Chapter 1

1594 Words
Maaga pa lang ay madami ng tao ang matatanaw sa Emergency Room o ER na kinaroroonan ni Xian... Umaga na pero hindi ko mapigilan ang paminsan-minsang paghikab. "Out ka na?" Narinig kong tanong ng kaibigan kong si Mariel. Kaibigan ko ito simula noon kolehiyo pa. Kasalukuyan kong inaayos ang mga charts nang pumasok sa loob ng nurses' station si Mariel. Katatapos ko lang ang rounds ko at dumaan muna ako sa nurses' station para ayusin na ang mga dapat kong ayusin bago ako umuwi. "Oo, 30 hours na ang shift ko. Hindi ko na kaya." Reklamo ko rito. Dahil sa isang matinding road accident kagabi, maraming trauma patients ang kinailangang operahan at nangailangan sila ng mga tao para sa scrub team. May experience naman ako bilang isang scrub nurse dati, kaya nag-volunteer ako. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakauwi. Hinawakan ko ang ngalay kong batok at dahan-dahang minasahe iyon. "Xi, may niluto akong kare-kare bago pumasok kanina. Kumain ka muna pagkauwi mo, baka makalimutan mo na naman eh." Bilin nito. Nakatira kami sa iisang apartment ni Mariel. Hati lahat sa expenses, pero pagdating sa pagluluto ay ito na ang nag-prisinta. Hinayaan ko naman ito. Aminado naman kasi ako na pagdating sa pagluluto ay wala ako ni katiting na talento. Sa paglamon... magaling ako. Matakaw man ay hindi ako mabilis tumaba. Kahit na medyo hindi ko na maharap ang pag-e-exercise minsan dahil sa oras na hinahanap ng ganitong klaseng trabaho. Yung katiting na oras na pahinga ko, nilalaan ko na lang sa pagtulog. "Sige. Bago umuwi, dadaan na rin ako sa supermarket. Magre-restock na ako." Saad ko rito. Dahil ito na ang bahala sa pagluluto, ang paggro-grocery na lang ang inako ko. Napatingin ako kay Mariel na busy na nag-aayos ng charts nito. Mabibilang lang sa isang kamay ko ang may alam na bakla ako, at ito ay ang mga malalapit na kaibigan ko. Bukod kay Mariel, ay may tatlo pa akong kaibigan. Lahat sila ay nakilala ko noong kolehiyo pa ako. Basically, I am a closet gay. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin masabi sa mga magulang ko na hindi babae ang gusto ko. Hindi ko alam kung paano ko ioopen up sa kanila, lalo na at nag-iisa lang akong anak. Na sa buong buhay nila, ay hindi nila mararanasan magkaapo pa. Nahihiya na nga ako minsan kay Mariel. Napagkakamalan na mag-jowa kami ng mga katrabaho namin. At minsan na rin kaming napagkamalan magulang ko. But that was before. Alam na ng mga magulang ko na magkaibigan lang talaga kami. Gusto ko ng klaruhin sa iba na hindi naman talaga kami, pero pinigilan ako ni Mariel. Balewala lang naman raw rito ang mga balitang kumakalat tungkol samin, kaya maigi pang hayaan ko na lang. Actually, isa sa mga barkada namin ay ang boyfriend nito, si Paul. Isa itong architect. Mas gusto rin ni Paul na mapagkamalan na 'dating' kami dito sa workplace namin, para walang umaaligid na lalaki kay Mariel. Maganda nga naman kasi si Mariel, matangkad at mestiza. Since both were fine with it, pumayag na ako. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Nag-PM si Mariel. Binasa ko ang laman ng message nito. Nag-send ito ng mga listahan ng mga kailangang bilhin para sa apartment.. "Ge." Sagot ko rito. Dinouble check ko ang trabaho ko, at tinignan kung may nakalimutan pa ako gawin bago nagpaalam rito. "Una na ako beks." She waved her hand without looking at me. Nag-out na ako at naglakad palabas ng nurses' station. Umaga pa lang pero mataas na ang sikat ng araw. Nag-stretch muna ako at lumanghap ng hangin bago dumiretso sa kotse ko na nakaparada. Kinapa ko ang bulsa ng uniform ko at nagbukas ng isang bite size chocolate na kinuha ko kanina sa nurses' station bago ako bumaba. Hilig kong kumain ng sweets lalo na 'pag ganitong diretso ang shift ko. Pangtanggal stress at pang-refill ng energy. Kaya naman hinding-hindi ako nauubusan ng stock ng chocolates at candies. Binuksan ko na ang sasakyan at nag-drive papunta sa isang kilalang mall malapit lang sa hospital at apartment namin ni Mariel, ang Simmons' Mall. Tumungo ako sa parking area ng mall. Sabado ngayon, kahit na umaga ay marami na agad tao ang namamasyal sa mall. Kaya naman medyo nahirapan akong maghanap ng parking space. Bumaba ako ng kotse, saka pinindot ang lock sa car key. Matagal-tagal na sa akin ang kotse na ito. Regalo ito sa akin ng mga magulang ko nang makagraduate ako ng kolehiyo na Summa c*m Laude. Pagpasok ng mall ay makikita na agad ang mga iba't ibang pamilya at grupo ng mga kabataan na naglilibot. Habang naglalakad patungo sa elevator ay inililibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakapagpark ako sa 3rd floor, kaya naman kailangan kong pumunta sa basement floor para