" Wow! Grabe ang ganda!"
Hindi niya napigilan na sabi at hindi siya magkanda ugaga sa pag kuha nang larawan. Sa isa palang rainforest sila pupunta. Napakaganda nang lugar at sariwa ang hangin.
" I'm glad you like the place, Ezah."
Sabi ni Dia na magka akbay sila ni, Aidan. Kinunan niya nang larawan ang mga ito.
" Ang hilig mo din kumuha nang picture. Kaya isinama din kita dito."
Sabi pa ni Dia na yumakap kay Aidan, na humalik naman si Aidan sa pisngi nito.
" Kahit sa isla official photographer nila ako."
Sabi niya at sinilip ang mga kuha niya.
" I wonder what they said about me."
Sabi ni Dia at malambing na yumakap kay, Aidan.
" They curse you. Almost every day."
Natatawa niyang sabi, at sabay, na natawa ang mag asawa.
" I'm really grateful for what they did actually."
Sabi nito at matamis na ngumiti kay Aidan.
" Don't remind me, Dia. You want to be punished again?"
Tanong nito pero hindi niya maintindihan na sa halip na matakot ay humalakhak pa ito.
" Let's go inside, Ezah."
Pagyaya sa kanya ni Stan at nauna nang pumasok sa cabin house. Sumunod na lang din siya dahil nanatili pa ang mag asawa sa labas nang cabin habang nakatayo sa gilid nang lawa.
" Nice and cozy."
Komento niya sa loob nang cabin house. Ibinaba niya ang kanyang backpack sa makintab na sahig na gawa sa kahoy.
" Wow."
Reaksiyon ni Dia na bagong pasok. Ginala nito ang paningin sa loob nang cabin.
" Dalawa lang ang room dito. Isa sa itaas at isa sa ibaba."
Sabi ni Aidan at naupo sa settee na nanduon.
" That's okay as long as the other room is mine."
Sabi niya at sumulyap kay Stan na nasa kitchen na binubuksan ang fridge.
" He can manage."
Sabi ni Aidan at matapos sumulyap sa asawa ay magkahawak kamay na umakyat papunta sa ikalawang palapag kung saan nandun ang isang kwarto.
Kaya pumasok na din siya sa kwarto na nasa ibaba. Bago pa maisipan ni Stan na pumasok doon at sa sala siya matulog.
Agad siyang humiga sa kama na nakita dahil kay Stan siya sumabay hindi niya magawang pumikit sa byahe nila.
Balak niyang umidlip muna pero binulabog siya nang katok sa pinto. Kaya naka simangot siyang tumayo at binuksan ang pinto.
" Bakit?"
Tanong niya dito, naka simangot pa din siya. Hindi ito sumagot, sa halip pumasok ito sa loob.
" Hey, Stan! This is my room!"
Habol niya dito nang ilapag nito ang dalang mountaineering backpack sa gilid nang pang isahang upuan na andon.
" This is our room."
Sabi pa nito at hinubad ang suot na hiking shoes. Hindi siya makapaniwala habang pinapanood ito na parang walang makakapigil sa ginagawa nito.
" C'mon, Stan. Hindi pwede!"
Sabi niya dito na malakas ang boses.
" At bakit hindi pwede? Natatakot ka bang hindi mo mapigilan ang sarili mo? "
Tanong nito na naghahamon ang mga tingin sa kanya.
" Besides, who will stand to stay outside with the noises Dia and Aidan making?"
Sabi nito na halata ang pagka inis. Sa mag asawa ba o sa kanya sa pagtanggi niya dito na magkasama sila sa silid na iyon.
" And this room is designed for a group, Ezah. We will not sleep in the same bed. Unless you want to sleep beside me."
Sabi nito at nahiga sa isang kama na bakante.
Padabog na nahiga siya sa kanyang kama at nahiga na nakatalikod sa bahagi ni Stan. Hindi niya sinubukan na lumabas, baka marinig niya ang ingay na ginagawa nang mag asawang Dia at Aidan ayon na din dito.
" You don't want to eat first, Ezah?"
Tanong ni Stan na alam niyang nakatingin sa kanya.
" I'm not hungry, I'd rather rest."
Sagot niya na hindi lumilingon dito.At marahil sa kanyang pagod sa malayong lakad na halos mahigit isang oras papunta dito kaya nakatulog siya agad.
Halos madilim na ang paligid nang magising siya. Nilingon niya ang kama na hinigaan ni Stan pero wala na ito doon. Matapos na suklayin nang palad ang kanyang buhok ay lumabas na siya.
Nilingon naman siya nang mga kasama paglabas niya nang silid.
" Come, Ezah. Let's eat."
Yaya ni Dia na agad siyang lumapit sa lamesa kung saan naka hain ang mga pagkain, sa amoy pa lang na gutom na siya.
" Stan, prepare our food for tonight."
Sabi ni Aidan kaya napilitan siyang nginitian ito.
" Thank you."
" Just eat."
Sabi lang ni Stan na ginawa niya dahil na din sa gutom.
"Bakit naman ayaw mo sa lalaki na pinili nang Lola mo Ezah? "
Maya maya ay tanong ni Aidan sa kanya.
" Ayaw ko pang mag asawa."
" Then, be his fiancé. And then exclusively date each other. Malay mo pag nakilala mo na siya, ma in love ka din sa kanya. Tapos saka na kayo magpakasal."
Suhestiyon ni Aidan na nakapag pa samid kay Stan.
" Kilala ko siya Aidan. Kaya nga ayaw ko sa kanya."
" Bakit?"
Tanong nito sa pagitan nang pagkain.
" He's a womanizer. Ayaw ko nang ganun."
" Wala naman babae na gusto nang ganun."
Singit ni Dia sa usapan.
" Kung mahal ka niya magbabago iyon. I mean, if a man loves you, you will be enough. Hindi na iyan titingin man lang sa iba. Believe me, Ezah."
Masuyo pa itong bumaling kay Dia na nakangiti.
" Hindi lahat kasing swerte ni Dia."
Sagot na lang niya.
" May mga babae na inaayawan. At isa ako doon."
Sabi niya na nakasimangot.
"At saan mo naman nakuha ang ganyan na ideya para sa sarili mo?"
Kunot noo na sabi ni Aidan kay Ezah.
" From experience."
Maikli niyang sagot, habang nasa pagkain ang atensyon.
" Ezah, mali ang iniisip mo sa iyong sarili. You can have any man you want. Sa ganda mo na iyan."
Sabi pa ni Dia sa kanya, pero bahaw siyang tumawa.
"Sino naman ang sira ulo na aayaw sa iyo Ezah?"
Kunot noo na tanong ni Stan sa kanya.
" Ikaw!"
Deritso niyang sagot dito, na nagpatahimik sa mag asawa at nagkatinginan.
" Oh! So, you're still affected by what happened a long time ago?"
Tanong nito na ganun pa din ang ekspresyon nang mukha.
" It seems like yesterday only."
Sabi niya at inirapan ito. Hindi na nagsalita si Stan. Pero lagi niya itong nahuhuli na nakatingin sa kanya.