[13] Wild night
The breeze seems inviting. Ayon kaagad ang sumalubong sa amin pagkababa pa lamang namin ng bangka. Nasa isang private resort kami sa Batanggas na pag-aari ng dati naming kaklase na si Imirin. Siya rin ang nag-sponsor sa reunion ng aming batch.
Yumuko ako at hinubad ang suot kong flip flops dahil mahirap maglakad sa buhanginan nang naka-tsinelas. The roughness of the sand against my barefoot brings back memories.
Kailan nga ba ako huling nakatungtong sa beach? Two years ago, three years or was it four? Hindi ko na maalala. Hindi naman kami madalas pumunta sa mga dagat dahil takot si Gerry. Hindi kasi siya marunong lumangoy kaya ganoon na lamang ang pagkamuhi niya sa tubig.
"This is nice, right? Very refreshing."
"Yes. I'm afraid you're right."
Tumabi sa 'kin si Jake na nakasuot ng kulay puting V-neck tee shirt at naka-shorts. Nakatingin din siya sa horizon ng dagat. Papalubog na ang araw at napakaganda nitong pagmasdan. I leaned sidewards at inihilig ang ulo ko sa balikat ni Jake. Parati kasi namin iyong ginagawa noon. Kapag napapagod na ako at kapag pareho kaming kalmado. Ang mga nakasanayan namin.
Mayamaya lamang ay may mga tao na bigla na lamang humuni na parang ibon sa likod namin.
"Uy kayo ha. Lovie-dovie na ba ulit?"
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig."
"Ayie, this is gonna be fun."
Iba't ibang komento ng mga dati naming kaklase. Natawa na lang kami ni Jake habang pilit namin silang pinapatigil sa pagbibigay ng malisya sa aming ginagawa. Sa isang sulok naman ng porch ng rest house ay nahagip ng mga mata ko si Damien na tahimik lamang kaming pinagmamasdan at masamang nakatingin kay Jake.
I smirked at him. Akala ko ay sisimangot pa siyang lalo dahil sa inis ay nagkamali pala ako. Ngumisi rin siya sa 'kin na mapang-asar kaya't inirapan ko na lang.
"Pumasok na tayo sa loob guys, 'yung mga girls naman ay magpe-prepare ng foods at kayong mga lalaki ay mag-set na ng bonfire natin for later." Utos ni Imirin. Pumasok na kami sa loob ng bahay pero nang tinignan ko ang kinatatayuan ni Damien ay wala na siya roon.
Nang makapasok na kami ay naroon na nga sa loob si Damien. Prente itong naka-upo sa sofa habang nagbubuklat ng magazine. Ang isang kamay ay naka stretch sa sandalan ng mahabang sofa ang mga paa naman ay naka-dekuwatro na animo'y prinsipe na kailangang pagsilbihan.
"Oy Zach, you're here na pala. Bakit hindi ka sumabay sa amin sa lantsa?" Tanong ni Jolo na isa sa mga kaibigan niya noong high school kami.
Isinarado niya ang magazine at tumingin sa direksiyon namin. Ngumiti siya nang magtama ang aming mga mata. Inirapan ko lang siya.
"May inasikaso pa kasi ako pare, anyway I'm already here so let's start this reunion. I'm very much excited." Aniya na may tunog ang bawat salitang binitawan. Matapos iyon ay isa-isa nang nagsilapitan sa kaniya ang dati naming mga kaklase kabilang na ang mga babae na may gusto sa kaniya.
Damien's quite popular, well he is very popular until now. Especially to the girls. Naroon ang pinadadalhan siya ng mga sulat ng mga babae at mga regalo. Pero dahil nga sa wala siyang puso ay hindi niya ito tinatanggap.
Minsan ay naglakas loob ako na bigyan siya ng love letter, valentines iyon at dahil nga sa nahihiya ako ay inilagay ko na lamang sa kuwarto niya. Hindi ko alam kung tinapon niya ba iyon pero may nakita akong papel na punit-punit ang winalis ni Aling Kora galing sa kuwarto niya.
