" How is your husband treating you?" Tanong ni Stan sa kanya na nakapag paglingon sa kanya dito. Nasa studio siya nito at abala siya sa pagtingin sa mga pencil drawing nito. Nasa bulsa nang pantalon ang mga kamay nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto na siya nitong tinitingnan. Hindi niya napigilan na mapangiti sa hitsura nito, madilim ang mukha at nakasimangot. " Good! Wala akong mairereklamo." Sabi niya na lalong nakapagpadilim nang mukha ni, Stan. Nagpawala pa ito nang mahinang ungol sa sobrang inis. Lumapit siya kay Stan at pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito. " Stop torturing me, Ezah. Gusto mo sumira ako sa usapan natin? Don't hurt me more." Sabi nito at bumaba ang ulo nito sa kanyang mga balikat. Saka niyakap siya nang mahigpit. " I'm

