chapter 5 ang paghuli sa kriminal

1642 Words
Third person pov Handa na kaya si Reese na malaman ang katutuhanan? Ang susi na sa likod ng trahedyang kinasasangkutan ng kanilang ama. The untold story behind the crimes in the barracks. Grey unlock the close case of their father using the key of truth. Pagkatapos niyang makapasa sa bar exam una niyang naging mission ay ungkatin ang kasong ibinasura ng korte. Natuklasan ni Grey na sinadya ang pagkitil sa buhay ng kanilang ama. Dahil nalaman ng kanilang ama na tumatanggap ng illegal transaction ang kanilang kasamahan na sundalo. Ang mga illegal na armas ay pinupuslit para sa mga rebelde na nasa kasulok-sulokan ng Pilipinas. Ang ama nila ni Reese ay Gun control officer na naka base sa Cagayan Valley. Nanlaki ang mga mata ni Reese nang makita ang footage sa pagdukot ng kanilang ama. Corporal Deoscoro Mercado ang kaibigan ng kanilang ama. Ang ama ng taong unang minahal at nagdurog sa puso ni Reese Mojor. Nakita sa kuha ng CCTV ang petsa at oras ng pagdukot. Kinabukasan bumulaga sa kanila ang balita na wala nang buhay ang kanilang ama. Stroke ang naging findings ng doctor dahil wala daw natamong galos at pasa ang bangkay ni Captain Ericsson Mojor. Hinanap ni Grey ang doctor na humawak sa autopsy at ang abogado na humawak sa kaso ng kanilang ama. Nakahanda na ang lahat sa muling pagbubukas ng kaso ni Captain Ericsson Mojor. “Bukod sa pagiging abogado ano pa ba ang trabaho mo Grey? Paano mo nakuha ang mga ebidensya na ito?”tanong ni Reese sa kanyang kapatid. “Mahalaga pa bang malaman mo ate? Di ba ang mas mahalaga ay nakakuha tayo ng mga matibay na ebidensya para sa paglutas ng kaso ni papa. Di ba mas mahalaga na mabigyan ng hustisya ang kamatayan ni papa. Nagawa mo na ang tungkolin mo ate para sa amin. Thank you for all the sacrifices para makapagtapos kami ni Rexine Jade sa aming pag-aaral. This time ako naman ang gagalaw ate Reese. Ako naman ang tatayong ama at kuya ninyo ni Rexine.”saad ni Grey. Atty. Lorenzo Grey Mojor hustisya ni papa ang ilalaban natin dito. Hindi mo pweding sulohin ang laban na ito. Kaya pala pangalan ko ang naka-engrave sa bracelet na ibinigay niya dahil galing pala iyon kay papa. Noon pa man gumalaw na ang tadhana para mabigyan ng hustisya si papa. Noon pa man may lead na tayo kung sino ang salarin sa pagpatay kay papa. Ang hayop niyang ama pala ang dahilan ng pagkamatay ng ating ama. Ang laban mo ay laban ko rin Grey kaya huwag mong solohin ang digmaan na ito.”pagpupumilit ni Reese. “Ang kulit mo talaga ate Reese, ikaw ang matanda sa amin pero ugali mo daig pa ang mga paslit sa katigasan ng ulo mo.”naiiling na saad ni Grey. “Denver Mercado let's face again, at sisigiradohin ko na sa pagkakataon na ito ako naman ang may ngiti habang ikaw ay mababaon sa pighati.”anas ng isip ni Reese. Hawak niya ang bracelet na ibinigay ni Denver noon sa kanya. oooOooo May warrant of arrest na silang dala para sa ama ni Denver. Dahil sa katigasan ng ulo ni Reese napilitan si Grey na isama ang kanyang ate. Si Reese naman ay nag-uumapaw sa galit at nag-aasik ang utak kung paano niya durogin ang pagmumukha ni Denver. Pagdating nila sa bahay ng mga Mercado nakita nilang nag-e-ehersisyo ang ama ni Denver sa kanilang hardin. Pumasok ang mga pulis at ipinakita ang warrant of arrest. Laking gulat ng ama ni Denver nang mabasa ang nakasaad sa papel. Humagulhol naman ang asawa ni Mr. Mercado. Lumabas naman mula sa loob ng kanilang bahay si Denver. Kaya agad na lumabas ng sasakyan si Reese at pumasok sa bakuran ng mga Mercado. “Early bird, early to rise, Every insect, every worm panic to hide. Even how you act so nice, The cops cought all your lies.”Reese murmured. “R-Reese? Is that you? Grey? Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kasama ninyo ang mga pulis? Dad, anong problema? Mom why you cry?”denver asked. Wala siyang nakuhang sagot mula sa kanila. Minabuti niyang kuhanin ang papel na nasa kamay ng kanyang ina. Binasa niya ito at nagulantang siya sa nakasaad. “Surprised right? Did you remember this?