Sa kabilang banda, naramdaman ni Suzuki na sinusundan siya ng mga guro niya. Agad siyang pumasok sa isang bakanteng silid-aralan at hinintay pumasok ang tatlong guro na sumusunod sa kanya. Nang makapasok na sa loob ng silid ang tatlong guro, doon lang nila napansin ang tindig ni Suzuki at ang tingin niyang gustong manakit. “Kanina n'yo pa ako sinusundan. Pagbibigyan ko kayo habang wala sina Craig at kuya Muyou.” sabi ni Suzuki habang nakangiti. “Woah~ pagbibigyan pala tayo ng dalagang ito.” sabi ng isang guro at ang isa naman ay isinara ang pinto. Lumapit naman sila isa-isa kay Suzuki habang naghuhubad ng pambabang damit. Napakunot naman ng noo si Suzuki at tumayo ng maayos. May kinuha siyang walis tambo na kinuha niya kanina nung pumasok siya sa loob ng silid-aralan at bigla niyang ini

