As I drove back to the hospital, I glanced at the huge paper bag on the passenger seat.
Bahagya akong napailing at natawa na lamang.
Nang makarating ako sa hospital, naghanap ako nang mapaparkingan. Inayos ko ang mga chocolates na binigay sa akin ni Mr. Simmons.
Ihiniwalay ko lahat ng binili ko para sa akin at nilagay iyon sa pouch bag ko na nakalaan para sa chocolates. Nang maayos ko na ang lahat ay kinuha ko na ang mga gamit ko saka pumasok sa loob ng hospital.
Pagkatapos mag-in ay dumiretso ako sa nurses' station at inilagay sa mini ref ang mga chocolate.
Nakita ako ng head nurse na naglalagay ng napakaraming chocolates. Narinig kong tumawa ito, kaya napatingin ako rito.
"Hello Ate Ching." Bati ko sabay ngiti rito. Bago ko ipinagpatuloy ang paglalagay ng chocolate sa mini ref.
"Gagaling nga mga pasyente natin, di kaya sunod naman na sakit nila e diabetes?" Biro nito.
"Konti konti lang naman." Saad ko rito sabay inabutan ito ng snickers. "Eto yung share mo Ate Ching." Tumawa ito at kinuha ang chocolate.
"Alam mo talaga gusto ko."
"Of course." Natigil ang pag-uusap namin ng nag-ring ang telepono sa counter. Sinagot ko iyon. Ang tumatawag ay ang medic na may dala-dalang emergency patient sa ambulansya. Nagtatanong ito kung kaya bang mag-accomodate nang ER ng hospital ng trauma patient. Tinignan ko ang computer logs.
"May available pong bed and surgeon. May kasama po bang guardian?"
May kasama daw ang pasyente na asawa. Kinumpirma ko ang estado at iba pang detalye ng pasyente atsaka binaba na ang receiver.
"Trauma patient, as of now ang visible injuries ay mga fractures sa kamay at paa at puncture sa shoulder centimeters away from the heart." Ang palangiting Ate Ching kanina ay wala na. Isang head nurse na ang aura na inilalabas nito. Pinagprepare na nito ang iba pang nurses at tumawag ng resident doctor bago nag-hintay ang grupo ng professionals sa labas ng emergency room.
Ganito ang madalas na scenario namin sa ER. Laging may nagaagaw buhay na tao. Dito ko mas nakikita kung gaano ka-fragile ang mga tao.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang ambulansya na hinihintay namin.
*********
Maraming tao ngayon sa ER. Sobrang busy ang mga nurse at doctor na pabalik-balik sa station at sa mga beds na may mga pasyenteng naghihintay.
9pm na pero hindi pa ako nakakapagdinner sa dami ng inaasikaso. Ngayon nga ay may tinuturukan ako ng IV drip ng isang matanda na nagcollapse kaninang hapon.
"Mommy, tapos na po." Saad ko rito. Nakapikit eto, marahil ay kinakabahan na baka masakit ang pagturok ng needle.
"Ang galing mo naman. Yung iba na nurse nakailang beses na nila ako tinuturukan halos mamaga na ang kamay ko, ikaw isang beses lang." Puri nito. Ngumiti ako rito.
"Ayaw ko po kayong nakikitang nasasaktan Mommy e, kaya ginalingan ko talaga. Pagaling ka po ha?"
"Oo magpapagaling ako. Ang gwapo-gwapo mo naman Nurse Xian, may girlfriend ka na ba?" Tanon nito.
Nakangiti ko pa rin itong sinagot at biniro. "Wala pa pong nagkakamali e."
"Nako, sa gwapo at galing mong yan bulag sila." Anito. Nginitian ko na lang ito.
Hindi sa bulag sila. Ako lang ang hindi interesado. May mga nagpaparamdam sakin, pero hindi ko sila ine-entertain. May mga nagcoconfess rin ng diretsahan, pero agad kong tinatanggihan ang mga ito. Wala talaga akong maramdaman na atraksyon sa opposite s*x.
"Yung anak ko na lang, kung gusto mo Nurse Xian." Pagpapatuloy ng matanda.
"Maaaaa!" Narinig kong daing ng isang babae na namumula ang mukha sa may paanan ng kama ng pasyente.
Ngumiti ako.
"Nagrereklamo na ang anak mo Mommy, diba sabi ko na sa'yo? Walang may gusto magkamali." Biro ko rito.
Bago ko pa marinig ang sasabihin nito ay napalingon na ako sa may entrance ng emergency room. May mga medic, nurses at resident kasi na papasok nang ER habang may hila-hila at tulak-tulak na kama. Napansin rin ng matanda na kausap ko kanina na wala na ang atensyon ko sa kanya kaya tumahimik muna ito at pinagmasdan rin ang papasok na bagong pasyente.
Nang matanaw ko nag pasyente na dala ng mga medic ay natigilan ako. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Kusang gumalaw ang mga paa ko at mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nang nga ito saka tumulong rin sa pagtutulak ng kama.
It's so hard to breath lalo nang makita ko nang malapitan ang mukha at katawan ng pasyente na duguan.
While trying to compose myself, I asked the resident for the status of the patient.
"Doc Rey, kamusta po vitals ng pasyente?" Lumingon sakin ang resident, Nang makita nito na ako ang nagtanong ay sinagot ako nito.
"For now not stable. Trauma patient. Car accident. May paparating na ambulansya pa. Both the driver and nanny." I felt something stuck to my throat.
I looked at the child again. My eyes felt hot but no tears are falling. I remembered how I met him yesterday and earlier today. It was a short encounter but no one can't deny the affection I felt for this child when I met him. Idagdag pa na he's only a child.
Shit!
Inilipat siya mula sa stretcher atsaka inumpisahan na ang treatment. Nagmamadali akong nag-assist sa intubation. Sa buong buhay ko as nurse ito na siguro ang quickest response na naibigay ko sa paga-assist, na siyang ikinagulat rin ng ibang kasamahan ko sa trabaho na may kilala sa akin. Alam nang mga ito na magaling ako sa trabaho ko, pulido. Pero mas nadoble pa ang quickness at efficiency ko ngayon. After series of tests and treatments ay lumapit ako kay Doc Rey.
"Doc Rey, please do everything to make the child okay. Please." I pleaded. I know that my colleagues do everything they can when it comes to their job, but I couldn't help but ask for the doctor's assurance with a trembling voice.
Hinawakan nito ang balikat ko.
"I will Nurse Xi, gagawin ko ang lahat." Anito, saka umalis na.
My knees felt weak all of a sudden so I sat at the chair beside the bed of Stanley.
I looked at the child's pale face. I couldn't see the hazel green eyes that I first saw.
I suddenly heard footsteps walking in our direction. I looked up and saw a very worried pair of hazel green eyes. The normally neat and cool man was now looking haggard and seemed to have grown old a bit.
Tinignan nito ang anak nito bago tinignan ako.
I gulped, trying to remove that uncomfortable feeling.
Nang makarating ito sa pwesto namin ay ibinalik nito ang tingin nito sa anak nito. Gusto nitong hawakan at haplusin ang anak nito pero nagpigil ito, marahil ay natatakot na baka masaktan ang bata o may magalaw na kung ano, at kung ano pa ang mangyari sa anak nito.
"How is he?" He asked. His voice is hoarse.