[19]
Inilagay ko sa loob ng pack bag ni Gerry ang kaniyang mga gummy bears na binili ko pa sa mall. Bago siya matulog kanina ay binilin niya sa 'kin na siguraduhin kong na-i-pack ko sa bag niya ang mga favorite niyang trolly. Simula kasi nang maka-uwi na kami sa bahay ay siya ring pagpupumilit na makita si Lolo.
Gustong-gusto niya na raw na maka-usap si Lolo at makalaro si Keia. Hindi kasi nito nabisita si Gerry noon dahil nga sa hatid-sundo siya ng driver nila.
"Ma'am..." tawag ni Miyang sa atensiyon ko.
Nakasandal ito sa gilid ng pinto na may bitbit na bag. Sinabi ko kasi sa kaniya na sumama sa amin sa mansiyon para may magbabantay kay Gerry. Tumingin ako sa kaniya.
"Ano 'yun?" Tanong ko.
Halata sa mukha ni Miyang ang pag-aalala at parang hindi siya mapakali. She seems bothered at parang ilang araw nang hindi nakakatulog ng maayos.
Suminghot muna ito bago tumunghay para harapin ako. "Puwede po ba muna akong umuwi sa probinsiya namin? Si Amang ko po kasi nagkasakit, pinapauwi po muna ako ni Inang." Paghingi niya ng pahintulot sa 'kin.
Halata sa itsura niya ang pag-aalala. Ang kaniyang mga mata na mamula-mula at mugto dahil sa pag-iyak at ang kaniyang eye bags dahil siguro sa ilang araw na hindi pagtulog ng maayos. Pulang-pula rin ang ilong niya dahil sa kanina pa siguro sa umiiyak. Kaya pala nang katukin ko siya sa kuwarto ay garalgal ang boses niya. Ang akala ko ay dahil sa sipon pero hindi pala, umiiyak na pala siya noon at hindi man lamang sinasabi sa 'kin.
Tumayo ako at tinungo ang itim kong pitaka na nakapatong sa maliit na tukador ko. Mabuti na lamang at nakapag-withdraw na ako noong isang araw. Kumuha ako ng pera at hinarap siya na nangingilid ang luha.
"O heto, idagdag mo sa pambayad niyo ng ospital at gamot. Nandiyan na rin ang calling card ko para kung sakali na mabura mo ang number ko." I said sabay abot sa kaniya ng mga hawak ko. Nagdadalawang isip pa siya kung kukuhanin niya ang nasa harapan pero hinigit ko kaagad ang palad niya at nilagay roon ang pera. "Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong. Don't worry, we'll pray for your father's quick recovery."
Hindi na napigilan pa ni Miyang ang umiyak kasabay ng mahigpit na pagyakap sa 'kin. I patted her back as she quietly sobs.
"Salamat po ng marami. Napakabait niyo po talaga." She thanked me in between her sobs.
"You're welcome, you know that you're like a sister to me. Kaya kapag kailangan mo 'ko, I'm just a call away."
"Salamat po talaga Ma'am Yara."
Matapos ang ilang ulit na pasasalamat ni Miyang sa akin ay tumungo na siya sa terminal ng bus. Nagpresinta pa ako na ihahatid siya pero siya na mismo ang humindi. Sinabi niya na baka ma-traffic kami ni Gerry mamaya papunta kila Lolo.
Bumalik na muli ako sa pag-iimpake ng ilang damit ni Gerry dahil alam ko na sobra na naman itong magpapawis. Knowing Gerry and Keia, they're the best of friends. Parating magksama kahit sa school na talaga namang napapansin ni Anton.
I even packed Gerry's favorite T-shirt of Terrence. Ayon ang unang-una na bilin sa 'kin ng anak ko bago matulog. She made me promised na isasama ko iyon sa mga gamit niya. I know how she missed her Daddy Terrence so bad. Kailangan kasi nitong ayusin ang business nila. At sa isa pang problema. Alam kasi ng mga magulang nito ang tungkol sa kasal namin pero hindi nila alam na fake lang lahat ng iyon. Ang akala rin nila ay tunay na anak namin si Gerry. Now, they're asking for another grandchild, siyempre hindi naman namin kayang ibigay iyon.
Terrence's parents are both wonderful. Mahal na mahal nila si Gerry. Medyo spoiled nga sa kanila ang bata lalo na't kapag hindi ko nasusunod or hinihindian ko ang mga luho ng bata.
They are so supportive of their son. May pagka-strict nga lang pagdating sa pag-aari nilang ospital. Terrence, as their only child, must manage and continue what they started. At gayun din ang plano nila kay Gerry kapag hindi pa namin sila nabigyan ng apo na lalaki.
