Chapter 13

1065 Words
" We will go out for a walk, guys. Sasama kayo?" Tanong ni Dia, matapos nilang kumain. Pero si Stan ang mabilis na sumagot. " Kayo na lang, mag uusap lang kami ni Ezah." " Well, lalabas na kami." Sabi ni Aidan at inakbayan ang asawa at lumabas na nang cabin log house. " Sino nagsabi makikipag usap ako sa iyo?" Mataray niyang tanong nang maiwan na silang dalawa. Pero hinawakan na siya ni Stan at dinala sa balkonahe nang log house. " Mag uusap tayo sa ayaw mo at sa gusto." Madiin nitong sabi sa kanya, ito pa ang pilit na nagpaupo sa kanya sa pang isahang upuan na gawa sa kahoy. Tiningnan niya nang masama si Stan pero balewala iyon dito. Naupo ito sa kanyang tabi. " You feel bad for what happened before? Di ba sinabi ko na, you were still young back then, Ezah?" Hindi siya nagsalita, humalukipkip lang siya at hindi inaalis ang kanyang simangot. " Noong bumalik ka, I asked you. At handa akong gawin ang gusto mo. Be a pretend husband or real husband I don't mind." Sabi nito kaya bumaling na siya dito. " What's the difference between you and Gabriel then, huh?" Hindi nakapag salita si Stan sa kanyang sinabi. " At least if I married Gabriel, grandma will be happy." " Bakit hindi mo ginawa?" Tanong ni Stan sa kanya at natilihan siya. Bakit nga ba? " Dahil ayaw ko pang mag asawa!" Maya maya sagot niya dito. Pero hindi kumbinsido si Stan sa kanyang sinabi. " Hindi ba your life will be less complicated kung naging masunurin ka na lang? Or somehow you want to get even with me?" " What do you mean?" Tiningnan niya ito at ganun din ang ginawa nito sa kanya. Ang sa binata lang ay nanunuot ang mga tingin nito. " Tinanggihan mo ang alok ko, kung paanong tinanggihan kita dati. But my intention is for your own good Ezah." " Tinanggihan kong ikama mo ako kung paanong tinanggihan mo ako noon. But my intention is not to get even Stan! Kasi wala na akong gusto sa iyo. Sinira mo na ang pantasya ko sa iyo!" Sabi niya at tumayo, lumayo siya dito.Dahil alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. " Ganun ba? Hindi ganun ang nararamdaman ko kapag hinahalikan ka Csezah." Alam niya inis ito sa kanya dahil sa buo nitong sinabi ang kanyang pangalan. Kahit paano kilala na niya ito. " Init nang katawan lang iyon!" Sabi niya pero sumilay ang nakakaloko nitong mga ngiti. " Let's see, Csezah." Tumayo na din ito sa upuan at nagmamadali na lumabas nang cabin house. Alam niya galit ito sa kanya. At nainis din siya sa kanyang sarili. Bakit inaaway niya si Stan? Baka naiinis siya dito dahil kung ginawa nila iyon dati at magka relasyon sila hindi na kailangan na ikompromiso siya nang kanyang Lola sa iba. At worst kay Gabriel Valencia pa! Lumabas din siya nang cabin house at naglakad sa magkaibang deriksiyon na pinuntahan nito. Magulo din ang isip niya kung paano haharapin ang kanyang Lola. Parang hindi niya kayang matanggap kung mag collapsed ulit ito sa kanyang harapan. Pumasok sa isip niya ang eksena na iyon... " Lo Seinto, grandma. Asked me anything, but not to marry Gabriel." Agad siyang tumayo sa visitor chair nang library nang kanyang Lola kung saan siya ipinatawag nito. " Qué te disgusta de Gabriel? He came from an influential family! He is educated, good looking and he likes you Csezah." Pag isa isa nito sa mga katangian ni Gabriel. " Babaero at mayabang." Bulong niya, na sinamaan siya nang tingin nang kanyang Lola. " I don't like him, grandma." Sabi niya na naka simangot. " Why are you against it, huh? You know your parents are arranged and look at them, Csezah. Still together, never tired of each other." Pagbibigay halimbawa nito sa kaniyang mga magulang. Pero in love ang kanyang papa sa kanyang mama sa nakakabaliw na paraan. " But grandma, I don't like Gabriel at all! Saka ang bata ko pa, ayaw ko pang mag asawa." Pagdadahilan pa niya at tumayo na para talikutan ito. " Csezah! Csezah!" Tawag nito sa kanya pero hindi niya pinansin. Hanggang makarinig siya nang malakas na kalabog sa sahig. " Oh my God! Help! Help! Grandma!" Sigaw niya kaya nagmamadali na pumasok ang butler nang kanyang Lola. Hindi niya napigilan na mapaluha nang buhatin ang Lola niya na walang malay. Matapos ang halos limang taon niyang pamamalagi sa Spain. Bumalik siya nang Pilipinas na hindi hinaharap ang kanyang Lola. Natatakot siyang hindi makatanggi kapag hilingin nitong pakasalan si Gabriel. Literal na tinakasan niya ang kanyang Lola. Natigil ang kanyang pag iisip nang makarinig nang huni nang ibon. At nagulat siya sa white egret na nakadapo sa malaking bato na nasa gitna nang stream. Tumigil siya at pinagmasdan ito habang panaka nakang inilulubog ang tuka nito sa tubig. Dahan dahan siyang lumapit sa pamamagitan nang pagtapak sa mga naka usling mga bato. " What the hell you are doing?!" Sigaw ni Stan sa kanya kaya lumipad ang ibon at siya naman ay sumablay ang tapak kaya nahulog siya sa tubig na hanggang kalahati nang kanyang binti. " Bakit ka nang gugulat?" Ganting sigaw niya na agad na nangunyapit sa bato nang maka ramdam nang sakit sa kanyang paa. Tiningnan niya nang masama si Stan. " Ano na namang kalokohan ang naisipan mo Csezah?" Tanong nito pero hindi siya makasagot. Kagat labi lang siya na nakatingin dito. Matapos mag pawala nang buntong hininga ay lumapit si Stan sa kanya. " Aray!" Reklamo niya nang hawakan nito ang kanyang kamay at alalayan sana na makabalik sa gilid nang sapa. Walang sabi sabi na binuhat siya ni Stan. " Kasalanan mo." Sabi niya dito na naiiyak sa sakit na naramdaman sa kanyang mga paa. Mukhang na sprain siya. " Ah, at kasalanan ko pa? Hindi mo ba alam sa dulas nang mga bato na inaapakan mo kanina baka madulas at tumama ang ulo mo sa ibang bato na nandon? Paano kung mawalan ka nang malay at malunod ka?" " Ang OA! Hanggang binti na tubig malulunod na?" " Csezah, kahit sa isang baso nang tubig may nalulunod!" Sagot nito kaya hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon nang kanyang mukha nang tumingin dito. Hindi na lang siya nagsalita at mukhang hindi siya mananalo dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD