tanong ni Afsheen. Badass Minero? Ano ba ang ibig sabihin ng sinabi mo? “Bukod sa nag-iisang tagapagmana ng mga Araneta yan. May sariling Resto bar at malaking Mining Gold Company yan. Mukha lang gangster yan pero matibay ang loob niyan para magmina ng kk este ginto.”saad ni Afsheen. “Tara joyride tayo, sulitin na natin ang ating pagbisita dito sa UK,”aya ni Clearose sa amin. Kaya agad kaming lumabas para mag-ikot. Magandang idea na rin yon. Kasama din namin ang mga anak ni tita Malou na sina Zhin at Zheanna. Ako ang personal yaya ng dalawang ito pero maswerti ako sa mga ito dahil sobrang napakabait. They respect me as their real ate. Sa awa ng diyos public lawyer na ang aming kapatid na si Atty. Lorenzo Grey Agapay Mojor. At nakapagtapos na rin ng CPA ang bunso namin na babae na si Rexine Jade Agapay Mojor. Tapos na ang mission ko bilang ama nila. Napagtagumpayan ko na itaguyod at pagtapusin sila sa kanilang pag-aaral. I'm sure papa is proud of me at si mama din ay mas lalong natuwa sa mga achievement namin. Panay na ang kumbinse niya sa akin na oras na daw para sa aking sarili. Gusto na niya akong pag-asawahin para daw may makakalaro na siyang mga apo. Minsan naisip ko tuloy na baka sawa na si mama sa pagmumukha ko charrr. Sabi ko nga sa kanya na si Grey ang pakiusapan niya lalo na at lawyer na ito sa Singapore. Baka kako gusto ni Grey na asawahin ay Singaporean. Ang magaling kung kapatid naman ay nais daw muna niya na makapagpahinga si mama bago siya mag-asawa. Salit-salitan kaming tatlo na ipinapasyal si mama sa ibang bansa. No'ng vacation ko dinala ko si mama sa Europe. No'ng vacation naman ni Grey inikot niya si mama sa America. Nang one year na si Jade sa trabaho niya nag-vacation leave siya at ipinasyal niya si mama sa Russia. Kung buhay palang sana si papa tiyak na matutuwa iyon lalo na at kompleto kami. “Ate Reese di ba may kapatid kang lalaki?”tanong ni Lerian. Oo meron kaso umuwi bigla sa Pilipinas eh. We invite him na umattend sa kasal ni Zhyk, pero ang sabi importanteng kaso daw siyang tinutukan. Ipapaalam daw niya sa amin kapag may matibay na siyang lead. Naisip ko nga na baka sindikato between Pilipinas at Singapore ang hawak niyang kaso. Worried na nga si mama dahil katulad daw kasi ni papa si Grey na ayaw makinig sa mga payo ng kahit kanino. “Paano mo naman nalaman na may kapatid na fafables si ate Reese? Hindi kami na inform na stalker kana pala ngayon Lerian.”si Gracey. “Hahaha hindi ako stalker ate Gracey. t****k seller po ako, negosyo ko ay nasa online.”si Lerian. “Ay oo nga damo kana kwarta Dai, baka naambon na dyan account mo. Bago bumuhos ang limpak-limpak na unos mong salapi ambonan mo na rin kami,”si Gracey. “Ate Reese magkaedad lang kayo ni pareng Zhykher di ba. Bakit hindi ka pa nag-asawa?”tanong ni Clea. Isang buwan lang naman ang agwat naming dalawa. Maloko lang talaga si Zhyk kaya palagi niya akong inaasar na ate. Simula nang magkasama kaming nagtrabaho bilang doctor sa Singapore naging close na kami. Priority ko kasi ang pagtulong sa aking mga kapatid kaya isinantabi ko muna ang buhay pag-ibig. “Wow ang bait mo naman po ate Reese, so kami na talaga ang mga malandutay dahil ang bilis naming nagsipag-asawa hahaha,”si Afsheen. Hindi naman siguro sa ganun, sadyang nahanap nyo lang ang mga meant to be ninyo kaya maaga kayong nakapag-asawa. Nagkataon lang na hindi ko pa oras kaya single parin ako hanggang ngayon. “At malay natin baka ngayon na ang oras mo ate Reese. Baka gumalaw na ang tadhana para puso mo'y makahanap ng taong mag-aalaga. Bit mo na ba si pareng Justine Araneta ate kung sakaling ligawan ka niya?”tanong ni Clea. Hindi ko bit ang mga mayayaman dahil kadalasan ang mga pamilya ng mga yan mayaman din ang gusto nila para sa mga anak nila. “Hindi lahat ng pamilya ganyan ang mindset ate Reese. But, I think mapagmataas ang pamilya ni kuya justine.”si Lerian. Paano mo naman nasabi yan? Hindi ba friendly ang pamilya ni Justine sa mga magulang ninyo? I mean you all came from rich families. Aren't your businesses connected to their businesses? Since they are eight besties di ba dapat magkakilala na ang bawat pamilya ninyo. “We are their rivals ate Reese from livestock production, oil companies and exporting vehicles. Justine's family has high standards. They are not friendly because they valued more about their position in society. Mas gusto nilang ituring na kalaban