Mabigat ang loob na sumakay si Stan nang eroplano pabalik nang Pilipinas. Alam niya oras na lang ang hinihintay at kasal na ni Ezah. Panghahawakan niya ang pangako nito na babalik sa kanya. Pag dumating ang araw na iyon, magpapakasal silang muli. Iyong may celebration at mga saksi. Pag upo niya sa loob nang eroplano, agad niyang ipinikit ang mga mata. Ang masayang alala nila ni Ezah ang pilit na ipinapasok. At ang mga plano niya pag mag asawa na sila nang tuluyan. Matapos ang mahabang byahe, nakarating din siya sa kanilang mansion. At nagtataka siya at nandito si Dia at asawa nitong si Aidan. " What's up, Stan?" Salubong ni Nathan sa kaniya na hindi din niya alam kung bakit maaga itong umuwi o hindi pa ito pumapasok sa munisipyo. " What?" Kunot noo niyang tanong sa mga ito na naka