"Okay na! Let's get to work guys and girls! Chop-chop!" Sigaw ulit ni Imirin.
"Teka muna!" Singit naman ni Lynn at umangkla sa braso ni Damien. Si Damien naman ay pilit inaalis ang braso sa pagkakalingkis ni Lynn. "I'll help Zach na lang. He's pagod so mahihirapan siya right?" Maarteng sabi ni Lynn.
Palihim ko naman siyang inirapan.
Si Lynn Mundin. Ang kaklase naming patay na patay kay Damien noon. Siya ang presidente ng fans club ni Damien. And also, siya rin ang madalas umaway sa 'kin noon dahil nakatira kami sa iisang bubong ni Damien.
I snorted. As if naman na may pakealam ako kung umangkla man sa kaniya si Lynn. I don't even care kung maglampungan pa sila sa harap ko.
"Yara, okay ka lang ba?" Tanong ni Jake na nasa tabi ko. I looked up and glared at him. Ngumuso naman siya na parang bata at tumungo.
Matapos iyon ay dumiretso na kami sa kusina para i-prepare lahat ng kakainin namin. Ako ang bahala sa pagtitimpla ng sauce ng barbecue para sa dipping mamaya. At ang iba naman ay sa iba pang mga pagkain.
Naghahalo ako ng sauce nang biglang tumabi sa 'kin si Karen. Nagtutuhog siya ng mga marshmallows sa isang mahabang stick.
"Uy Yara friend, kayo na ba ulit ni Jake? I mean, 'di ba may past kayo. Gosh ang sweet niyo kanina nakakainggit." Komento niya na halatang kinikilig.
I frowned pero hindi ko pinahalata.
"Hindi kami ni Jake, ano ka ba. We're good friends, that's it." Tanging sabi ko na lamang para hindi na pahabain pa ang topic na iyon. Hindi na siya nagtanong pa dahil sumigaw na si Imirin na ready na ang nasa labas na bonfire.
Dala-dala ko ang sauce at nilagay iyon sa buhanginan, of course may maliit na lamesa para hindi malagyan ng buhangin. Nakapalibot sa apoy ang mga tuwalya na uupuan namin. Inilapag na rin ng mga babae ang mga pagkain at naupo.
Sa tabi ko si Jake at Imirin na kapwa nakikipag-usap sa kani-kanilang katabi. Si Damien ay kaharap ko at kitang-kita ko kung paano niya ako tignan. I looked away trying to clarify my thoughts.
Lumabas si Irina na nagsisisigaw at may mga bote ng tequila na iwinawagayway. Kaya pala nagdala si Imirin ng asin at lemon dahil mag-iinom sila.
"Okay nandito na ang drinks natin so let's start the party!" Sigaw ni Irina at naupo sa isa sa mga bakanteng pwesto.
Lumipas ang oras at kaniya-kaniya na sila ng kuwentuhan. Ang iba ay medyo lasing na at umiiyak. Ang iba naman ay tinatawanan ang mga lasing na.
Tumayo si Imirin sa tabi ko.
"Let's play a game! Truth or dare, walang killjoy!" She shouted at pinagtuturo ang mga nasa unahan niya. Nagsisigaw na rin ang iba at kumuha ng isang bote ng wala nang laman na alak.
Ipinaikot iyon ni Imirin at wala pang isang minuto ay tumapat iyon kay Jake. Tumingin ang lahat sa kaniya habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.
"Truth,"
"Okay," panimula ni Imirin "Mahal mo pa ba si Yasmin Rasiel Juano?" Nang marinig ko ang pangalan ko ay bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng malakas na hiyawan nila.
"Yes, of course." Straight forward na sagot ni Jake. Lalo pa tuloy na lumakas ang sigaw nila na sinamahan na rin ng panunukso. "She's my best friend," dugtong niya pa pero halos hindi na marinig dahil sa sobrang ingay ng nasa paligid namin.
Sunod-sunod ang nangyaring truth and dare. Ang iba ay na nag-dare ay wala nang nagawa dahil sa mga inuutos sa kanila. May iba na nagsayaw ng dirty dance at ang iba naman ay nag-underwear na lumublob sa dagat.
Pinagmasdan ko ang mabilis na ikot ng bote hanggang sa tumigil ito. Biglang sumigaw ang lahat nang tumapat ang dulo nito kay Damien.
"So Zach, truth or dare?" Maarteng tanong ni Lynn dahil siya na ang magbibigay ng tanong o parusa.
Wala namang emosyon si Damien na tumingin sa kaniya.
"Dare,"
"Okay," napansin ko ang ngisi ni Lynn. "So what's your pinaka-ayaw nga na part ng chicken muna?"
"Neck."
Lalo pang lumawak ang kaniyang mga ngisi habang inaabot kay Damien ang isang shot ng tequila. Punong-puno ang shot glass na halos umapaw na ito.
"Do a body shot sa pinaka-magandang babae dito ngayon. But you have to do it on her neck, and of course that girl should hold the lime using her mouth." She commanded teasingly.
Bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang dare na iyon. Nang tumingin ako kay Damien ay nakita ko kung gaano kalaki ang ngisi sa mga labi niya. I swallowed an imaginary lump on my throat as I met his gaze.
Tumayo na siya at dumiretso sa direksiyon ko dala ang shot niya. Mukhang nagulat din si Lynn dahil tumahimik na ang paligid. Lahat ay nag-iintay sa kung anong gagawin ni Damien.
"Ayoko." I said without hesitations.
Ngumisi lang sa 'kin si Damien.
"As you wish, but you have to drink all of this as your dare. Right?" Ipinakita niya sa 'kin ang isang malaking baso ng Jack Daniel's. Iyon ang parusa sa mga killjoy, sabi ni Imirin.
I looked at him again at tinignan ko ang iba naming mga kasamahan na nakangiti ng nakakaloko. Lalo na si Jolo na alam ang totoong nangyayari sa amin ni Damien. He was invited noong kasal namin at naroon din siya nang maghiwalay kami.
Nag-thumbs up pa siya kay Damien.
I growled. "Fine,"
Padabog kong kinuha sa kaniya ang lime ay nilagay iyon sa bibig ko. Nalasahan ko naman ng kaunti iyon. Wala na akong nagawa kundi ang ihilig ang leeg ko habang inilalagay ang asin.
He lowered down at pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit niya hininga sa balat ko and the next thing I know is that I am trying my hardest not to moan.
He licked the salt, his hot tongue against my skin. Mabilis niyang na ininom ang hawak na tequila pero hindi panatatapos doon ang lahat. Dumiretso siya at sinipsip ang lime na nasa mga labi ko. Tumagal ang posisyon naming iyon dahil na rin sa hindi ko siya magawang itulak. Masyadong mabilis ang pangyayari at masyado akong nabigla.
Nang humiwalay na siya sa 'kin ay naunang kumilos ang kanang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi ni Damien. Sapat na ang lakas para magsitigil ang mga kaklase naming sigaw nang sigaw.
"Enough," I said then walked out. Naririnig ko pa ang mga sigaw nila at pagtawag sa pangalan ko pero hindi ako lumilingon. Nagtungo ako sa kung saan mang part ng beach.
No. Never again. Sisiguraduhin ko na hindi na mauulit ang lahat. Marahil ay tinototoo niya ang sinabi niya noon kay Terrence na kukuhanin niya ako.
Hindi ko hahayaang mangyari iyon.
Never. Never again.
"Yara, come on. It's just a game." Habol sa 'kin ni Irina. Tuluyan naman akong tumigil para humarap sa kaniya. I sigh in frustration.
"I know, sorry napikon lang ako."
Irina smiled at me.
"It's okay, halika na let's just continue the game."
Nagaalangan pa akong nakatingin sa kaniya pero sa huli ay napasuko niya rin ako. I gently nodded at kaagad niya akong hinila papunta sa kung saan naroroon ang grupo. Nakapalibot pa rin sila sa bonfire at mukhang may bago nang nabiktima.