ang pamilya namin kaysa ituring na kaibigan. Ewan ko ba kung saan nagmana si Justine. Kasi simula nang makilala namin siya we've known him as mabait naman. Super kalog at mabait na ninong sa mga anak namin. Galante yan at hindi nag-aalinlangan na magpakawala ng salapi. Sa katunayan nga one of our charity sponsor yan. Milyones ang pinapakawalan bawat taon para sa mga charities namin. He is the founder of libreng pabahay para sa mga mahihirap. Kung saan siya nagmimina ng ginto at sakaling may nakikita siyang pamilya na nahihirapan walang pag-aatubili na tumutulong yan. Umabot na ng isang libo ang napapabahayan niyan pero walang nakakaalam. Ang mga kinikita niya sa social media ay napupunta sa libreng pabahay. Huwag mong isipin na sinisiraan namin ang pamilya ni Justine Araneta ate Reese. Though sinasabi ko lang ang totoo. Dahil talaga namang sa dami ng okasyon na nagaganap sa grupo never silang umattend.”mahabang kwento ni Afsheen. Napatango nalang ako sa sinabi niya. May mabuti naman palang puso ang crush ko. Sheen may dalawang sasakyan ang nakasunod sa atin kanina pa. “Mga bodyguard natin yan ate Reese sinusundan tayo,”sagot ni Sheen. Hininto ni Afsheen sa parking na malapit sa dagat. Marami kaming turistang nakikita na naglalakad din. Kapag nasa ibang lugar ka talaga maa- appreciate mo ang kagandahan nito. Dahil nasa isip mo na minsan kalang dumadayo sa lugar na ito. Thank you Lord for all the blessings you've given me. “Ako na ba ang katuparan sa hiling mo mahal--- Ay tipaklong na walang pakpak. “Oucchhh mahal naman masakit yon. Ang bigat naman ng kamay mo. Ilang kilong dumbbell ba ang binubuhat mo araw-araw.”sabi ni Justine habang hawak ang kanyang pisngi na nasampal ko. Sorry na, ikaw naman kasi bakit ba bigla kang sumulpot at sa harapan ko pa talaga. “Lutang ka kasi iniwan kana ng mga kasamahan mo hindi mo parin napansin.”sabi ni Justine sabay nguso sa likuran ko. Nang lingunin ko sina Afsheen ang layo na pala ng nilakad nila. Pambihira naman oh bakit hindi ko napansin na umalis sila. Tara na sumunod na tayo sa kanila. “Opppsss! Dito nalang muna tayo, kwentuhan nalang tayo habang namamasyal sila.”sabi niya at hinawakan ang kamay ko. I feel the spark nang magdaop ang aming mga kamay. Kinakabahan ako, nagsimulang nanginig ang aking kamay. “Anong nangyari sa kamay mo bakit anlamig? Hey are you okay? Reesey masama ba ang pakiramdam mo? Halika ka nga maupo ka muna wait bibili lang ako ng tubig,"Sabi ni Justine at agad na naglakad ng mabilis para pumunta sa may tindahan. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Self ano ba ipinagkanulo mo na ako. Huminahon ka naman kapag nasa harap mo na si Justine. “Here's the water drink it,”inabot niya sa akin ang tubig. Kinuha ko naman ito at agad na ininom. “Are you feeling better now?”tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. “Alam mo bang nagustuhan kita noong una kitang makita. Then I search your name para ma- stalk ko sana kaso naka-lock profile ka. I send you a friend request at nag-message pa nga ako sayo.”sabi niya. Really??? Agad kong kinuha mula sa bulsa ko ang aking cellphone. At tiningnan ang message request at spam. Wewww present nga ang message ni Justine Araneta. “See! Pinabayaan mo lang ako dyan sa gate mo. Ang tagal kong nag-aabang para buksan mo Reese.”sabi ni Justine. Hahaha hindi naman kasi niya alam na sa dummy account ako tumatambay. “Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Accept mo na nahiya ka pang pindutin eh. Akin na nga ako na ang mag-accept.”pagkasabi ay agad pinindot ang accept. Grabeh siya pala-decision sa buhay. “Now tell me why your hand is so cold at parang nanginginig? Nagutom ka ba? Do you want to eat something?”nag-aalala niyang sabi. Naku huwag na nagulat lang ako kanina. Kung alam mo lang kung paano ako kinabahan unggoy ka. Tara na sundan natin sila. “Wait Reese hmmm pwedi bang magpa-picture na kasama ka. C'mon remembrance lang, don't worry wala akong mangkukulam na kamag-anak. Ipapagayuma lang kita para maging girlfriend ka,”nakangiti niyang sabi. Siraulo, di mo na kailangan ng gayuma dahil sinusumpong ako ng rayuma kapag kasama ka. “What??? What do you mean?”confused niyang tanong. Tara na habolin natin sila. “Hey can you enlighten me para maintindihan ko.”sigaw ni Justine. Patuloy lang ako sa aking paglalakad at hindi na siya nilingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD