Chapter 11

1456 Words
[11] Innocence "Anton makikibantayan si Gerry ha. And one more thing, hindi masyadong marunong ang anak ko na mag Tagalog. Kapag nainis 'yan sa 'yo ay magsasalita 'yan ng French." "Bongga! Ano 'yang anak mo, computer at maraming alam na language?" Tinampal ko siya sa braso niya na ngayon ay may muscle na. Naalala ko ang sinabi niya sa 'kin noon na nagwo-work out na raw siya sa gym dahil marami siyang nakikitang papabols na nakatopless. "Gaga! At saka puwede ba na huwag mong turuan ng kung anu-ano ang mga bata. I know what you are doing," "Hoy bakla ka! Anong alam mo ha?!" Aniya na dinuduro ako ng pink na ballpen niya na may tatak na Hello Kitty. "Nakita kaya kita noon. Tinuturuan mo ang mga bata kung paano gumawa ng loveletter at paano magboy hunting!" Pagkatapos ko iyong sabihin ay sinundot-sundot niya ako sa tagiliran na para bang inaasar ako. I rolled my eyes at him dahil para siyang baliw na tipaklong. "Uy friend, 'wag mong ipagkakalat 'yun ha. Alam mo na, kapag natanggal ako sa work wala na akong ipapakain sa mga babies ko." He said. And 'babies' means her boyfriends na panay ang huthot sa kaniya ng pera at mamahaling mga regalo. Minsan ay naawa ako sa kaniya dahil pumupunta siya sa bahay namin para maglasing at makalimot dahil niloko siya ng kaniyang boyfriend. Naisip na rin namin na ireto siya sa isang babae kaso walang nangyari. The girl left nang malaman na bakla si Anton stating words like: "Sayang, guwapo sana. Bakla lang." Natigil lang ang tawanan namin ni Anton nang bumukas ang pinto ng principal's office at niluwa noon si Damien kasama ang Principal na masayang nag-uusap. Anton poked me on my arm. "Ano namang ginagawa niyan dito?" He asked sabay turo kay Damien at pasimple itong inirapan. "Ewan ko, hay nako hayaan mo siya." Pilit kong iniiwasan ang tingnan si Damien at pansinin ang presensiya nito dahil baka mag-eskandalo na naman ito sa school. Mabuti na nga lamang at bago na ang Principal ng school at walang alam tungkol sa akin at kay Damien. "Sige na bakla, I have to go. Kailangan ko pang i-check ang ginagawa ng mga tauhan ko." Paalam ko rito. Bago ako umalis ay sinilip ko muna si Gerry na masayang nakikipag-usap sa mga kaklase niyang babae. She's showing them her drawing last night were she's wearing her uniform and playing with her friends. I waved at her goodbye at gayun din naman siya. Nagmadali na akong umalis dahil ayokong makasabay si Damien paglabas ng school. But I was wrong, naroon sila nag-uusap sa may garden. Bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang mga sinabi niya sa Principal. "My wife used to worked here, before. As an art teacher." "Well, I would love to meet your wife." "Soon, she'll be back soon." I gritted my teeth and clenched my fist habang pinipigilan ang sarili na sumabat sa usapan nila. I don't want to make a scene na magdadala sa 'kin sa kahihiyan at pagsisisisi. I hurriedly went to my car and drive as fast as possible. Dumiretso ako sa mall at doon kikitain si Aby. She asked me last night kung puwede raw ba kaming magbonding. Mabuti na lamang at si Miyang na ang susundo kay Gerry mamayang hapon. Kauuwi lang ni Aby from Milan kaya hindi kami madalas nakakapag-usap. I parked the car at pumasok na sa loob. Kaagad ko namang nakita si Aby malapit sa may elevator. Hinihila niya palayo si Alexis dahil gustong-gusto ang sumakay doon. "Aby, anong nangyayari?" "Ito kasing si Alexis e, ang kulit. Gustong sumakay sa elevator tapos bababa ulit. Kanina pa niya ginagawang ride sa amusement park ang elevator." She uttered in frustration. Humagikgik ako habang pinagmamasdan ang batang iyon na umiiyak at nagpupumilit. Kinalaunan ay napapayag din namin si Alexis na kumain muna bago sumakay ulit sa elevator. Ayaw pa niya pero napilit namin dahil sinabi ni Aby na ibibili niya ito ng Ben10. "Yara, kelan niyo ba balak magpakasal ni Terrence. The guy's waiting forever." "I don't know. Hindi ko alam kung kelan ba ako magiging handa na magpakasal ulit." "If you're going wait for the time to be ready, then you're waiting for a lifetime! Terrence is a nice guy, alam kong mahal na mahal niya kayong dalawa ni Gerry." I laughed, "Did he bribed you Abygail?" "Hindi naman, it's just that siguro ay oras na para totohanin niyo ang lahat-lahat." Hindi ko na sinagot pa si Aby, trying not to complicate things dahil alam ko na ie-insist niya lang sa'kin ang pakasalan si Terrence. Alam ko naman iyon. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagmamahal ni Terrence. I know that he loves me and Gerry. I love him too pero hindi ang pagmamahal na gusto niya. I want him to be happy, but not in the way of marrying me. Ayoko siyang itali sa isang kasal na walang patutunguhan. To a loveless marriage, dahil alam ko kung gaano kasakit iyon. And I am not a cruel person para iparamdam sa kaniya ang naramdaman ko noon. "Balita ko ginugulo ka ni Damien. Is he the reason kung bakit ayaw mong pumayag sa proposal niya?" Muling tanong ni Aby. "No Aby. He's not the reason, kaya lang ako ginugulo ni Damien ay dahil gusto niya na magkabalikan kami." She smirked, "Gusto mo bang balikan siya?" "Of course not! I learned my mistakes, and I am not willing to make those same mistakes again." "Mabuti naman kung ganoon." Buong araw pagsha-shopping namin ni Aby ay wala na siyang ibang bukang bibig kundi si Terrence and how could I reject his proposal. Ngayon ay nagdaldawang-isip na tuloy ao kung hindi ba talaga siya binayaran or kung anuman ni Terrence para pilitin ako na magpakasal. Nang hindi ko na matiis pa ang ranting ni Aby ay nagpaalam na ako. I told her na may kukuhanin pa ako sa site na kailangan kong i-analyze para sa interior designs ng hotel. She agreed dahil gusto na ring umuwi ni Alexis. Nang nasa loob na ako ng kotse ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. I hurriedly went home pero bago iyon ay napadaan muna ako sa school ni Gerry. Before I took a turn ay may nakita akong isang bata na nakauniform. Nakaupo ito sa madilim na parte ng waiting shed. I got nervous dahil baka si Gerry iyon at hindi nasundo ni Miyang so I got out of the car. "Gerry?" I called her name. Pero nang makalapit na ako ay laking gulat ko kung sino iyon. It wasn't Gerry, it was Keia. Tahimik lang itong nakaupo. "Keia." Tawag ko sa kaniya. Umangat naman ang mukha niya para tignan ako. "Anong ginagawa mo rito? Where's your service, it's already six in the evening." "Hindi ko po alam." I looked around and true, wala nga roon na kahit isang sasakyan. I looked at her again. Ayoko naman siyang iwan dito ng mag-isa dahil baka kung mapaano pa ang batang ito. "Keia, come with me muna okay. I'll text your tita Divina para sunduin ka." She nodded at sumama na sa'kin. Wala akong ibang choice kundi ang iuwi siya sa amin. Buong biyahe ay tahimik lamang siyang nakatingin sa bintana ng kotse. "Halika na Keia," I lead her inside kung saan naabutan ko si Gerry na tinutulungan si Miyang na maghanda ng table. Gerry's holding the spoons at si Miyang naman ang naglalagay. Nang makita ni Gerry ang kasama ko ay kaagad nanlaki ang mga mata niya. "O my gee! Keia what are you doing here." "Gerry. You're Mom invited me." "Really Mom? Yeay, we can play!" I saw how Keia smiled at Gerry. Mukhang magkaibigan na ang dalawa. Gerry showed Keia her room and toys at ako naman ay nagbihis na matapos itext si Divina. Bumaba na ako at naabutan doon si Gerry na nakaupo kasama si Keia. "Let's eat dinner." "Oui!" Sigaw ni Gerry. Habang maganang kumakain si Gerry at Miyang ay siya namang walang kibo ni Keia. "What's wrong Keia, ayaw mo ba ng foods?" I asked. Umiling naman ang bata. "Then what's the matter?" I insisted, tumungo lang ito na para bang nahihiya. "Hindi ko po kasi alam kung ano ang gagawin. I've never dine with anyone before. Hindi ko po alam ang dapat sabihin at gawin kapag may kasabay kumain." She said. Parang may kung anong humaplos sa puso ko sa mga sinabi niya. All this time, kaya pala siya tahimik ay dahil wala siyang experience sa pagkain ng may kasabay. It's her first time to eat with people in one table. I looked at her and I felt pity. She must be having a hard time dealing with all those problems. "Keia..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD