‘Di nagtagal ay dumating sila Paul at Jake na may dalang chichirya at inumin. Bumili rin ang mga ito nang ilang piraso na canned beers. Pagkabukas ko nang isang chichirya ay lumapit si Mariel sa tabi ko at kumuha ng isang pirasong chip. “Kanta pa beks.” Ani Mariel. Namamaos na ang boses nito. Simula kanina ay ito lang at si Sandra ang kumanta ng kumanta. Somehow, watching them lifted up my mood. Nagbukas ako nang hindi malamig na mineral water at ibinigay iyon dito. Pagkatapos ay kinuha ko ang songbook para maghanap nang kakantahin. Kasalukuyang naka-standby ang karaoke dahil nagpapahinga pa sila Mariel at Sandra. Kaya naman pagkalagay ko nang Why can’t it be sa karaoke ay tumugtog na kaagad iyon. Mabilis kong kinuha ang mic na nakapatong sa may mesa at itinutok iyon sa bibig ko. I cl