"Mommy..." I gazed at the little kid who called me. Nakatayo ito sa labas ng kuwarto ko dala ang manika nito na paboritong itabi sa pagtulog. Ang kaliwang kamay nito ay kinukusot ang kaliwang mata. "Mommy, m-monster." She started to sob softly. Kaagad ko naman siyang dinaluhan at kinarga.
Inihiga ko siya sa kama at nahiga rin ako sa tabi niya. She's now crying habang nakasubsob sa dibdib ko at mahigpit na nakaykap sa akin.
"Hush now sweetie, walang monster okay? Mommy is here and I will protect you. Nandito rin si mister monkey na ipo-protect ka, so don't cry anak." pag-alo ko dito.
Iyak pa rin siya nang iyak kaya niyakap ko na siya habang pilit na pinapakalma. She's been like this eversince. She seems so tough and intimidating, but like every other kid. Gerry's weak. She's timid and delicate. That's why kung maari ay parati akong naroon sa tabi niya. Kahit pa magdalaga siya ay hinding-hindi ko siya iiwan.
I got the small remote sa side table ko at in-on ang maliit na chandelier sa loob ng kuwarto ko dahilan para lumiwanag ang paligid. Takot si Gerry sa dilim. Nagsimula iyon nang ikulong siya ng kalaro sa closet at nang hinanap namin ay iyak lang ito nang iyak. Ilang sandali pa ay nagtaas na ng tingin si Gerry nang mapansin na maliwanag na ang paligid.
"Okay ka na anak?" I asked.
Tumango naman ito at pinunasan ang basang pisngi.
"Now tell me, tell Mommy what's wrong."
"Si Mr. Prince po, he said that he'll take you away from Daddy and me. He said that you want to be with him and you will leave me po. When I got mad po and said no, he turned into a monster and chased me." Paliwanag ng anak ko. Samantalang ako ay nangingitngit sa galit kay Damien.
That despicable guy! Kahit sa panaginip ng bata ay ayaw niyang tumigil. Talagang ginugulo nito ang buhay ko at ng mga taong nakapaligid sa 'kin.
I hugged my daughter and kissed the top of her head.
"Don't worry anak. There's no monster. At kapag kinuha ako ni Mr. Monster Prince, hindi sasama si Mommy. Hindi kita iiwan, okay?"
"Even though I'm already a hindred years old po?"
"Even though your teeth are falling out, hinding-hindi ka iiwan ni Mommy."
"Promised?" Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at nilapit sa akin ang kaniyang pinky finger. I also raised my hand and ,ade a pinky promise with my angel. "I promise my baby, now go to sleep. I love you anak,"
"I love you too, Mommy."
~*~
Inayos ko ang mga manika na nagkalat sa garden habang tinatanaw ang dalawang bata na nagtatakbuhan. Pandihabol naman ang yaya na nakabantay sa dalawa.
"Gertrude Keith! Keia Marie!" I shouted their names. Kapwa sila tumigil at tumingin sa 'kin dahil sa pagbabanta ko sa tono ng pagtawag ko sa kanila. "I told you both not to run! Tingnan niyo, pagod na si Yaya kahahabol sa inyo. Come here!" Sermon ko sa kanila.
Nakita ko ang pag-nguso ni Gerry samantalang si Keia naman ay tahimik lamang na lumapit sa akin.
"Mommy! We are still playing!" Reklamo ni Gerry nang makalapit na ang mga ito sa akin. Kaagad ko namang kinuha ang mga bimpo sa tabi ko at pinunasan si Gerry kasunod si Keia.
"Look at the two of you! Para na kayong taong grasa, you got mud all over your face Gertrude. And so do you, Miss Keia." I commented at pinunasan ang mga mukha nila. I saw how they both wrinkled their noses nang dumampi sa kanilang muka ang basang bimpo.
Nilagyan ko sila ng mga pamunas sa likod at hinayaan na ulit na maglaro sa mini playground sa garden. Kung saan dati kaming naglalaro ni Damien kasama si Kuya Dawson at Divina.
Napahinga ako ng malalim. Mabuti na lamang at wala ngayon si Kiana dahil kung hindi ay baka nagkaroon na ng world war III.
Habang pinagmamasdan ko ang dalawang bata na maglaro ay parang gumagaan ang pakiramdam ko. Ang sarap sigurong bumalik sa pagkabata, where you can throw all your worries away and just enjoy life.