--- Pakkkk! Mga hayop kayo mga kriminal. Saan mo nakuha ang bracelet na ito noon? Tiningnan mo ba kung kaninong pangalan ang nakasulat o kaninong birth date ang naka- engraved? Noon pa man hindi natutulog ang diyos. Simula ng patayin ng ama mo ang papa ko. Tadhana na ang naglapit sa ating dalawa para bigyan ako ng lead na mapalapit sa kriminal na pumaslang sa kanya. Ang galing noh, binigyan mo ako ng regalo na hindi ka man lang gumastos ni isang peso. Pinakilig mo ako dahil ang akala ko nag-effort ka na bigyan ako ng regalo para sa monthsarry natin. Yon pala ang diyos ang nag- effort para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni papa. Pakkkk! Kamuntik pa akong hindi naging doctor dahil pinagplanuhan ninyo na ibaba ako sa position ko bilang dean lister. Salamat sa diyos at hindi niya hinayaan na magtagumpay ako. God give me strength to fight for what I deserved. Naging doctor ako, naging abogado ang kapatid ko na siyang bumubuhay sa kasong ponabasura ng ama mo. Naging abogado ang kapatid ko para muling buksan ang sekreto na ibinabaon ng ama mo. This bracelet is the skeleton key that access to your hidden crime. Noon pa man hawak ko na pala ang susi para mabuksan ang kasong ibinasura mong hayop ka. Kaibigan ka ng aming ama pero ikaw lang din pala ang tutuklaw sa kanya. Isa kang makamandag na ahas na kumitil sa buhay ng aming ama. Hindi ko na isusumbat kung paano ka nakatulog ng mahimbing bawat gabi. Sundalo ka ngang tunay dahil wala kang konsyensya. Pusong militar ka ngang talaga dahil sa katigasan ng puso mo at pati kaibigan, kabaro, kasangga mo nakuha mong kitilin ang kanyang buhay.”buong tapang na saad ni Reese. “Reese maawa ka naman matanda na si daddy ko. May sakit na siya sa puso at may diabetes. Kailangan niya ng insulin araw-araw. Kung makukulong siya sino ang magmo-monitor sa kanya?”saad ni Denver. “Pakkkk! Inutusan mo ba ako Denver Mercado? Ang kapal naman ng pagmumukha mong hayop ka. Ama mo na ang may kasalanan tapos kami ang mag-adjust dahil may sakit siya. Doctor ka rin di ba? Bakit hindi ka sumama sa kanya sa piitan para may magmonitor ng kanyang diabetes. The situation is simple Mr. Mercado kaya huwag mong gawin na komplekado. Hustisya ang isinulong namin dito not awa para kaawaan ang health condition ng ama mo. I wonder kung paano tinatablan ng sakit ang demonyo mong ama. Di ba may kasabihan na ang masamang damo hindi madaling mamatay. Level one, hindi namatay sa gyera ang ama mo. Level two, hindi din yan mamamatay sa sakit niya. May level three pa na kailangan niyang maranasan. And we will make sure na sa loob ng kulongan niya yon mai-experience. Buhay ang kanyang kinuha kaya buhay niya din ang kailangan magdusa. See you in court at ang kapatid ko na ang bahala sa kaso. Sayang ang lisyensya kung hindi niya mabigyan ng hustisya ang kamatayan ni papa. “Reese you can't do this to us. Reese I'm sorry at alam ko na hanggang ngayon galit ka parin sa akin. Gusto mo lang maghigante at makita ang pagkalugmok ko. Mahal mo ako di ba? Spare my dad because she is sick”saad ni Denver. Pakkkk! G*go ka how we spare your dad? Are you kidding us Mercado? Did he spare our fathers life? Ano ba sa tingin mo ang ginawa ng aming ama noong pinagtulongan siya ng mga hinayupak niyang kabaro? Sa palagay mo ba hindi nagmakaawa si papa na huwag siyang patayin? Ini-excuse ba ng magaling mong ama ang pagpapahirap hanggang sa mamatay ang aming ama. Dumagdag ka pa hayop ka, pinatay na nga ng ama mo ang aming ama kamuntik mo pa akong patayin. Nakalimutan mo na rin ba ang ginawa mo sa akin Denver Mercado? Nagawa ko na sanang kalimutan ang lahat ng mga iyon. Pero ngayong ama mo pala ang main suspect o main kriminal sa pagkamatay ni papa. Automatically nanumbalik ang lahat ng mga ginawa mo. Officer dalhin niyo na ang suspect at kung ang pamilya niya ay humarang damputin niyo na rin at isama sa kulongan. Family is family right? One for all, and all for one.”galit na saad ni Reese. “Napakatigas--- “Shut up Mrs. Mercado huwag mong kwestyonin ang aking pagkatao. You don't know what we went through because your husband took our father's life. Malapit na rin namang mamatay iyang asawa mo bakit mo pa panghihinayangan kung tumira yan sa bilibid.”diin na saad ni Reese. “Reese Mojor!”sigaw ni Denver. Yes, I'm Reese Mojor sa pagkakaalam mo. Gusto mo komplituhin ko pa buong pangalan ko? I am Doctora Eloira Terrence Reese Agapay Mojor. Known as cardiothoracic surgeon na kayang palitan ang maitim mong dugo, bulok mong puso, sira mong baga, at patay mong atay. Baka gustohin mo pa na ibenta ang dalawang kidney mo para palayain ang ama mo. Ay huwag nalang pala dahil damage na rin pala ang kidney mo. Palitan mo nalang yan ng kidney beans, rich of fiber, calcium and protein. Baka kapag tumubo, tubuan ka ng kabutihan sa katawan.”pang-aasar pa ni Reese. “Ate let's go, huwag mo nang galitin. Sa court nalang tayo maghaharap,”si Grey. Hinila na ni Grey ang kanyang kapatid at pinasakay sa kotse. Hindi na nila pinasin ang nahimatay na ginang. Agad nang pinaharurot ni Grey ang kanyang sasakyan dahil baka umandar na naman ang pagiging pusong doctor ng kanyang kapatid....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD