"Where are you taking my son?"
Kasing lamig ng titig nito ang lamig ng boses nito.
Son?
Tinignan ko ang hawak kong bata atsaka tinignan ang kaharap kong gwapong lalaki.
Bukod sa parehas nilang kulay ng mata, ay parehas ang dalawa ng hugis ng mukha at labi.
"I was just about to go ask the security where I can look for his parents." Sagot ko rito.
"I'm already here. Give him to me." He commanded.
My eyes twitched in irritation.
Saan ba nanggaling ang taong ito at ni thank you eh wala?
Feeling pissed, I became a bit unreasonable.
"How can I be sure that you really are the father of this child?" Tanong ko rito. Imbes na ibigay ang bata ay mas lalo ko pang hinawakan ito. Mabuti na lang wala pa ring reaksyon ang bata na hawak ko kahit na dumating ang lalaki. Patuloy pa rin iton nakayakap sa akin, at nakatingin lang samin dalawang matatanda.
The guy looked at me weirdly, like he's looking at the most stupid thing in the world.
"C'mere Stanley." Pinili na lamang ako nito na wag pansinin at diretso ng tinawag ang bata.
Tinignan ko ang bata. Bahagyang nagkaroon nang reaksyon ang mga mata nito nang marinig nito ang pangalan na tinawag ng lalaki.
"Daddy." Tawag nito. Tumaas ang kamay ng tinawag nitong 'Daddy' atsaka kinuha ang bata mula sa mga braso ko.
Ngunit hindi pa man nito totally nakukuha ang bata ay tumigil ito.
Paanong hindi ito titigil, ay parang monkey stuff toy na nabibili sa perya ang hitsura ng bata ngayon. Ang katawan nito ay hawak-hawak na ng ama nito, habang ang kamay naman nito ay nananatili pa ring nakayakap sa leeg ko. At dahil pinipilit itong kunin ng ama nito, ay lalong humihigpit ang pagkakahawak ng bata sa leeg ko.
"Hey stop pulling him, I can't breathe." Tawag ko sa ama nito habang umuubo. Namumula na rin ang mukha ko dahil sa kawalan ng hangin.
Marahil ay napansin nito na hindi makukuha sa dahas ang mga bagay-bagay, kaya naman nag-aatubili man ay binitawan na nito ang pagkakahawak nito sa bata nang maramdaman nito ang mga kamay ko na sinalo ulit ang pang-upo ng bata.
Kinarga ko ulit ang bata, habang ang isang kamay ko naman ay hinimas himas ang nasakal kong leeg.
"Let go of him Stan." Sa lamig nang boses nito, hindi na ako magtataka na natakot ang bata. Ramdam ko na kumislot ito sa hawak ko nang marinig ang boses ng ama nito.
Hinaplos ko ang likod ng bata para aluin ito.
"Good boy, let go of Kuya. I'll give you more chocolates." Malambing ko na kinausap ito. Bumunot ulit ako sa bulsa kong chocolates at pinakita rito.
Kumislap ang mata nito. At dahil natuto na ako kanina, bago pa ulit nito mahablot ang chocolate sa kamay ko ay dali-dali ko ng inilayo ito roon.
Lumuhod ako. "Kuya's neck hurts, can you please let go of it? Awww." Kunyari ay nasasaktan akong umarte sa harap nito.
Mukhang napansin naman nito iyon, kaya agad nitong tinanggal ang mga kamay na nakayap sa leeg ko na parang napaso. The kid bit his lower lip in guilt.
Ngumiti ako. Sabay inabot dito ang chocolates. "Really such a good boy." Nakakagigil! Ang sarap halikan. Pero nagtimpi ako sa kahihiyan. Pinaalala ko sa sarili kong nandito ang tatay nito ngayon. Binaba ko na ang bata bago pa ito ulit kumapit sa leeg ko, sabay tayo.
Yumuko naman ang lalaki saka binuhat ang bata.
"Thank you." Saad nito.
Infairness, marunong naman palang mag-thank you.
"No problem." Tumingin ako sa bata at pinisil ang pisngi nito. "Don't make your parents worry, okay?"
Binalik ko ang tingin ko sa lalaki, "Don't leave your child out of your sight, it's dangerous nowadays." I couldn't help but scold the father. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito. Nagpaalam na ako rito at naglakad pabalik sa elevator.
"Wait." Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang tawag nito. Naglakad ito habang may inaabot sa inner pocket ng suit nito.
"Here's my calling card. If you need anything you can call me." He paused and glanced at his son. "As my gratitude for looking after my son." Anito.
Tinignan ko ang iniabot nito. Tumango ako at tahimik na naglakad papuntang elevator. Tinignan ko ang calling card nito.
My eyes widened in surprise.
Akalain mo nga naman. Ito lang naman ang may-ari ng mall na kinatatayuan ko ngayon.
Muntik ko ng mabitawan ang calling card na hawak ko na animo'y napaso. Dali-dali kong inilagay sa wallet ko ang calling card nito.
Wala akong balak tawagan ang big shot na kagaya nito.
Nag-ding ang elevator, nagmamadali akong pumasok.
"What floor sir?" Tanong ng elevator girl.
"Basement." Tumango ito sabay pindot ng 'B' button. Sumara na ang elevator door at gumalaw na iyon pababa.
I silently took a deep breath and threw everything that happened earlier at the back of my mind.
It's not like I'm going to meet them again.
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ulit ang message ni Mariel.
Pagkatapos ay minessage ko ito.
[ Wala ka na ibang ipapabili? ]
Habang hinihintay ang reply nito ay bumukas na ulit ang pintuan ng elevator. Narinig ko ang boses ng elevator girl na nagsabing nasa basement na sila.
Naglakad na ako patungo sa supermarket. Kumuha ng push cart saka binili lahat ng pinapabili ni Mariel. Paminsan-minsan pag may nakikita akong kailangan ko o gusto kong bilhin ay nilalagay ko ito sa cart.
Makalipas ang isang oras, natapos na akong maggrocery ay hindi pa rin nagre-reply si Mariel, siguradong busy na ito, kaya't nagtungo na ako sa cashier para magbayad.
Pagkatapos kong mamili ay mabilis akong naglakad patungo sa parking area. Gusto ko nang mahiga sa kama ko at matulog. 20 mins drive mula sa mall hanggang sa apartment namin ni Mariel, kung walang traffic—which is impossible lalo na kung ganitong oras. Kaya siguradong aabutin pa ako ng almost an hour bago makauwi. I groaned inwardly.
Pagkarating sa apartment ay pinarada ko sa harap ang kotse ko.
Binitbit ko ang mga grocery at bag ko papasok sa apartment. Nilagay ko muna ang mga dapat ilagay sa ref atsaka kinuha ang kare-kare. At dahil tinatamad na akong magreheat at sabik na akong matulog ay sumandok na lang ako ng kaunting kanin atsaka kaunting ulam. I know it's unhealthy to sleep after eating but my body is screaming for sleep.
Habang kumakain ay minessage ko ulit si Mariel.
Nakauwi na ako. Sleep na ako after eating.
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Hindi na talaga kaya ng mata ko, nagbihis na ako atsaka humiga.
**********
"Open." I heard a milky voice speak sitting beside me. Nakita kong niabot ni Stanley ang chocolate sa akin. I frowned.
"I'm gonna open this, but you have to brush your teeth later." I sternly said. He nodded his head in response. Binuksan ko ang chocolate nito at ibinalik iyon dito.
Sandali ko itong pinagmasdan, pagkatapos ay tumingin ako sa yaya nito na siyang nakawala kay Stanley kanina. Good thing nothing happened to Stanley, or else.
I looked at her coldly. She trembled.
"Help him brush his teeth later." Bilin ko rito. Anitong tumango.
One month pa lang itong yaya ni Stanley. Nakailang palit na ako ng yaya dahil wala pa ring makasundo si Stanley sa mga yaya niya.
Bigla kong naalala ang lalaking nakahanap kay Stanley kanina. Mukhang nurse ito, pero magaling mag-alaga ng bata. Pediatric nurse kaya ito?
Tumingin ako kay Stanley, nag-eenjoy pa rin ito sa pagkain ng chocolate na binigay ng lalaki kanina. Ilang buwan nang mailap si Stanley sa ibang tao. Sa akin lang ito hindi indifferent, kahit nga ang mga lolo at lola nito ay nagtatampo na, dahil ayaw makipaglaro ng apo ng mga ito o kahit magpalambing man lang. Kaya naman nakakapagtakang ayaw nitong umalis sa tabi ng lalaki kanina na kanina niya lang nakilala.
"I need to go back to work now. You and Stanley can go home. Erika, call my driver. Tell him, uuwi na si Stanley." Una ay kausap ko ang yaya ni Stanley pagkatapos ay binilin ko sa huli ang secretary ko bago pumasok sa office ko.
Umupo ako sa swivel chair at sinandal ang ulo ko sa headrest saka pumikit. Sa buong buhay ko, kanina lang ako nakaranas ng takot at kaba ng malaman kong nawawala si Stanley.
Three years ago ng dalhin sa doorstep ko ni Keira ang isang 6 months old Stanley. Keira and I were seriously dating before and broke up because she didn't want to get married.
I had no idea she was pregnant before we broke up. At nang ipinanganak nito ang anak namin, she wanted me to take care of Stanley for her. And the reason why she wants to give up the custody of Stanley was that she wanted to pursue her dream as a model.
The same reason she gave me when we broke up. And even f*****g blamed me for delaying her plans for more than a year.
Of course, I agreed to take care of Stanley, but I made sure to take care of the legal matters just in case this woman changes her mind and decided to take back Stanley.
I don't even know why I seriously dated someone like her.
I looked at the picture frame on my table. It was a picture of Stanley taken 2 years ago. Is the reason why he is so aloof and indifferent to other people was because he doesn't have the care and love from a mother?
Then I remembered that scene from earlier, Stanley clinging tightly to that man's neck. Just what did he do to make Stanley become so attached to him? Really makes me wonder.
Oh yeah, I forgot to ask his name and contact number.
I rubbed the bridge of my nose.
Anyhow, I'll just wait for him to contact me.
I threw away all my idle thoughts at the back of my head and started to finish the work that got disrupted earlier.