"Be careful Zara---Gerry!" I shouted nang makita ang anak ko na madapa. I slowly stopped to my senses at marahan na napabalik sa pag-upo, I accidentally called Gerry as Zara. I must've been lost in joy. Unconsciously daydreaming about my twins. Siguro kung hindi lamang sila maagang kinuha sa akin ay ganito rin silang dalawa kasaya.
"Ma'am pinatatawag po kayo ni Senyor, kakausapin daw po kayo." Putol ng isang maid sa pagmumuni ko. Nilingon ko siya at nag-aalangan na umakyat sa kuwarto ni Lolo. Wala kasing magbabantay sa mga bata dahil wala si Miyang, I cannot trust some maids dahil hindi ko sila kilala.
"Ako na ang bahalang magbantay sa mga bata." Sabay kaming napalingon ng katulong kay Lola Esperanza na kadarating lang. Tinaasan niya lang ako ng kilay pero wala nang sinabi pa sa akin. Naglakad na ako patungo sa taas peeo narinig ko pa ang sermon no Lola Esperanza sa isa sa mga katulong. "Hoy ikaw! Tigilan mo 'yang pagse-cellphone mo at bantayan mo ang mga apo ko! Isi-sesante kita e!" Napa-iling na lamang ako dahil sa pag-iisip kung ano ang itsura ng katulong na iyon.
Panigurado na nangangatal na iyon sa takot.
Marahan kong pinihit ang pinto ng kuwarto ni Lolo at nabigla ako nang naroon din si Damien. Kumunot ang noo ko nang tumingin silang dalawa sa direksiyon ko.
"What's going on?" I asked.
"Come in hija, I have something to tell you." Kiming sagot ni Lolo. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa utos niya at lumapit sa kabilang side ng higaan niya.
Nakatingin lamang sa 'kin si Damien at base sa lalim ng titig niya ay para na niya akong pinapatay. Maybe he's thinking of ways how to dispose my dead body.
"Narito na kayong dalawa, I have a favor to ask the two of you. Ahihihi." Napa-irap ako sa kawalan dahil sa ginagawa ni Lolo. Para siyang isang teenager na kinikilig nang makita ang crush nito. "Alam niyo kasi, he-he-he." He stopped, mukhang nang-iinis.
"Spill it old man! Kanina ka pa a," Damien lost his cool at nasigawan si Lolo na kanina pa kami pinaglalaruan. Kaagad namang sumeryoso ang itsura ni Lolo Ruben at tumingin nang masama kay Damien.
"Ay walang modo ka talagang bata ka o! Hindi marunong mag-intay?" Pambabara niya kay Damien. "Kaya ka iniwan ni Rasiel ko e," bulong pa ni Lolo pero mukhang hindi narinig ni Damien dahil kumunot ang noo nito.
"What?!" Sigaw niya sa Lolo niya.
"Wala! Sabi ko ke-bata mo pa ay bingi ka na!" Lolo retorted. Hindi na lang nagsalita pa si Damien kaya natigil na rin si Lolo.
Lolo sighed. "Okay serious na ako, I want you to go to our rest house now. Gusto kong kunin ninyo ang isang box sa attic doon. You and Damien, hija."
Nanlaki ang mata ko na napatingin sa kaniya. "Po?! Pero Lolo naman! That's a five hour drive! Atsaka marami naman kayong maids at driver bakit hindi na lang sa kanila?!"
"Pero apo..." His expression softened. "This will be my last wish bago ako mamatay. Please? I can feel it already, pagbigyan mo na ako." Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagdadalawang isip dahil sa mga sinabi at paawa effect ni Lolo.
Inirapan ko muna siya bago sumuko. "Fine,"
"Yes! Ikaw naman apo, anong say mo?" Baling niya kay Damien. I saw how he formed a sly smirk on his face pero nawala rin iyon nang tumingin sa 'kin.
"Okay," he said.
Pagkasabi niya noon ay kaagad akong bumaba para magpaalam kay Gerry. Nangingilid ang luha nito at pilit akong pinipigilan.
"But you said you won't go with Mr. Monster Prince!" She whined. Nasa tabi niya naman si Keia na tahimik lamang na nakikinig sa amin.
"It's Lolo Ruben's wish anak, mabilis lang kami then uuwi kaagad ako. Okay?"
"But Mommy!"
Tumabi sa akin si Lola Esperanza at humarap kay Gerry. Pinunasan nito ang mga luha ng anak ko na bumabasa sa mamula-mula nitong pisngi.
"Dito ka na lang Gertrude, I'll bake you some cake. 'Di ba you like sweets, just like Keia?" Pag-aalo ni Lola Esperanza. Tumango naman si Gerry at kinalaunan ay sumama rin kay Lola Esperanza kasama si Keia. Nang mawala na sa paningin ko ang tatlo ay kaagad akong pumunta sa garahe at sumakay sa sasakyan ni Damien.
Naroon na siya sa loob at hinihintay ako.
"Drive," utos ko rito at tumingin sa labas ng bintana. Naramdaman ko naman ang pag-andar ng sasakyan pero wala pa ring salita galing kay Damien. It's not like I'm disappointed or what, it was just that masyadong hindi maganda amg atmosphere kapag kasama ko siya.
Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana, pilit na isinisiksik ang sarili ko sa gilid. At pilit na ipinapasok sa utak ko na huwag pansinin ang lalaking nasa tabi ko. Pero hindi pa rin pala siya sumusuko.
"Yara, can we talk?"
"We're already talking, can't you see?"
"Listen to me please,"
I snorted, "The last time I did, I got hurt."
Ilang sandali lamang siyang natahimik pero nang dumating kami sa stop light ay nakapula ito. Napamura na lamang ako ng mahina dahil sa mga nangyayari. He grabbed that opportunity to talk to me.
He sighed, "If you will listen to me, I promise na hindi ka masasaktan."
"You told me that already. Alam mo, nakakasawa na e. Paulit-ulit na lang naman tayo. You said that you'll never hurt me but you did! And it hurts like hell, tagusan e. Damien, hanggang ngayon nandoon pa rin ang sugat. Ang sakit-sakit lang. Kaya don't expect me to hear you out dahil hindi mangyayari 'yon. Just...Just drive, please." Kaagad akong tumingin sa bintana dahil nararamdaman ko na na anomang oras ay maaring tumulo ang mga luha ko.
The emotions, pinaghalo-halo lahat.
Ilang oras na ang lumipas at hindi ko na narinig pang magsalita si Damien sa tabi ko. Natahimik lamang din ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ilang oras na ba kaming nasa biyahe, hindi ko na alam. Malapit na ring dumilim at mukhang uulan pa.
Nagulat kaming pareho nang biglang tumigil ang sasakyan at may lumabas na usok mula sa hood nito. Bumaba si Damien para i-check iyon at ako naman ay naiwan sa loob na naiinis. Tumingin ako sa labas at nakita siya na abala pa rin sa pag-aayos.
"The f**k! Matagal pa ba 'yan?" I asked when it's been five minutes at hindi pa rin naayos ang sasakyan. Tuluyan na ring dumilim and we were in the middle of nowhere.
Bumaba ako at walang nakita ni isang bahay na malapit na pupuwedeng tumulong sa amin. Binuksan ko ang kotse at kinuha ang bag ko sa loob. I decided to myself na mag-isa ko na lang puntahan ang rest house. Tutal ay mukhang mahihirapan pang maayos ang makina ng sasakyan.
Nagsimula na akong maglakad pero kaagad akong napigilan ni Damien.
"Saan ka pupunta Yara, madilim na sa daan baka kung mapaano ka pa!" Sigaw niya. I raised my middle finger for him, trying to annoy him.
"Pake mo ba? Mag-isa ko na lang hahanapin ang rest house, I will not stay here and rot with you!" I talked back. He did not answer kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa hindi ko na maaninag ang ilaw mula sa kotse.
I breathed in sharply.
"s**t!" I cursed aloud nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Kaagad kong hinalungkat ang bag ko pero walang nakuha roon na kahit anong panangga laban sa ulan. Lumingon ako sa direksiyon kung saan nandoon nakaparada ang kotse pero wala na akong nakita.
My heart beats were racing dahil pakiramdam ko ay nawawala na ako.
I got scared nang may mga ibon na nagliparan. I was soaking wet and I was scared. Nilalamig na rin ako dahil sa ulan na may kasamang hangin. I felt so helpless. Pero isang kamay ang humila sa akin at bumangga ako sa isang matigas na bagay.
"Damien..."
"Don't run away like that again, I was so worried about you."
"Get off of me." Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Bukod sa lamig na lamig na ako at gutom pa ay wala na akong lakas, I'm totally drained. Inilapit pa niya ang tainga ko sa dibdib niya and I heard how his heart beats faster, just like mine.
"Get off." Ulit ko.
Mas lalo pa niyang diniin ang sarili sa 'kin, "Let's stay like this...forever." he whispered. Bigla na lamang nanlambot ang tuhod ko, probably dahil sa gutom.
And we stayed like that for minutes, he's hugging me under the cold pouring rain. And it felt warm, surprisingly.
*****
To be continued...