I sat down next to Irina trying to vent out my anger on small shells na binabato ko sa apoy.
"Truth or dare?" Dinig kong tanong ni Jolo pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Sandlaing natahimik ang paligid.
"Dare." Sabi ng pamilyar na boses. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Lynn na nakangisi kay Jolo. Naghiyawan naman ang iba pa naming kasamahan dahil sa sagot nito.
I rolled my eyes,
"Kiss the person you like, passionately." Dare ni Jolo kay Lynn. Ngumisi naman ito atnagsimulang maglakad papunta kay Damien. I wasn't anticipating for what's next or whatsoever. Ano namang pakealam kokung maghalikan pa sila sa harap ko.
I gazed at the shore.
Naramdaman ko naman ang pagtahimik ng paligid at mayamaya pa ay nagsigawan na ulit ang mga kaklase ko. I guess he let her kiss him. . .passionately.
Nang magsimiula na ulit ang laro ay tumingin ako kay Damien na nakangisi sa akin. At ang gago, nang-aasar pa! Surely he liked the kiss! Inirapan ko lamang siya. Nang dumako naman ang paningin ko kay Lynn ay inirapan naman nito ako.
What's with her?
"Yara." Tinapik ako ni Imirin sa balikat kaya't nilingon ko siya. "Dalhin mo na muna si Damien sa kuwarto niya, mukhang lasing na."
"Why me?" I protested.
She smiled at me na parang may alam na hindi ko alam. "You were his wife," she said casually. Mabuti na lamang at hindi narinig nung iba.
"Alam mo?"
"Yes, Jolo told me."
Ngumuso ako at umiwas ng tingin. "Were, Imirin. Past tense."
Imirin laughed a little. "Ganito na lang, since kilala niyo na naman ang isa't isa since you were young kaya ikaw na ang maghatid sa kaniya." Nilingon ko si Imirin at pinagtaasan nito ako ng kilay. "Come on, kawawa naman 'yan kapag dito sa buhanginan natulog."
Napahinga na lang ako ng malalim at padabog na tumayo para alalayan si Damien. Nilagay ko sa balikat ko ang braso niya habang inaalalayan siya sa bigat.
"Ano ba?!" I hissed nang ayaw niyang tumayo.
I was about to let him sleep on the sand nang makita ko ang pamilyar na cup sa tabi niya. The punishment cup.
"Stubborn asshole," I whispered.
Inalalayan ko ulit siyang tumayo at nang sumunod naman siya ay medyo nadalian ako sa pagpasok sa kaniya sa loob. Though patigil-tigil kamo dahil sa may pagkamabigat si Damien.
"Maglalasing-lasing tapos hindi naman pala kaya!" I silently muttered. "Dapat doon ka na lang nagpahatid sa Lynn mo. Psh!"
Damien groaned nang isandal ko siya panandalian sa pader.
"Jealous?"
Napalingon ako sa kung saan iyon nanggaling. I saw Jake standing behind me at may dala itong isang bowl ng spicy buffalo wings.
"As if." I snorted then rolled my eyes at him. "Bakit hindi mo kaya ako tulungan? Or better yet ay ikaw na ang mag-akyat dito, tutal ikaw naman ang kaibigan."
"Pero ikaw naman ang ka-ibigan." Jake whispered. "No can do, missy. My hands are full"
"But--"
Mangangatwiran pa sana ako pero mabilis niya akong nilagpasan at iniwan sa akin si Damien.
I gritted my teeth
~*~
Inalalayan ko siyang mahiga sa kama. "Ano ba?! Just go to sleep, quit being a baby!" Sermon ko habang inaayos ang mga unan.
Aalis na sana ako nang bigla na lamang niya akong higitin dahilan para ma-out of balance ako at mapahiga na rin sa kama. Nakatalikod ako sa kaniya at siya naman ay nakayakap sa akin.
I can feel his hot breath against my neck.
"Stay," he commanded.
*****