Alas-kwatro na ng umaga. Walang kahit anong komunikasyon ang naganap sa pagitan nila Muyou at Haruhi nung mga oras na iyon. “Fuyumi, mas mabuting tignan natin ang school n'yo.” sabi ni Muyou kay Fuyumi. “Ha? Bakit kayo hihiwalay? Akala ko ba pupunta na tayo sa base na sinasabi mo.” sabi naman ni Greg matapos niyang marinig ang sinabi ni Muyou. “Hindi ko naman kayo pinipilit na sumama sa akin. Kung gusto n'yo, mauna na kayong lahat sa base at ako na ang bahala pumunta sa school nila Fuyumi.” sabi ni Muyou habang nakatitig kay Greg. “Fuyumi, sumama ka na rin sa kanila.” “Sasama ako sa 'yo.” desididong sinabi ni Fuyumi. “Ako rin.” sagot din ni Yric. “Akala ko ba gusto mong makita si Kin? Sumama ka na sa kanila.” sabi ni Muyou kay Yric. Umiling naman si Yric. “Utang ko rin ang buhay ko

