Kinabukasan sinadya niyang tanghali na bumaba para maiwasan si Stan. Nahihiya pa din siya sa sarili na hindi niya matanggihan ang halik nito.
" Hindi ka ba nakatulog agad, kaya ngayon ka lang bumangon?"
Muntik na sumala ang pag hakbang niya sa hagdan dahil sa nagsalita sa kanyang likuran.
" Damn you, Stan Lee. Gusto mo ba akong ihulog sa hagdan?"
Galit niyang baling dito, pero nginitian lang siya nito.
" Of course not, my dear."
Sabi nito at umagapay sa kanya, pero huminto siya sa pagbaba at hindi niya akalain na hihinto din ito.
" Mauna ka na, nakakahiya sa iyo. Nagmamadali ka yata."
Aniya na sinamaan ito nang tingin. Pero inakbayan siya ni Stan.
" Sabay na tayo, Ezah."
Pilit niyang inaalis ang mabigat nitong braso sa kanyang balikat pero hindi ito pumayag.
" Hahalikan kita dito mismo, if you don't behave."
Banta nito kaya lalo siyang nainis sa binata.
" Langya, ako pa ang hindi behave ?"
Siniko niya ito sa dibdib kaya binitiwan siya. Mabilis naman siyang bumaba nang hagdan.
" Ezah! Ezah!"
Sigaw nito, pero nagmamadali naman siyang tumuloy sa kusina. At ganun na lang nagliwanag ang mukha niya nang makita si Dia.
" Oh, God! Dia!"
Agad siyang yumakap dito, tumaas naman ang kilay ni Aidan na nakaupo sa dining chair.
" Hey! Anong ginawa mo kay Kuya?"
Natatawa nitong sabi dahil dinig sa kusina ang pag tawag nito sa kanyang pangalan.
" Ezah! Wait until I catch you."
Naririnig pa nilang banta nito, na agad natilihan pagpasok sa dining room nang makita na hindi siya nag iisa.
Kaya napangiti siya sa reaksiyon nito.
" What brought you here, guys?"
Tanong nito at naupo sa harap na upuan ni Aidan. Tumawag ito nang katulong at nag pa serve nang pagkain.
" Kuya, nag asawa lang ako. Kailangan ko na bang tumawag muna bago ako pumunta dito?"
Sabi ni Dia at hinawakan ang kamay niya at naupo sila sa hapag kainan. Si Dia sa tabi ni Aidan. At siya sa malayo kay Stan.
" At hindi ka pumasok, bro? Baka magpa party ang mga empleyado mo ngayon."
Tudyo ni Aidan sa kanya,na pabagot niyang sinagot.
" Let them be."
" Wow! Bumabait ka na sa empleyado mo kuya Stan? That is new!"
Punong puno nang sarcasm na sabi ni Dia.
" Bakit andito kayo?"
Sa halip sagot ni Stan. Nagsimula itong sumimsim nang kape na unang inilagay nang katulong sa harap nito.
" Gusto lang namin kumustahin si Ezah. Saka na miss ko kayo."
Nakangiti na sabi ni Dia, but she knows Stan is not buying it.
" The truth Dia."
Madiin na sabi ni Stan. Tumawa naman si Dia kaya wala itong nagawa.
" I know the truth kuya Stan. Kuya Nathan told me."
At sumulyap sa kanya si Dia.
" Tsk. Drop the topic, Dia."
Parehong natawa ang mag asawa, sa kanyang pagtataka.
" You want to join us Ezah? We're planning to visit Sebastian's new haven. Gusto niya nang honest review from Aidan. Baka magpapatayo din ng private resort."
Pagyaya ni Dia sa kanya na agad na kumislap ang kanyang mata.Pero bigla din agad siyang nag alangan.
" Ha? Nakakahiya naman, sa inyo ni Aidan."
Lalo na at sumulyap ang kanyang pinsan sa asawa nito.
"How about you kuya Stan? Gusto mo sumama para hindi isturbo sa amin si Ezah. Kayong dalawa ang magkulitan."
Suhestiyon pa ni Dia na mukha naman sincere sa pagyaya sa kanya.
" Hindi, hindi. Kayo na lang dalawa ni Aidan."
Pagtanggi niya, na nalungkot naman si, Dia.
" Wala kang alinlangan na sumama kay Nathan. Tapos pag kasama ako na kasama naman natin si Dia at pinsan mo. Your hesitating. Are you scared of me Csezah?"
Halos lumubog siya sa upuan sa klase nang tingin ni Stan. Pinapahiya siya nito.
" Of course not!"
Pag tanggi niya sa akusa nito.
" Ganun naman pala! Let's spend our weekend in the mountain."
Pumapalakpak na sabi ni Dia, at dahil masaya ang asawa walang nagawa si Aidan.
" Hindi pwede na magbago ang isip mo Ezah! Kahit limang araw pa bago mag weekend.
Magtatampo ako sa iyo."
Sabi ni Dia na bumaling sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango.
At nahuli nang kanyang tingin ang pagngiti ni Stan Lee. Pero inirapan niya ito. Hindi na niya hahayaan na maka puntos na naman ito sa kanya.
Matapos kumain nagyaya si Dia na mag swimming sila na sinamahan naman niya.
" Kumusta kayo ni Kuya Stan?"
Tanong nito sa kanya habang nasa mababaw siyang bahagi. At pinapanood itong mag floating.
" Bakit mo naman natanong. Kilala mo naman kapatid mo na suplado at maldito."
" Crush mo siya dati di ba? Anong nangyari?"
Tanong nito na lumapit pa sa kanya.
" I meet a lot of men in Barcelona. At doon ko na realize na hindi lang siya ang lalaki na gwapo sa mundo."
Sabi niya at malakas na tumawa si Dia sa sinabi niya.
" Oh, galit ka sa kanya dahil hindi siya pumayag na maging pretend husband mo?"
Maya maya sabi nito sa kanya.Pero laking tanggi niya.
" Hindi ako galit kay Stan. Kung galit ako di hindi ako sasama sa inyo. Iiwasan ko siya."
Aniya na makahulugan lang na ngumiti si, Dia.
" Still not pregnant?"
Pag iiba niya nang usapan.
" Hmm, we want to spend time with each other first. Alam mo na baka maging kambal agad ang anak namin, mawalan ako nang time kay Aidan. Pati nga ang pag enroll sa school for culinary na isantabi ko na."
" Ang dami mo talaga kailangan I consider pag nag ka pamilya na. Kaya ako, ayaw ko pa mag asawa."
" Sinasabi mo lang yan Ezah. Masarap ang may asawa."
At makahulugan itong tumawa.
" Loka ka, Dia. Nakatikim ka lang ang berde na nang utak mo."
Sabi niya at bahagya itong sinabuyan nang tubig.
" What? Masarap kasi may kausap ka. Saka may kayakap ka sa gabi. Ano ba iniisip mo?"
Malakas ang tawa nitong sabi.
" C'mon, Di. Wag mo na akong lokohin, at dalawa lang naman tayo dito."
Natatawa din niyang sabi dito.
" Hindi kita niloloko Ezah,masarap ang may asawa. Lalo na at mahal na mahal ka nang asawa mo."
Halata ang kilig nito habang sinasabi iyon.Ganun din ang masayang kislap nang mga mata nito.
" I'm happy for you, Dia."
" Yeah, I hope you can feel how I am feeling right now."
Sabi nito at napangiti siya. Sana nga maging masaya siya pagdating nang araw sa kanyang magiging asawa.