" Where's Ezah?" Narinig niya ang boses ni Stan sa sala, napangiti siya inaasahan na niya ito pero hindi niya akalain napa aga naman pag sugod nito. Akala niya meron itong mahalagang meeting ngayong araw. Tumayo siya sa harap nang dining area habang nag m-merienda. Dinampot niya ang kanyang platito na may laman na fried balut na hindi niya alam pero gustong gusto niya. " Hey, Stan. Akala ko may outside the country meeting ka?" Tanong niya dito dahil iyon ang paalam nito kaya ihinatid siya nito sa kanilang ancestral house. Nag sasama sila ni Stan sa condo unit nito simula nang bumalik sila. Awtomatikong bumaba ang tingin nito sa kanyang platito. " What's that again, Ezah?" Tanong nito, dahil kung ano ano na kakaiba na pagkain ang pinag didiskitahan niya nang mga nakaraan na araw. "

