Bago magpunta sa bahay ng mga Simmons ay dumaan muna ako sa mall para bumili ng cake at ice cream ni Stanley. I bought a rainbow vanilla chiffon cake, and two half-gallons of ice cream—strawberry delight and chocolate royalty flavor. Nilagay nang nag-assist sa akin sa insulation box ang mga ice cream para hindi iyon agad matunaw. Tinext na sa akin ni Tita Melinda ang eksaktong address nila. Kasalukuyan ay nagda-drive na ako patungo roon. Ayon sa navigation app, 2 kilometers na lang ay makakarating na ako sa bahay nila Leo. But I slowed down when I suddenly saw a blocked entrance of a village up ahead. A guard walked out of the guardhouse and looked at my car, probing. Binuksan ko ang bintana ko at binati ito. "Saan po tayo?" Pasimpleng nagmasid ang guwardiya sa loob ng kotse ko. "Bo