makarating sa supermarket area. Pagkarating ko sa may elevator ay nakasaad na nasa ground floor pa iyon. Habang naghihintay sa harap ng elevator ay may naramdaman akong bumangga sa hita ko. Lumingon ako sa baba. Doon ay may nakita akong batang lalaki na nasa tatlo o apat gulang na natumba pagkatapos nitong aksidenteng mabangga ako. Umiyak ito ng malakas. Tinulungan ko itong makatayo at chineck ang ito mula ulo hanggang paa, nag-aalala na baka nabalian o nasaktan ito. Nang makita kong hindi naman ito nasaktan ay saka lang ako huminga ng maluwag at pinunasan ang mukha nitong punong puno ng luha. Tinignan ko ang mukha nito, dahil sa nangyari kanina ay ngayon ko lang napansin na hazel green pala ang kulay ng mata nito. Foreigner kaya ito? "Uwaa! Daddy!!! Wuu!" Pumalahaw ito sabay iyak. I rubbed his head. "Shh, good boys don't cry." Pag-aalo ko rito. Nang marinig nito ang sinabi ko ay bahagya itong tumahan. My eyebrows raised in amusement. Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Cute! I smiled at the kid. Then I lightly pinched his cheeks and gave him praise. "Good boy." Tuluyan ng tumahan ang bata at nanatiling nakatitig ang mamasa-masang mata nito. Kinuha ko ang tissue ko na nasa bulsa ng uniform ko at pinunasang maigi ang mukha nito. Kahit na alam kong hindi ako kailanman magkakaroon nang sarili kong anak, hindi ibig sabihin no'n ay ayaw ko sa mga bata. On the contrary, dahil sa alam kong hindi ako magkakaroon ng sarili kong anak ay mas gusto kong nakakakita ng mga bata. At sinong may ayaw ng bata lalo na pag ganito ka-cute? Narinig kong bumukas ang elevator, ngunit hindi ako pumasok. Binuhat ko ang bata saka tumabi sa gilid para hindi kami humarang sa daan. At para na rin bigyang daan ang iba pang tao na lalabas at papasok sa elevator. Tinignan ko ang karga-karga kong bata. Nakayakap lang ito sa leeg ko habang tahimik na nakatitig sa mukha ko. Hmm, ang sarap iuwi. But immediately discarded the thought. "Where are your parents, little boy?" Tanong ko rito sa lengguwaheng Ingles. "..." Mali ba ako ng hula? Hindi ba 'to foreigner? Iba ang kulay ng mata eh. "Nasaan ang magulang mo?" I tried asking again. Sinubukan kong mag-tagalog. Baka sakaling iyon pala ang lengguwahe na naiintindihan ng bata. "..." Pinawisan ako. Hindi ba niya maintindihan English at Tagalog? Naalala ko ang sinabi nito kanina habang umiiyak. "Daddy?" Sinubukan ko lang, baka sakali may makuha na akong reaction rito. "..." Still, the kid did not reply and just stared at me silently. Nanatiling nakayakap lang ito sa leeg ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid, baka may naghahanap ng magulang nito sa kung saan man. Tumingin ako sa south. Tapos sa north. Saan ba ang information dito? Naglakad ako patungo sa pinanggalingan ko kanina, sa may entrance ng 3rd floor. Sa guard na lang muna ako magtatanong. Habang naglalakad ay kinakausap ko ang bata, kahit na hindi ko alam kung may makukuha ba akong sagot mula rito o wala, nagba-baka sakaling sa small conversations ay may makuha akong reaction mula rito. Nagsasalita man ay binibigyan ko rin ng pansin ang speaker ng mall, baka may magpa-broadcast ng missing child. "What's your name?" I continued asking. "..." "Anong pangalan mo?" "..." "Do you want ice cream?" "..." "Lollipop?" "..." Ah! Naalala kong may chocolate ako sa bulsa. Kinapa ko ang bulsa ko at kumuha ng isang chocolate at pinakita rito. Bigla ay nakita kong kumislap ang mga mata ng bata. Finally! A reaction! Ang cute niya talaga. Mabilis na bumitaw ang isang kamay nito, habang ang isang kamay nito ay nananatiling nakakapit sa leeg ko. Pagkatapos ay mabilis nitong kinuha ang chocolate mula sa mga kamay ko, sabay yakap ulit sa leeg ko. Naku... Kailangang maturuan ang batang to. Kahit di ko alam kung naiintindihan ako nito o hindi ay nagsalita pa rin ako habang patuloy na naglalakad. Pinagsabihan ko ito. "Don't trust strangers baby, okay? What if a bad person kidnaps you? Nako buti na lang ako ang nakakita sa'yo." "..." "We're going to find your parents now. I'm sure they're really worried a--" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang may humablot ng siko at napaikot ako. Buti na lang mahigpit ang hawak ko sa bata, kundi ay baka nalaglag iyon mula sa pagkaka-karga ko. Agad kong tinignan ang hawak kong bata. Sinipat ko kung nagulat ito sa biglang galaw ko. Nang makita kong okay naman ito ay saka ko lang galit na hinarap ang bastos na humablot ng siko ko. Bago pa lumabas ang mga salita sa bibig ko, ay isang malamig at galit na matured version na hazel green na mata ang nakatingin sa akin I unconsciously shivered. "Where are you taking my son?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD