Twenty: Bus

1325 Words

“H'wag mong buksan iyan!” Napalingon sila Muyou at nakita nila ang dalawang lalake na papunta sa direksyon nila. Naging alerto naman sina Muyou dahil duguan ang isa sa kanila. “President Kai.” tawag ni Fuyumi sa lalakeng nasugatan. Pupunta na sana si Fuyumi kay Kai nung pinigilan siya ni Muyou. “Baka infected na siya. Mas mabuting h'wag ka muna lumapit sa kanila.” sabi ni Muyou. “Fuyumi? Ikaw ba iyan?” tanong ni Kai at naglakad pa sila papunta kina Muyou. Napansin naman ni Kai na nakaalerto sila. “H'wag kayong mag-alala. Hindi ako infected.” sabi niya. “Mag-alala kayo d'yan sa pintong nasa likuran n'yo.” sabi naman ng isa pang lalakeng kasama ni Kai na si Itou. Tumingin sila sa kanilang likuran at nakita nila ang canteen na puno ng infected. Pinutahan naman agad ni Fuyumi sina Kai.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD