" Stan, anong offer ang pinagsasabi mo?" Si Nathan ang nagtanong sa kanya pero binalewala niya ito. " Hindi ibig sabihin nag pakasal si Ezah sa iba, eh you will do the same. That's not a good idea." Sabi pa nito kaya hinarap niya ang kapatid na nakakunot ang mga noo. " Wala man lang iyan sa isip ko. And what do you think of her? Bride for hire?" " Ow. I'm sorry." Hingi nang paumanhin ni Nathan na muling uminom nang tubig. " So, anong iaalok mo sa akin?" Si Lia na ang nagtanong sa kanya at hindi na siya nag paligoy ligoy. " I want you to be our contract star, Lia. Be part of our noontime show." Hindi ito nakapag salita, at napasulyap ito kay Nathan, na nagulat sa sinabi niya. Guesting lang ang plano niya dito, pero dahil sa pagiging agitated ni Nathan nagbago ang isip niya. May

