Chapter 14

1076 Words
" What happened, Ezah?" Tanong ni Dia sa kanya na nakabalik na din pala. " She's trying to catch egret in the stream." Si Stan ang sumagot. Ibinaba siya sa sofa at ito na ang nagtanggal sa kanyang hiking sandals. Sinipat nito ang parte nang paa na kanyang iniinda sa sakit. " At iba ang nahuli mo, Ezah." Natatawa na sabi ni Dia, habang nakamasid sa kapatid na nag aalala sa kanya. " See? Na sprained ka!" Sabi nito nang makita ang namumula niyang sakong. " Kasi ginulat mo ako!" Angil niya na nakatingin din sa kanyang kanang paa na makirot. " Baka malala pa diyan ang nangyari sa iyo kung hindi ko inagaw atensyon mo sa panghuhuli nang ibon." Tumayo ito at pumunta nang kusina. Pagbalik nito meron na itong ice pack at inilagay sa kanyang sprained ankle. " Kakaiba ka din talaga, Ezah." Sabi ni Stan na iiling iling kaya kinunutan niya ito nang noo. " Nakalimutan mo na ang ginawa mo sa isla. You were not scared na hindi ulo nang manok ang maputol mo, kundi kamay mo o binti mo?" Pagpapaalala nito sa manok na kinatay nila ni Ava. " I heard about that!" Tumatawa na sabi ni Dia. " Wala ako don pero nang marinig ko hindi ko mapigilan na tumawa." Sabi pa nito sa kanya. " OA naman nang kuya mo. Putol agad ang binti o kamay?" " If you saw the bolo they used? Kahit ulo nang tao pwede mapugutan noon." Ani Stan at biglang napangiti sa alaala na iyon. " You can't blame me, Dia. Ilang araw na puro bangus ang ulam namin ni Ava. Pag hindi prito, sinigang o inihaw. At saka feeling, ko may kaliskis na din ako." Sabi niya at tiningnan nang masama si Stan. Dahil nang dalhin siya nito sa floating beach house nito ay pinag luto siya nito nang bacon at ham. " Hon, parang gusto ko nang inihaw." Maya maya ay lambing ni Dia sa asawa. " Inihaw na bangus?" Gulat na tanong ni Aidan sa asawa. Nasa gitna sila nang isang virgin forest na pag aari ni, Sebastian. At nong nag byahe sila pahapyaw na sinabi ni Stan na recently lang ito binili ni Sebastian. And he lends the place sa bagong mag asawa bilang regalo. She doesn't know kung bakit dinala pa sila nang mag asawa dito. "Hindi naman, anything na inihaw." Lahat sila mangha nakatingin dito. " Naglilihi ka ba, Dia?" Si Stan ang nagtanong. Pero tumawa lang si Dia. " Girls are like this. We're craving for food once every month. Isn't it Ezah?" Baling nito sa kanya. " Yeah, she's right." Mabilis niyang sabi. Tumayo naman si Aidan at lumapit sa fridge. Matapos mag labas nang pagkain ay nagpunta na ito sa labas nang cabin house. Hindi nagtagal nasa balkonahe na sila habang nag iihaw sina Aidan at Stan. " Parang masarap ang okra na inihaw." Maya maya ay sabi ni Dia, na tiningnan siya ni Aidan. " You're getting weird, Dia." Sabi nito pero pumasok pa din ito sa loob at pag balik may ni dala nang okra. " Hmm, I'm starting to salivate." Sabi pa ni Dia na kinuhit niya sa tagiliran. " Are you sure you're not pregnant?" Tanong niya pero nagkibit balikat lang ito. " Ewan ko sa iyo, Dia." Sabi niya at kumuha nang beer in can na nasa mesa at uminom. Tiningnan siya ni Stan. " Ezah, you know you can't drink." Sabi ni Stan, pero hindi naman kinuha ang beer na hawak niya. " Hindi ako maglalasing." Sabi niya, at kumuha nang, inihaw na liempo na inilagay nito sa plato na nasa harap niya. Pero ang hindi maglalasing na sabi niya ay tinawanan lang ni Dia. Dahil matapos lang ang isang oras nag simula siyang maging Espanyol. " Tu chico malo!" Dinuro pa niya ang pisngi ni Stan. Tawa naman nang tawa si Dia at Aidan sa kanya. " Bro, I think you have to download some translations app." Sabi ni Aidan kay Stan na walang reaksiyon sa sinabi ni Ezah. Muli lang itong uminom nang beer. " English please." Sabi ni Dia sa kanya. " Your kuya is bad!" Sabi niya at sumimangot siya.Natawa naman si Dia sa kanya. " Huh! Ang tagal na kaya. Saka hindi lang ikaw ang may sabi." Pag sakay ni Dia sa kanya. " Dia!" Asik ni Stan sa kapatid at sinamaan ito nang tingin.Bahagya naman kinabig ni Aidan ang asawa at bumulong. Hanggang pareho ang mga ito na nagtawanan. " Hm, Ezah ano ba kasalanan ni Stan sa iyo?" Sabi ni Aidan na tulad ni Stan ay panaka nakang umiinom nang beer. " Kung naging girlfriend lang niya ako noon. Di hindi na sana ako ipinagkasundo ni Lola ngayon. And I will not be tormented like this! Paano kung mamatay siya sa ginawa ko ngayon? Kasalanan mo ito." Baling niya kay Stan, hinampas pa niya ito sa balikat pero tiningnan lang siya ni Stan. " Pwede ka naman niyang maging girlfriend ngayon." Sabi ni Aidan. " Asawa na ako ni Kuya Nathan." Sagot niya na nagka tinginan ang mag asawa. " I can be your other man." Sabi ni Stan, na lahat napatingin dito. " And why i will do that?" Wala sa sarili na tanong niya at napainom muli nang beer. " Nathan, will not touch you. I can get you pregnant Csezah. And that's your good excuse not to marry Gabriel." Seryoso na sabi ni Stan na natawa lang siya. " No! I gave you a chance and you missed it. I'm not giving you again another chance, Stan Lee." Sabi niya dito at tumayo sa upuan. Pero bago pa siya maka hakbang ay tumayo na si Stan at binuhat siya. " Where do you want to go? " " Put me down!" Sabi niya dito pero hindi siya pinakinggan ni Stan. " Ano? Saan mo balak pumunta? Matutulog o magbabanyo?" Muling tanong nito nang nasa sala na sila. " Fine, mag ba - banyo ako." Sabi niya kaya doon siya dinala ni Stan. Ang banyo ay malapit sa kusina. " Call me if you're done." Bilin nito at lumabas na din ito nang banyo. Dahil malamig sa lugar na ito at beer pa ang ininom niya kaya madali siyang makaramdam nang ihiin. Pagbukas niya nang pinto nang banyo ay naka halukipkip si Stan na nakasandal sa kitchen sink. Agad itong lumapit sa kanya at binuhat siyang muli pabalik nang balkonahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD